IMMBB 4

3.1K 68 0
                                    

I'm Married with My Brother's Boss 4

Aouie Fortalejo Pov's

Kanina ko pa gustong umuwi pero alam mo yung pakiramdam na ayokong sabihin sa kanya? Feeling ko kasi kapag sinabi ko sa kanya na pagod na ako baka magalit siya at mangyari sakin ang nangyari kanina.

Kaya minabuti ko na lang na manahimik dito sa kinauupuan ko.

"Masyadong delikado kung isasama pa natin siya alam mong magkakaroon tayo ng transaction sa lugar na iyon at kung mamalasin pa tayo baka magkaroon pa ng bulilyaso." Seryosong wika ni Asher.

Tumingin siya sa direksyon ko at seryoso ang mukha niya gano'n din si Azu.

Ano ba meron? Transaction? Ano ba ang pinagsasabi ng isang ito?

"Gusto siyang makita ni daddy at gusto ko rin siyang ipakilala sa lahat." Seryosong wika naman ni Azu kay Asher.

"Dude, pwede naman natin siyang ipakilala kay tito sa susunod na araw." Seryosong wika parin ni Asher. "Alam mo naman na bigla bigla na lang sumusulpot ang mga assassin lalo na kapag nagkakaroon ng transaction." Aniya pa niya.

"Pero alam mong hindi natin pwedeng balewalain ang sinabi ni daddy kapag sinabi niya sinabi niya." Seryosong sabi parin ni Azu kay Asher.

Hindi ko alam pero sumasakit ang ulo ko sa usapan nila kahit anong gawin kong pagiintindi hindi ko parin maintindihan.

Transaction? Assassin?

Hinawakan ko ang ulo ko sa kadahilanang kumikirot ito.

"Baby are you okay?"

Tiningnan ko siya at kitang kita sa mukha niya ang pag-aalala.

"Hu-huh? Oo medyo nanakit lang ang ulo ko."

May kumatok ng tatlong beses sa pinto. May limang lalaking pumasok at lahat sila ay naka-tuxedo.

Tumayo si Azu at isinuot rin ang tuxedo na nakalagay sa upuan niya.

Teka nga bakit ba lahat sila na naka-tuxedo?

"Pupunta ba tayo sa patay? Bakit lahat kayo naka-tuxedong itim?" Nagtatakang Tanong ko.

Napahalakhak nang malakas si Azu sa sinabi ko.

May nakakatawa ba sa sinabi ko?

Napanguso ako.

Inayos niya ang sarili niya ng mapagtanto na siya lang ang tumatawa sa tanong ko.

"Let's go." Naiilang na wika niya.

Hinawakan niya ang aking kamay at sabay kaming lumabas ng office niya.

Ito na naman po ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok nito at parang gusto niya ng lumabas dahil sa sobrang bilis ng tibok nito.

Huminto ulit kami doon sa pinto na pinanggalingan namin ni Asher.

Huminto ako sa paglalakad kaya napahinto rin si Azu.

"Pwede bang maghagdanan na lang tayo?" Seryosong wika ko. "Ano ba ang tawag diyan sa sasakyan na yan? Kapag sumasakay kasi ako diyan feeling ko naiiwan ang kaluluwa ko." Dagdag ko pa.

Napahalakhak ulit ito nang malakas at sa pagkakataong ito na mimilipit na siya sa kakatawa. Gano'n din sila Asher.

Hindi ko alam pero may mali ba sa sinabi ko?

"Hahaha. Sasakyan raw." Natatawang wika ni Asher. "Kailan pa naging sasakyan ang elevator." Tawang-tawang wika nito.

Naiiyak na ako. Pinagtatawanan ba nila ako dahil hindi ko alam na elevator pala iyon at hindi sasakyan? Ang sama nila iiyak na talaga ako!

I'm Married With My Brother's Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon