IMMBB 5

2.7K 55 0
                                    

I'm Married with My Brother's Boss 5

Azu Atticus Pov's

Nilingon ko sa likuran ko si Aouie pero wala na siya sa pwesto niya.

Hindi ko na masyadong maaninag ang paligid ko dahil nababalutan na ito nang nakalalason na usok.

"Wife? Wife?" Malakas na sigaw ko.

Nasaan ba kasi ang babaeng iyon nasa likod ko lang siya kanina.

"Fuck!" Me.

"Boss, kailangan na nating umalis."

Itinutuk ko ang baril na hawak hawak ko sakanya at pagkatapos ipinutok iyon sa ulo niya.

"Hindi mo na kailangan pang ipaalala sakin."

Umalis na kami sa lugar na iyon.

Paglabas namin ng building isang hindi pamilyar na babae ang bumungad samin at hawak hawak niya si Aouie.

Inabot niya sakin si Aouie na mabilis kong inalalayan.

Pinalibutan siya ng mga tauhan ko at tinutukan siya ng baril.

Nanlilisik ang mga mata kong tiningnan siya.

"Okay lang siya wag kang mag-alala nawalan lang siya ng malay." Mahinahon na wika niya. "Hindi mo na dapat siya isinama pa dito. Isang napakalaking pagkakamali na idinala mo pa sa lugar na ito si Aouie ngayong alam niya na nabuhay siya mas magiging delikado pa ang buhay ng babaeng yan." Seryosong aniya niya.

Teka panu niya nalaman ang pangalan ni Aouie?

Magtatanong pa sana ako pero mabilis itong sumakay sa motor niya at umalis.

Someone Pov's

Nabalutan ng nakalalason na usok ang buong paligid.

Nakita ko si Aouie na nahiwalay kila Azu.

Pinuntahan ko siya at inilayo sa lugar na iyon. Nasa labas na kami ng mahimatay siya dahil sa sobrang takot.

Hinintay kong lumabas sila Azu sa building para ibigay sa kanila si Aouie.

Isang familiar na lalaki ang lumabas sa building.

Binigay ko sa kanya si Aouie.

Pinalibutan ako ng mga tauhan niya at tinutukan ako ng baril. Nanlilisik ang mata niyang tumingin sakin.

"Okay lang siya wag kang magaalala nawalan lang siya ng malay." Mahinahon na wika ko.

Binigyan ko siya ng babala at pagkatapos ay umalis na sa lugar na iyon.

Aouie Fortalejo Pov's

Iminulat ko ang aking mata at ito'y inilakbay ko sa paligid.

Nakita ko si Azu na nakaupo sa tabi ko.

Teka na sa bahay na ba ako? Ang alam ko na sa party kami nila Azu ehh?

"Hey, wife are you okay?" Maypagaalalang tanong niya.

Inalalayan niya akong umupo. Inilakbay ko ulit ang aking mata sa paligid.

Teka hindi ko naman ito kwarto. Bakit ako nandito?

"Okay ka lang ba?" Tanong niya ulit. "Andito ka sa kwarto ko kaya wag kang mag-alala." Dagdag niya pa.

Sa kwarto niya?

"Teka diba na sa party tayo? Bakit andito na agad tayo sa kwarto mo?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sa susunod na mangyari ulit ang bagay na yun wag na wag kanang aalis pa sa tabi ko." Seryosong wika niya.

Bakit hindi niya sinagot ang tanong ko? Masyado bang mahirap ang tanong ko sa kanya?

Hinalikan niya ako sa noo at pagkatapos pinitik niya naman ito.

Pangalawang beses niya na yang ginagawa ah? Nasasanay naman ata siya tsk!

Ngiting-ngiti ito habang pinagmamasdan ang mukha ko.

Iniwas ko ang tingin ko dahil naiilang ako sa ginagawa niya.

Hinawi niya aking mukha paharap sa kanya. At pagkatapos dahan dahan niyang nilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magkadikit na ang mga bunganga namin.

Naramdaman ko na naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Halos naririnig ko na nga ito.

Lumayo ito ng kauntin sakin.

"Pati pa naman kung paano humalik nakalimutan mo na rin." Nakangiting wika nito.

Humalik? Yung ginawa niya ba yun ba ang halik na sinasabi niya?

Muli niya na naman akong hinalikan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko?

Lumayo ulit ito, ngumiti siya sakin at pagkatapos humiga siya sa tabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Wife, aalis ako mamayang madaling araw kailangan kong puntahan si daddy sa Amerika para tingnan kung ayos lang ba siya doon." Malambing na wika niya at habang yakap-yakapako.

"Malayo ba ang Amerika?" Seryosong tanong ko.

"Oo naman sasakay pa kasi ako ng eroplano makarating lang doon." Malabing niya paring tugon sakin.

"Eroplano?" Takang tanong ko sa kanya.

"Sasakyan yun na dumadaan sa himpapawid." Paliwanag niya.

Tumango lang ako kahit hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya sakin.

"Wag kang magalala andito naman si Asher para bantayan ka." Bigla namang sumeryoso ang tono ng boses niya.

"Eh panu ka naman?" May pagaalalang tanong ko sa kanya.

"Pagdating ko sa Amerika susunduin ako ni Mavy sa Airport." Malambing na sabi niya. "Kaya wag kang mag-alala." Dagdag niya pa.

Kaya pala hindi ko nakikita si Mavy nasa amerika pala siya.

"Pagbalik mo ba, kasama mo na si Mavy?" Seryosong tanong ko naman sa kanya.

Tumango ito bilang tugon.

Nararamdaman ko na ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata.

"Good night, my precious wife." Naramdaman ko ang labi niya sa noo ko.

I'm Married With My Brother's Boss (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon