I'm Married with My Brother's Boss 7
Eiliethia Evangelista Pov's
Mas lalo pang humigpit ang security dito sa mansion at meron na ring nagbabantay pati sa loob nito. Mas dumami din ang bodyguard ni Aouie.
Limang araw na rin simula ng makatanggap kami nang tawag pero hanggang ngayon hindi parin namin alam kung sino yun. Kaya patago kung tinuturuan si Aouie sa kwarto niya, tinuturo ko sa kanya kung paano gamitin ang baril at kung paano ipagtanggol ang sarili niya. Hindi naman ako gaanong nahirapan sa kanya kasi mabilis niya naman itong natutunan. At kapag na sa labas naman kami ng kwarto itinuturo ko naman sa kanya ang mga bagay na hindi niya alam.
Andito kami ngayon sa kwarto niya. Pinagmamasdan ko lang kung paano niya hawakan ang baril na ngayon ay hawak-hawak niya. Nung una natatakot pa siyang hawakan ito pero ngayon nahahawakan niya na at pinaglalaruan niya pa.
Nakakatawa lang kasi hindi niya alam na laruan lang ang hawak-hawak niya ngayon. Sa ngayon hindi ko pa siya pwedeng bigyan ng totoong baril kapag na laman kasi ito ni Azu panigurado mapapatay niya ako.
Si Azu ay isang napakagaling na Mafia reaper at siya ang sumunod na kinatatakutan sa Mafia wolrd, siya din ang susunod na Mafia boss.
Ayaw ni Azu na turuan ko si Aouie kung paano gumamit ng baril. Sabi niya sakin kaya niyang protektahan si Aouie kaya hindi niya na kailangan pang malaman kung paano gumamit ng baril . Ayaw niya ring malaman ni Aouie na isa siyang mafia.
Sa mafia world meron boss, under boss, Consigliere, Capo, Soldier at associates.
Si Sir Alfredo Atticus ang boss ng mafia habang si Azu naman ang Under boss at pwede na rin siyang maging boss. Si Azu ang kanan kamay ni Sir. Alfredo Atticus at silang dalawa ang kinakakatakutan sa mafia world. At ang Consigliere ay si Asher Alvarez siya ang advisory ng mga Atticus at siya rin ang pinagkakatiwalaan ng mga ito at malapit rin siyang kaibigan at kababata ni Azu. Habang ang kapatid naman ni Aouie na si Mavy Fortalejo ay na mamahala sa iba pang mga tauhan at siya rin ang humahawak ng mga pera kapag nagkakaroon ng transaction.
Itinutok ni Aouie ang laruang baril doon sa bintana at pagkatapos kinalabit niya ang gatilyo nito.
Bang!
Bang!
Bang!
Mabilis kong kinuha ang baril na hawak-hawak niya.
Bakit totoong baril ang hawak niya?
Bumukas ang pinto at iniluwal nito sila Asher na may hawak na baril.
"Opps sorry mukhang mali ang nakuha kong baril." Pabulong na wika niya sakin.
Ipinaliwanag ko kay Asher ang nangyari at galit na galit ito sa akin.
"Hindi ka talaga marunong makinig!"
Pabalibag niyang isinara ang pinto.
Aouie Fortalejo Pov's
Binigyan kami ng matatalim na tingin ni Asher. Andito kami ngayon sa sofa. Akala ko talaga ligtas na kami kanina kasi umalis na ito sa kwarto ko, pero hindi pa pala. Pinatawag niya kami ni Eileithia kaya andito kami ngayon sa sofa.
Hindi ko siya mabigyan ng tingin kasi nanlilisik ang mga mata niya nakatingin samin. Hinampas niya ang lamesa gamit ang kanyang kamay. Napahawak naman ako sa braso ni Eileithia dahil sa takot.
"Bakit hindi ka ba marunong makinig Ma'am Aouie?" Naiinis na tanong nito sakin. "Alam mo bang galit na galit si Azu halos patayin niya na ako sa mura?" Dagdag pa nito.
Lalo pa akong nanginig sa takot ng sabihin niya iyon.
Whaaa. Nakakatakot pa naman si Azu kapag nagagalit. Naalala ko tuloy yung na sa office kami grabe yung mga mata niya nanlilisik talaga! Whaaa! Anong gagawin ko panigurado galit na galit na yun sakin. Bakit kasi hindi ako marunong makinig?
Exited talaga ako na makahawak ng baril at pano gamitin iyon. Pero huli na para umatras ako nalaman na kasi ni Azu huhuhuhu!
"Makikinig na ako promise!" Itinaas ko yung isang kamay ko.
Sinamaan niya ulit ako ng tingin. Napayuko na lang ako dahil sa takot.
"Pano ka magiging perpektong asawa kong hindi ka marunong makinig." Naiinis niya paring wika. Bahagya ko itong binigyan ng tingin, ginulo niya ang buhok niya dahil sa sobrang inis
Perfect Wife?
Kinuha ko yung cellphone sa bulsa ko at sinearch kung paano maging perfect wife.
10 ways on how to be a PERFECT WIFE.
1. Cook for him
2. Wake Up Before He Does
3. Take His Mom to Lunch
4. Keep his secret
5. Argue with him if needed
6. Don't let other girls come near him
7. Compliment Him
8. Fight for him
9. Be Excited To See Him When he get home.
10. Give him a babyHahaha. Mukhang kaya ko naman gawin lahat basta sundin ko lang ang mga nakalagay at magiging perfect wife na ako kay Azu. Hahaha. Pero teka hindi nga pala ako marunong magluto.
Whaaa pano na yan?
"Young Lady handa na po ang pagkain niyo." May paggalang na wika ni Mrs.Han.
Tiningnan ko siya at ngumiti ako ng napakalawak sa kanya, na siya ipinagtaka niya. Tumayo ako at ipinalupot ko ang kamay ko sa braso niya.
"Mrs. Han pwede niyo po ba akong turuan kung paano magluto?" Malambing na wika ko sa kanya.
Tiningnan niya lang ako ng maypagtatak sa kanyang mukha.
"Gusto ko pa kasing lutuan ang asawa ko, pagkauwi niya." Nahihiyang sambit ko.
Ngumiti naman ito at tumango. Niyakap ko siya ng mahigpit at pagkatapos nagpasalamat ako sa kanya.
Niyaya ko na sila Asher para kumain. Mabuti nalang at andyan si Mrs.Han para turuan akong magluto. Maganda rin pala kapag may kasambahay sa bahay. Hehehe..
BINABASA MO ANG
I'm Married With My Brother's Boss (COMPLETED)
RomanceWhat if magising ka nalang na kasal ka na pala?At sa boss pa ng kapatid mo? Anung gagawin mo? At ang malala pa doon hindi mo maalala ang nangyari sayo tatlong taon na ang nakararaan. Makakaiwas ba siya kay kamatayan na lagi siyang sinusundan? Anung...