Introduction

226 3 0
                                    

                Hi , Ako si Alex Buenavista. Galit ako sa mundo , pero hindi naman sa galit din ako sa ibang tao. Galit ako sa mundo kasi napaka - unfair. Iyon bang feeling na bakit yung iba meron , pero ikaw wala. Lumaki akong walang nanay , hindi ko siya nakita ever. Sabi ni Papa , iniwan na niya kami kasi daw walang pera si tatay , gusto niya ng maginhawang buhay . It means , pera ang habol niya. 

                 Pero hindi sumuko si Tatay , nagsumikap siya. Ngayon? Siya na ang tinaguriang Hari ng mga Gulay at Prutas!! Diba? Galing ng tatay ko nuh. Pero sabi ni Papa kahit ano pang kasalanan nagawa ni mama 'wag daw ako magtatanim ng galit sakanya , kasi siya daw ang dahilan kung bakit nandito ako sa mundo. 

                 Hindi ako mahilig sa mga paganda - ganda na yan. Yung matataas na heels , maiiksing shorts at yung mga make - up - make - up na yan. Hindi naman sa hate ko , ayaw ko lang talaga, kasi feeling ko magmumukha akong chaka doll eh. Gusto ko yung jersey , sneakers o kahit anong rubber shoes lalo na yung mga snapbacks yeah! 

                Leader ako ng isang well - known gang sa school , ang Bum. But correction , hindi kami Bully kami ang tagapagtanggol ng mga bullied. Hindi lahat ng Gang mayabang , bully at etc. Naisipan ko kasi na bakit hindi kaya ako bumuo ng Gang. Yung Gang na maipagmamalaki dahil sa kabayanihan na ginagawa nila. At kami yun. 

                

               

               

Be My Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon