Comeback?

803 7 3
                                    


Someone's POV

"Loveeeeeee!"

"I love you, lovee."

"I miss you, lovee."

"Asaran lang, walang pikunan, lovee haha."

"Please, lovee.. Stay with me."

"Don't leave me, lovee.."

"Comeback!!"

"I hate you."

Dahan dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko dahil siya na naman ang laman ng panaginip ko.

Huminga ako ng malalim at nag ayos na ako ng aking sarili dahil ngayon na ang araw ng aking pagbabalik at sinimulan ko na rin ayusin ang maleta ko, baka may makalimutan pa akong ilagay. Ilang oras na lang bago ko lisanin ang lugar na ito.

Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng aking silid. Limang taon rin pala ang tinagal ko dito.

"Ms., are you ready?" Napalingon ako sa nagsalita, si Ms. Reys pala, an OFW here in US. Siya ang nakasama ko sa limang taon kong pamamalagi sa lugar na ito.

"Yes po." Sagot ko sa kanya na may ngiti sa mga labi.

Tinulungan niya akong dalhin ang aking maleta, samantalang kinuha ko naman ang aking back pack sa ibabaw ng kama. May isang larawan na naiwan, hindi ko ata naipasok ito. Kinuha ko ang lumang picture at napangiti na lang ako nang tignan ko ito.

"I'm coming back...."

-----  

DALAWANG linggo na simula nang makarating ako sa Pilipinas. Pinag pahinga lang ako ni papa dahil kondisyon ko. Nag aadjust pa ang katawan ko sa klima ng panahon. At ngayong araw, papunta na kami sa Montereal University also known as M.U.

"Kuya dito na lang po." Sabi ko sa aming family driver. Dito mismo ako nagpababa sa tapat ng malaking gate ng M.U. Sa main gate pa lang mapapansin nang napakarangya ng paaralang ito at panigurado marami ring estudtanteng mayayaman dito.

"Sigurado po kayo ma'am?" Napalingon ako sa aming driver na mababakas ang pag aalala sa mukha nito.

"Opo, kuya. Kaya ko na naman po ito. Tatawagan ko na lang po kayo kapag natapos na po akong maka enroll."

"Sige po ma'am. Ito po payong para makabawas kahit papano sa init." Binigay niya sakin ang isang purple na payong. Cute.

"Thank you po."

Pumasok na ako sa loob pero bago yon ibinigay ko muna ang I.D ko sa guard, policy daw yun ng University sa mga outsiders at nag log in na rin ako.  Nakapasa naman ako sa entrance exam at ngayon kukuha na rin ako ng Notice of Admission. Isasabay ko na rin ang pagpasa ng mga follow up requirements at pag eenroll.

Pagkarating ko sa Guidance office ay bumungad sakin ang napakahabang pila ng mga students. Pero isang babae ang nakakuha ng atensyon ko. Nag bebenta ito ng pamaypay at mga school supplies? Huh? Pwede pala ang ganyan dito? Sa gantong University? Nagkibit balikat na lang ako sa aking nakita. Nagtanong na rin ako kung saan ang last na pila sa katabi ko, siksikan, ang init.

"Rea!Come here! Pa buy nga me ng one pamaypay!" Maarteng tawag ng babaeng pangalawa sa aking unahan.

"Andyan na!" Sagot pabalik ng nag ngangalang Rea.

Lumapit si Rea doon sa babaeng tumawag sa kanya, pinapili nya ito kung anong kulay ng pamaypay ang gusto ng babae, nagrereklamo pa ito bakit daw hindi inayos ang schedule ng management ng University kaya ganto kahaba ang pila. May isa pang tumawag dito, nangangailangan ng ballpen at folder.

Comeback ( Jaguars Fanfic Story )Where stories live. Discover now