I'm Married with My Brother's Boss 10
Aouie Fortalejo Pov's
Ilang araw na rin pero hindi pa tumatawag si Azu kay Asher. Napipikon na rin sa kakulitan ko si Asher. Habang si Eliethia naman ay gabi na kung umuwi. Andito kami ngayon sa kusina at tahimik na nag-aalmusal.
"Asher?" Tawag ko sa kanya.
Tumingin naman ito sa direksyon ko. "Turuan mo nga ako kung paano humalik." Seryosong wika ko sa kanya.
Sabay silang na paubo ni Eliethia.
"Gu-gusto mo ba akong mapatay ni Azu?" Nauutal ngunit gulat na tanong nito.
"Bakit ka naman papatayin ni Azu? Eh tuturuan mo lang naman ako kung paano humalik." Seryosong wika ko parin.
Ginulo-gulo niya ang buhok niya at pagkatapos muli itong tumingin sa direksyon ko. "Kay Azu ka na lang magpaturo tutal magasawa naman kayong dalawa." Naiilang na sabi nito.
"Whaaaa! Sabi kasi ni Azu kailangan pag-uwi niya marunong na akong humalik." Mangiyak ngiyak na wika ko sa kanya.
"Ma'am Aouie mahirap kasi ipaliwanag yun sa pagbibigay lang ng instruksyon, mas maganda kung gagawin mo talaga siya para matuto ka." Paliwanag niya sakin.
"Edi gawin mo sakin." Nasamid naman ito sa sinabi ko.
Tumayo ito sa kinauupuan niya at dali daling umalis.
Whaaaaa pano na yan sino ang magtuturo sakin? Panigurado magagalit na naman si Azu sakin kapag hindi ko natutunan kong paano humalik whaaa!
"Start softly and go slowly." Mahinahong sabi ni Eliethia.
"Huh?" Takang tanong ko sa kanya.
"When Azu eventually move to kiss you, start slowly. Gently purse your lips and go softly and gently as you can, massage his lips between yours. You should start with his bottom lip and then move to his top lip." Paliwanag ni Eliethia sakin.
Manghang mangha akong tumingin sa kanya habang pumapalakpak.
"Wow! Bakit si Asher hindi niya kayang ipaliwanag?" Manghang sabi ko sa kanya.
"Mas gusto niya kasi na ginagawa yun that's we call MALIBOG." Natatawang wika nito.
Natawa rin ako sa sinabi ni Eliethia at sabay na kaming humalakhak.
"Manuod ka na rin." Dagdag niya
Tumango ako sa kanya bilang tugon. Tahimik na ulit kaming bumalik sa pagkain.
Asher Alvarez Pov's
Andito kami ngayon ni Eliethia sa airport at hinihintay sila Azu na dumating.
"Seryoso kaba na siya talaga ang may gawa nun?" Seryosong tanong ko kay Eileithia.
Walang emosyon naman itong tumingin sakin bago sumagot.
"Wala ka bang tiwala sa source ko?" Balik na tanong naman nito sakin.
Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya pero hindi ko parin maintindihan itong si boss bakit nagtiwala agad siya sa babaeng ito? Hindi nga namin alam kung kanino siya nagtratrabaho at wala rin naman siyang koneksyon sa mga Stone.
"Stone." Seryosong sabi nito kay Azu.
"What?" Takang tanong ni Azu kay Eileithia.
"Gusto nilang patayin si Aouie at kapag nagawa na nila yun isusunod ka na nila." Seryosong sagot parin ni Eileithia.
"Kung magagawa nila." Nakangiting wika ni boss. "Yung pinapagawa ko sayo nagawa mo na ba?" May awtoridad na tanong ni Azu sakin.
"Si Henry Montemayor boss nagtratrabaho siya sa stone organization at ang mission niya ay patayin si Aouie. Siya rin ang nagplano doon sa supermarket." Mabilis kong tugon sa kanya.
Nagtatangis ang mga bagang ni Azu dahil sa sobrang galit.
Henry Montemayor Pov's
"Anon ang balak mo?" Seryosong tanong sakin ni Luna. "Ngayong nakauwi na si Azu mahihirapan na tayong patayin si Aouie." Dagdag niya.
"Kung hindi natin mapapatay si Aouie edi si Aouie ang papatay sa kanya." Nakangiting sagot ko.
"At pano mo naman gagawin yun?" Seryosong tanong nito.
Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"I have a plan, don't worry." Nakangiting sagot ko parin sa kanya.
Kapag bumalik na ang alaala ni Aouie babalik na siya sakin at kapag nangyari yun sasabihin ko sa kanya ang masamang pagkatao ni Azu at kapag nalaman niyang si Azu ang may gawa kung bakit sila na aksidente na naging dahilan kung bakit namatay ang mama at Lola niya hindi na kami mahihirapan pang patayin si Azu dahil si Aouie na mismo ang gagawa nun.
Andito kami ngayon ni Luna sa isang coffee shop malapit sa bahay nila Azu.
"Long time no see."
Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng maramdaman kong ng tutukan niya ako ng baril sa ulo. Biglang nanuyo ang lalamunan ko nung makilala ko yung boses na nagsalita. Hindi rin nakagalaw si Luna sa kinauupuan niya at halata mo rin ang takot nito.
Shit! Wag niyang sabihin na papatayin niya kami dito? Nahihibang na siya andito kaya kami sa public place.
"Boss okay na natanggalan ko na siya ng preno." Boses ni Mavy ang narinig ko mula sa likuran ko.
Wag mong sabihin nagtatrabaho siya kay Azu?
Inilagay ni Azu ang dalawang kamay ko sa likuran at pagkatapos itinali niya ito. Ganun din ang ginawa nila kay Luna. Hindi kami nakapalag ng dalhin niya kami doon sa kotse na tinanggalan nila ng preno.
"See you in death my old friend." Malaming na wika nito.
Tumindig ang mga balahibo ko sa narinig ko, pati ang puso ko nagwawala na rin sa kaba. Shit!
Pinaadar niya na ang makina ng kotse. Nanlilisik ang mga mata kong tumingin sa kanya.
"Alam mong hindi ako matatakot diyan sa mga tingin mo." Malaming na wika ulit nito.
Sinara niya na ang pinto ng kotse. Automatic nga pala itong dala kong kotse at kusang aandar ito kapag pinindot mo ang automatic na button.
"Fuck you Azu Atticus!"
Huling banggit ko bago tuluyang bumangga ang sinasakyan namin.
BINABASA MO ANG
I'm Married With My Brother's Boss (COMPLETED)
RomanceWhat if magising ka nalang na kasal ka na pala?At sa boss pa ng kapatid mo? Anung gagawin mo? At ang malala pa doon hindi mo maalala ang nangyari sayo tatlong taon na ang nakararaan. Makakaiwas ba siya kay kamatayan na lagi siyang sinusundan? Anung...