IMMBB 6

2.5K 49 0
                                    

I'm Married with My Brother's Boss 6

Azu Atticus Pov's

Hinintay ko munang makatulog ng mahimbing si Aouie bago ako umalis sa kwarto ko.

Nakita ko si Asher na naghihintay doon sa baba at kasama niya yung babae.

"Iiwan mo siya ng walang proteksyon seryoso ka?" Natatawang tanong nito sakin.

"Hindi ako tanga para iwan siya ng walang proteksyon." Seryosong wika ko naman sa kanya. "Alam ko naman na babantayan mo siya kahit hindi ko sabihin sayo at nandito si Asher para proteksyonan kayo." Dagdag ko pa

"Lalo mo lang pinapahamak ang buhay niya dapat hindi mo na siya ipinakita pa doon." Mas lalong sumeryoso ang tono ng boses niya.

"Bakit ano ba alam mo sa buhay niya?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Umiwas naman ito ng tingin sakin.

"Nabalitaan ko na simula ng mamatay ang mama at Lola niya lagi mo na siyang sinusundan at noong na aksidente siya tatlong taon na ang nakaraan ikaw ang nagdala sa kanya niya sa hospital." Me.

Iniwas niya lang ang tingin niya sakin.

"Ano ba ang gusto mo?" Seryosong ang tono ng kanyang boses.

"Gaya ng sinabi mo delikado ang buhay niya, kahit naman hindi pa siya nagigising madami nang nagtatakang patayin siya at kahit ako hindi ko alam ang dahilan nun." Seryosong wika ko parin sa kanya.

"Ibig mong sabihin kahit na naka-coma na siya madami paring pumupuntang assassin para patayin siya?" Seryosong tanong niya ulit sakin.

Assassin?

"Ano naman ang kinalaman ng Assassin dito?" Seryosong tanong ko sa kanya.

"Hindi ko alam, pero sila ang nagtatangkang pumatay kay Aouie." Seryosong sagot niya.

"Kung ganun tutulungan mo ba ako, Eileithia Evangelista?" Seryosong tanong ko sa kanya na siyang ikinagulat niya.

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?" Takang tanong nito.

"Hindi na mahalaga yun, ang mahalaga ngayon papayag kaba o hindi?" Seryosong tanong ko parin.

"Kahit na sabihin ko pa na ayuko, alam ko hindi na ako makakalabas pa ng buhay dito."

"Mabuti naman at nagkaintindihan tayo." Nakangiting sambit ko.

Kinuha ko na ang gamit ko sa sofa at iniwan ko siya doon na may takot sa kanyang mukha.

"Siya nga pala turuan mo siya sa mga bagay na hindi niya alam." Pahabol na sabi ko at tuluyan na akong lumabas sa mansion.

Aouie Fortalejo Pov's

Nang magising ako wala na sa tabi ko si Azu. Inayos ko muna ang aking sarili bago ako bumaba para magalmusal. Nakita ko si Asher na nakaupo sa sofa at may kasama siyang babae.

Mabilis na tumayo yung babae at sinalubong ako.

Hmm?? Sino naman kaya ang babaeng 'to? Bakit siya nandito sa bahay?

"Nagkita ulit tayo Aouie." Nakangiting wika nito sakin.

Teka nagkita na ba kami? Baakit niya alam ang pangalan ko?

Tiningnan ko siya ng may pagtataka sa aking mukha.

"Hindi mo ba ako natatandaan? Ako yung babaeng humila sayo palabas doon sa building." Seyosong paliwanag niya sakin.

Ah siya pala yung babaeng humila sakin kahapon.

"Masaya akong makita ka." nakangiting wika ko.

Mabuti naman at ligtas siya nakalimutan ko kasing itanong kay Azu kagabi ang tungkol sakanya.

Nagtatrabaho din ba siya dito? Naka-tuxedo din kasi siya ehh.

