Babalik ka pa ba kahit alam mo nang masasaktan ka pa din sa huli?Paano kung wala ka nang babalikan?
"Ano ba itong mga tanungan mo sa survey, Liah? Sigurado ka bang inapproved ito ng Research teacher natin?"
Paninigurado ko sa kaibigan ko. Kaloka, acceptable ba talaga to?
"Alam mo Ms. Kayna Norein Cedilla wala ka na ngang naitutulong sa reasearch natin ang dami mo pang tanong. Gupitin mo na lang yang mga papel na yan upang makapag survey na agad tayo at pag tapos natin mag survey ita-tally natin lahat yan. Marami pa tayong gagawin, magrerevise pa tayo dahil malapit na ang dead line ng draft sa Chapter 2!! Kaya pwede ba?"
Scary.
"Pota galet na galet uzx2 manaket. Chill ka lang, easy lang to. Nagtanong lang naman ang daming nasabi agad."
"Nako Kayna, wag mo ginagalet yang si Mari Che. Gigil na gigil na sayo yan."
Sigunda naman ng isa sa mga kagroup ko sa Research namin.
"Pano galet?"
Pang aasar ko pa.
"Kayna Norein Cedilla, ako bwisit na bwisit na sayo ah. Baka nga pati Research title natin hindi mo alam? Kung pwede lang magtanggal ng kagrupo, tanggal ka na."
Scary part two. Well, tama nga sya sa part na yon hehe.
"Oo na, oo na. Ito na nga ginupit ko na oooh."
Pinagpatuloy ko na lang ang pag gugupit sa mga papel na nasa harapan ko. Gravity, ilang pages ba ito? 30 plus? Tapos ako lang mag isa nag gugupit? Wow.
"Ako lang talaga mag isa gagawa nito?"
"Oo, yan na lang ang gagawin mo. Ngayon ka lang kasi nagkaroon ng free time sa amin."
Pagtataray ng kasamahan ko. Jowa ba kita teh para mag laan ako sayo ng time?
"Tse, di naman kita jowa para magbigay ako sayo ng time, hmp."
Tinarayan lang ako ng gaga.
"Kayna yung jowa mo nasa gym na! Start na ng practice ng team nila! Tara na!!"
Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko at agad bumilog ang aking mga mata sa excitement. Agad naman siyang nawala sa harap ng pinto dito sa aming classroom. Excited pa sakin si ate gurl.
Tatayo na sana ako kaso agad nagsiharang ang aking mga kasamahan sa dadaanan ko.
"Ano Kayna? Mas uunahin mo pa kaharutan mo kesa sa Research natin?"
May pagbabanta sa tono ng pananalita ni Mari Che. Scary na talaga.
"Oo na, asar naman kasiiii!"
Di ko tuloy mapapanood mag practice yung jowa ko. Hmp.
"Lesson learned na talaga sakin ito. Wag gagawing kagrupo ang kaibigan dahil friendship over ang kahihinatnan."
Natawa na lang ako sa sinabi nya at pinagpatuloy na lang ang ginagawa ko para makatapos na at baka maabutan ko pa ang practice game ng jowa ko hihi.
After ng ilang oras na gupitan ay natapos ko na din, madali kong inayos ang gamit ko upang sumunod sa gym para makahabol ako sa practice game nila. Kalimitan kasi inaabot ng dalawang oras o higit pa kung mag practice ang Jaguars. Yun ang tawag sa basketball team ng Montereal University.
Binubuo ng labin-tatlong players ang Jaguars at isa lang masasabi ko, mga jowable ang koya mo teh.
Shieldler John Wright