IMMBB 8

2.2K 62 0
                                    

I'm Married with My Brother's Boss 8

Aouie Fortalejo Pov's

Papunta kami ngayon sa super market para samahan si Mrs.Han mag-grocery. Pinayagan naman ako ni Azu basta may kasama. 

Ang bait niya diba? Ayiee...

Si Eileithia ang kasama namin at yung limang bodyguard na ipinadala ni Asher. Hindi daw siya makakasama kasi may importante siyang gagawin sa kompanya.

Excited na ako... Simula kasi ng makalabas ako ng hospital lagi nalang akong na sa bahay ni hindi lang naman ako nakakalabas. Makakalabas man hanggang doon lang sa malawak na hardin nila Azu tapos may bantay pa. Tsk!

"Ano itsura ng super market?" Seryosong tanong ko kay Eileithia.

Napakamot naman ito ng ulo bago sumagot. "Malaking building yun na bilihan ng mga pagkain, inumin at mga gamit sa bahay." Paliwanag niya.

Tumango-tango naman ako bilang tugon. Sampong minuto ang nakalipas ng makarating kami doon sa super market. Unang bumaba si Eliethia sumunod ako at si Mrs.Han nasa labas na rin yung mga bodyguard ko. 

Naunang naglakad si Mrs.Han na sa harap ko siya na sa kanan ko naman si Eliethia habang yung isang lalaki na sa kaliwa at yung iba naman ay na sa likuran ko. Pagpasok namin doon sa loob may kinuha sila sa gilid malapit sa pintuan ng super market.

"Anong tawag sa bagay na yan?" Tanong ko ulit kay Eliethia.

"Trolley. Diyan natin ilalagay ang mga bibilhin natin." Dugon agad nito sakin.

Ngumiti ako sa kanya at saka tumango. Naglakad na ulit ako ang may hawak ng trolley habang sila Mrs.Han naman ay namimili ng mga bibilhin.

Paikot-ikot kami doon sa loob ng super market at punong puno na rin yung trolley. Kinuha sakin ni kuyang naka-tuxedo yung trolley at siya na yung nagtulak nun.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Walang ganang tanong ko.

"Bakit kasi naisipan mong sumama?" Balik na tanong niya naman sakin.

"Akala ko kasi exciting yung gagawin natin hindi pala." Dismayadong sagot ko.

Natawa naman ito sa sinabi ko.

"Okay na yan pumunta na tayo sa counter para ma-bayaran na yan lahat." Mahinahong sabi ni Mrs.Han

Sa susunod hindi na ako sasama mas nakakabored pa to eh! Pumila sila Eliethia doon sa  sinasabi nilang counter. Habang ako naman dito sa labas naghihintay sa kanila kasama ko yung limang body guard. Palakad-lakad lang ako doon sa labas dahil sobrang naiinip na talaga ako.

"Pumasok po muna kayo." May paggalang na sabi nung lalaking naka-tuxedo.

Tumango ako bilang tugon. Naglakad na ako papunta doon sa kotse para doon maghintay. Papasok na sana ako ng mabaling ang atensyon ko doon sa sasakyan. Mabilis ang takbo niya at patungo sa direksyon ko.

Hindi ko alam pero, hindi ako makaalis sa kinatatayuan dahil inunahan na ako ng takot at nanginginig na rin ang buo kong katawan. Napapikit na lang ako dahil sa sobrang takot. Naramdaman kong may humawak sa kamay ko at hinila ako. At isang malakas na kalamapag ang narinig ko.

"Aouie okay ka lang?" Eileithia.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mata. Yakap yakap ako ng isang tao.

Azu?

Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.

"Are you okay?" May pagaalalang Tanong nito.


*FLASHBACK*

"Are you okay honey?" May pagaalalang tanong niya sakin.

"Okay lang ako natapilok lang naman ako ehh." Dugon ko agad sa kanya.