"Young lady nakahanda na po ang almusal ninyo." Maypaggalang na wika ni Mrs.Han.

Tumango ako sa kanya bilang tugon.

"Tara almusal na tayo." Nakangiting yaya ko sa kanya.

Hindi ko na siya hinintay pang makasagot dahil hinila ko na siya papunta doon sa kitchen.

Pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Siya nga pala anu ba ang pangalan mo?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

"Eilieithia Evangelista." Mabilis na tugon niya.

"Alam mo ba masaya kong makita ka ngayon dito sa bahay, ako lang kasi lagi ang naiiwan dito kasama si Ms.Han at yung ibang mga lalaking naka-tuxedo." masayang sambit ko.

Tumawa naman ito ng bahagya.

"Nagtatrabaho ka rin ba dito?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Huh? Oo." nagdadalawang isip niyang sagot.

Magsasalita pa sana ako pero biglang sumingit sa usapan si Asher. Inabot niya sakin ang cellphone ko.

"Answer that call." Seryosong aniya niya. "Make it loud." Dagdag niya pa.

Kinuha ko yung cellphone na hawak-hawak niya at sinagot ito.

"Hello?" Me.

"What a beautiful voice." Boses ng babae ang narinig namin sa kabilang linya. "Why you so lucky?" dagdag niya pa.

Teka bakit parang kilalang kilala ko ang boses niya? Parang narinig ko na ito?.

Pilit kong inaalala kung saan ko ba narinig ang boses niya. Alam kong narinig ko na yun kung saan hindi ko lang matandaan.

"Sino ba ito?" Takang tanong ko.

"Shut up! Ako lang ang dapat na magsalita sa ating dalawa kaya manahimak ka diyan!" Sigaw na wika niya.

Napatingin ako kila Asher na seryosong nakikinig rin.

"Okay listen to me baby." Sumeryoso naman ang boses niya. "Sobrang saya ko na buhay ka pa, sa sobrang saya ko nga gusto na kitang patayin ulit." Dagdag niya pa.

Masaya siya na buhay ako? Ehh bakit ngayon gusto niya na akong patayin?

Ang gulo naman kausap ng babaeng'to. Nagsisimula na namang sumakit ang ulo ko.

"Hindi ko parin lubos maisip kung pano ka na buhay. Dapat talaga patay ka na ngayon gaya ng mama mo, hindi ko alam kung pano ka na buhay doon sa pagsabog." Serysosong wika niya. "At nung malaman kong nasa coma ka akala ko talaga matutuluyan kana pero tingnan mo ngayon buhay na buhay ka pa." Dagdag niya.

Pagsabog?Bakit wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya?

Bakit sobrang sakit ng ulo ko? Ayuko nang ipagpatuloy pa ang pakikinig sa mga sinasabi ng babaeng 'to, lalo lang sumasakit ang ulo ko dahil sa kanya.

"Pero alam mo wag ka munang magdiwang ngayon dahil sisiguraduhin kong mamamatay kana sa pagkakataong ito." Maypagbabantang sabi niya. "Sa pagkakataong ito sisiguraduhin kong hindi kana susuwertihin pa. Dahil sayo lahat ng plano ko para sa sarili ko at para sa magiging pamilya ko ay nasira dapat hindi kana binuhay pa ni Alaina Fortalejo dapat isinama ka na lang niya sa libingan para hindi na maging impyerno pa ang buhay mo at sisiguraduhin kong mangyayari iyon." Dagdag niya pa at binabaan niya na ang telepono.

Fuck! Sobrang sakit ng ulo ko may mga alaala na bumabalik pero hindi malinaw lahat. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit.

Hindi ako nagkakamali narinig ko na talaga ang boses na yan. Pero saan?

"Aouie okay ka lang ba?"

Tiningnan ko si Eilieithia pero hindi ko na siya maaninag pa ng mabuti.

*Block out*

I'm Married With My Brother's Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon