Prologue:
Life is a matter of choice. . .
I choose not to love this guy because of my condition. .
But what if things change?
All this time you believe that you're dying but in the end you're not.
What if the guy you want to spend your forever suddenly left you hanging?
Love is happiness. . .
Love is painful. .
Love without pain is just a game. .
Life is worth living. . .
Life is complicated. .
Chapter 1
Alliyah
Nagising na lang ako bigla ng dahil sa ingay sa labas. Nag aayos ata ng bahay? Ewan.
Tumayo na ko sa kama at naghilamos. Paglabas ko, nagulat ako sa nakita ko.
"Ano to?!" tapos nakita kong sumilip si gab.
"Gabriel! Anong ginawa mo sa bahay ko?! Pwede ba, tanggalin mo yang harang dyan!! Parang ginawa mo na akong baboy nito eh!!"
"good morning din alliyah! Umagang umaga sigaw na kaagad pambungad mo."
"Ehh kasi ano ba 'tong ginagawa mo?!"
"Ginawa ko yan para di kana umaalis ng bahay ng hindi ko alam."
"eh bakit mo ba ko pinipigilang umalis eh buhay ko naman 'to?!
"Hindi naman sa pinipigilan kita, nakalimutan mo na bang may sakit k---"
"Pero sa ginagawa mo gab parang pinipigilan mo ko! At mas pinaparamdam mo saken na paikli ng paikli ang buhay ko."
Sabay pasok ko at dumiretso sa kwarto. Bakit ba kailangan lahat na lang sila kailangan laging iparamdam sakin na anytime mawawala na ko? Nakakainis lang, paggising na paggising ko, makikita ko nalang na puro harang yung pinto ng bahay ko.
By the way, i'm Alliyah Kate Enriquez. 19 na ko and mukhang di na aabot ng 20. May narecieve kasi akong test results ng check up ko and lumabas na malala na ang sakit ko at mamamatay na ko when i turn 20. Ang mom ko, OFW sa Dubai at ang daddy ko naman, namatay when i was 15 due to Lung cancer. Hindi naman kami mayaman, di din naman mahirap. Average lang kung baga.
Si Gabriel Villaneva naman ang kababata/kaibigan/hired na taga bantay ko.(daw)
Maya-maya lang, may narinig akong footsteps papalapit sakin. And speaking of taga bantay . .
"Liyah, sorry na. Nag aalala lang naman ako eh. Kasi natatakot akong. . .mawala ka ng hindi ko alam. Sorry na." tapos kinurot nya yung ilong ko.
"Bilhan kita ice cream." alam na alam nya talaga weakness ko. Fine! sya na-.-
"Bilisan mo ha?! Gusto ko chocolate flavor!?"
Tapos tumayo sya kaagad at nagsalute. Parang tanga lang?
"Yes mam !!" at bago pa sya makalabas, "hep! Wag kang aalis ha? Kundi walang chocolate ice cream!"
"Oo na! Sige."
Habang hinihintay kong bumalik si gab, naligo na ko at nagbreakfast.
Di din nagtagal, "Potpot! Chocolate ice cream here!!" tapos pinuntahan nya ko sa kitchen habang naghuhugas ako ng pinagkainan.
"Ako na dyan."
"No. Ako na. Yung pinagkainan ko lang naman to eh. Kaya ok lang."
"ako na nga potpot."