Lumapit siya sakin at niyakap ako ng mahigpit.

*End Of FlashBack*


Napahawak ako sa ulo ko dahil muli ko na naman naramdaman ang sakit ng aking ulo.

Anu yun bakit ang labo hindi ko gaanong maaninag ang mukha ng lalaki?

"Aouie may masakit ba sayo?" Maypagaalalang tanong ni Eliethia sakin.

"Nananakit na naman ang ulo ko." Tugon ko agad sa kanya.

"Salamat nga pala." Pasasalamat ko doon sa lalaking nagligtas sakin.

"Salamat naman at okay ka lang." Nakangiting sabi nito sakin.

Bakit parang sobrang familiar ng mukha niya? Nagkita na ba kami dati?

"Nagkakilala na ba tayo?" Seryosong tanong ko.

"Sorry, pero napadaan lang ako." Nakangiting sabi nito atsaka umalis.

Tiningnan ko lang siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Young Lady bakit po kayo umiiyak?" May pagaalalang tanong ni Ms.Han.

Umiiyak? Ako?

Tiningnan ko yung kotse na sobrang bilis ng takbo. Doon siya bumangga sa kotseng sinasakyan namin.


Azu Atticus Pov's

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa para tawagan si Asher at para na rin kamustahin si Aouie. Simula kasi nung malaman ko ang nangyari kila Aouie doon sa super market hindi na ako mapakali dito sa Amerika gustong-gusto ko ng umuwi at gantihan ang mga taong gumawa nun sa kanya.

Hinding-hindi ko sila tatantanan hanggat hindi nila nararanas ang takot na naranas ni Aouie. At sisiguraduhin kong magyayari iyon.

"Kamusta na siya?" Seryosong tanong ko.

"Nagluluto siya." Tugon niya agad.

"Nagluluto?Fuck! Asher Alvarez at sinong may sabi na magluto siya?!" Nanggagalaiti kong tanong.

"Easy, boss wag ka agad nagagalit diyan." Asher. "Gusto niyang matuto magluto para sayo, gusto ka niyang ipagluto." Dagdag niya pa.

"Para sakin?" Patanong na sagot ko.

"Oo." Tugon nito.

Para sakin? Gusto niya akong ipagluto?

Hindi ko alam pero para akong tangang tumatawa magisa dito sa kwarto. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong pakiramdam. Masaya pala talaga kapag may minamahal ka. Pero hindi niya na kailangan gawin ang bagay na iyon makita ko na lang siya araw-araw sapat na sakin yun.

"Bakit niya ba ginagawa ang bagay na yan? Hindi ko naman hiniling sa kanya na ipagluto niya ako?" Seryosong tanong ko kay Asher.

Napabuntong hininga ito bago sumagot.

"Gusto niyang maging perfect wife." Tugon nito.

Perfect Wife?

"Asher halika dito tikman mo itong ginawa ko." Rinig kong sabi ni Aouie sa kabilang linya. "Si Azu ba yang kausap mo?" Dagdag pa niya.

"Oo, gusto mo kausapin?" Asher.

Mabilis kong pinatay ang telepono. Ayoko siyang kausapin sa telepono mas gusto kong nakikita ang mukha niya.

Pumunta ako sa Google para isearch kung paano maging PERFECT HUSBAND.

Ten ways on how to be a PERFECT HUSBAND.

1.Talk about your feelings
2.Stay in good shape.
3. Text her more
4.Kiss her every morning
5. Kiss her in public
6. Try some creative/imaginative ways to tell your wife how much you love her.
7.Plan some fun.
8. Always listen to her
9. Protect and fight for her
10. Give her a baby.

Kaya ko bang gawin yan? Parang isa lang ang kaya kong gawin diyan at yun ang bigyan siya ng anak, ero gagawin ko parin lahat ng iyan sa abot ng aking makakaya.

I'm Married With My Brother's Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon