"I S S U E"
"Uy tingnan niyo oh, ang pangit ng hairstyle niya today"
"Luh, di niya ba alam na gusot-gusot ang Uniform niya?"
"Balita mo 37 lang likes niya sa bagong profile niya"I clenched my fists upon hearing those words, lahat na lang ba ng makikita nila issue?! Huminga ako ng malalim at Ngumiti ng pilit. Ganito naman lagi eh, hayaan silang mang-judge at ipagpatuloy ang buhay. Wala na tayong magagawa, ganyan na talaga ang Pilipino.
"Uy, Abby!" Napatingin ako sa lugar kung saan nanggaling ang Sigaw at napangiti ng makita ang Kaibigan ko na si Sienna.
Si Sienna di naman natin masasabi na perpekto, nakikisabay rin kasi siya sa uso na pag-may nakitang Mali issue agad, pero she's different and I'm not being biased towards her when I say those words. She really is different, kasi di niya naman jinujudge yung maliliit na bagay, she collects facts and evidence before judging that's what I like about her because we're the same.
"Bagong issue na naman ba?" Bungad ko sa kanya ng nakita ko ang kakaibang ngiti na nakaukit sa mukha niya. Kilala ko na 'tong babaeng 'to, Basta masaya may bagong chika.
"Hehe Abby, di naman 'to issue eh! Good news to! May bago raw tayong Transferee, gwapo daw yiieee may bago na namang Oppa!" Kinikilig na sabi niya habang nakapikit na parang bulateng nangingisay.
Aba? Ba't ganito 'tong babaeng to pag may lalaki? Parang nakukuryente. I rolled my eyes at her reaction and decided to just let her talk about the 'transferee' she fell in 'love' with.
Napalingon ako sa pintuan ng marinig kong bumukas ito, Tumayo ako at dali-daling bumati
"Goodmorning Sir" bati ko sa guro namin.
"Pfft" Napalingon ako sa classmate kong nagpipigil ng tawa. Napakunot ang kilay ko ng napag-alaman kong lahat sila ay nagpipigil ng tawa, pati na rin ang Kaibigan ko!
"Ba't kayo tumatawa?" Nagtatakang tanong ko. Napailing-iling siya habang pulang-pula kasi nga nagpipigil ng tawa. Humintay ako ng mga 30 seconds at nahimasmasan na rin siya sa wakas.
"A-abby! Di naman kasi yan si sir eh HAHAHAHA" Di na nga niya napigilan at humagalpak na nga siya ng tawa na sinundan ng mga kaklase namin kaya ang kalabasan lahat na ng tao sa room tumatawa at ako wala pa ring kaalamalam sa nangyayari. Eh kung hindi si Sir sino ang pumasok?
Unti-unti akong lumingon sa pintuan at ganun na lang ang naging gulat ko. Nanlaki ang mata ko at namula ang pisngi ko. Hindi nga si Sir, kundi isang gwapo at matipunong lalaki ang nakaharap ko.
Ngumisi siya sa akin at kinidatan ako na naging dahilan para mas mamula ang pisngi ko, Dali-dali akong Yumuko para matabunan ang kahihiyan na nagawa ko. Ito ata ang Transferee na sinasabi nila.
"Wag niyo nga siyang tawanan! Siya ang Girlfriend ko, pinag-usapan namin 'tong lahat. Pakana ko na tawagin niya akong sir" Nanlaki ang mata ko sa Sinabi niya, naramdaman ko ang kamay niya na umakbay sa akin. Itinaas ko ang tingin ko at nakita kong nakangiti siyang natitig sa akin.
"A-ano bang pinagsasabi mo? Ayaw ko ng issue! Di nga kita kilala eh!" Sinubukan kong kumawala sa hawak niya, nagpupumiglas ako. Napasinghap ako ng bigla niya akong niyakap.
Ano ba 'tong napasok ko?
Binitawan niya ako at hinawakan ang kamay ko. Nagkatinginan kami mata sa mata na naging dahilan ng muling pag-init ng pisngi ko.
"Ayaw ko rin naman ng issue eh, but all I want is-shue" Sabi niya at kinindatan ako. Nakanganga ako habang Hawak-hawak niya ang kamay ko, at dun lang na process sa akin lahat ng nangyari ng nagkantyawan ang buong klase.
Ano ba talaga tong napasok ko?
-KryzaBella(Aella)
BINABASA MO ANG
One-Shot Story Compilation
RandomThe compiled version of all the one-shot stories that I posted in Facebook. Check out both my accounts on Facebook: Aella Bella and Kryzy Bae