Alex's Pov
'' Good morning class '' Ay! Si Ms. Venna andiyan na pala.. Nakikipagdaldalan pa ako kay Bryan.
'' Good morning , Ms. Venna '' tapos tumayo kami.
'' You may sit down '' umupo naman kami. '' Since, tayo naman ang 1st section tayo ang mag - aayos ng event ''
'' Ms. Venna , ano pong ibig niyong sabihin? 'tanong ni Francis.
'' Magaganap na yung pinakahihintay nating event. Ang prom. Pinaaga ni Mr. Vega , dahil magsasara na rin anytime ang University. We have 1 week to prepare.. '' bakit magsasara? May problema ba?
'' Ms. Venna , bakit po magsasara? May problema po ba yung school? '' hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Nagsalita na lang ako.
'' Alex , kung meron man sa faculty na lang yun. '' tumalikod siya , at nagsimula ng magsulat sa board. Ako nga - nga. Umupo na lang ako..
'' Alex , okay ka lang? '' bumulong si Rence
'' Oo naman , bakit naman hindi? ''
'' Kasi about sa , you know? '' tumango na lang ako at hindi na lang nagsalita. Something happened last last last year prom eh. Not sure kung aattend ako this time.
Xander's Pov
'' Am I gonna attend? '' bulong ko. Hindi naman ako pumupunta sa mga ganun eh. Sino muse ko? No one likes me. At wala din naman akong gusto. Pero teka , wala nga ba akong gusto?
'' Psst. Xander '' lumingon ako ,si Rence.
'' O bakit? ''
'' Mag - aattend ka ba ng Prom? '' iniisip niya din ang prom?
'' Ewan ko , pag - iisipan ko pa lang.. Oh kaya , wag na lang. Wala naman akong muse eh ''
'' Pumunta ka sige na ''
'' Bakit naman? Wala naman akong gagawin dun eh. Kalandian lang ang mangyayari ''
'' Tss. Usap nga tayo mamaya sa canteen ''
'' Ahhhh. Okay then? ''
After class , pumunta nga kami sa Canteen. Hindi naman sumunod saamin sila Alex kasi sa tambayan daw sila pupunta. Atleast , they respect others privacy.
'' Oh? What? '' nakatitig lang kasi saakin tong si Rence. Nababakla na ata.
'' Hindi ka talaga pupunta? ''
'' Hindi nga eh , kailangan ulit - ulitin? ''
'' Kung kwentuhan kita about sa past ni Alex sa prom , pupunta ka? '' Past? Looks interesting. Pero anong pake ko.
'' Tungkol ba saan yan? ''
'' 5 .. '' hala! Nag - timer?
'' 4.. ''
'' Saglit lang nag - iisip pa eh ''
'' 3 '' Anak ng.. Jusko oo o hindi? hindi o oo? ''
'' 2 ''
'' Ahhh.. Saglit lang pwede.. ''
'' 1 ''
'' Yes! Pupunta na ako ''
'' Papayag din naman , aarte pa ''
'' Ako pa maarte? Kwento mo na.. ''
'' Tss. Excited.. Eto na.. '' ang bagal ha.. Parang gagawa pa ng kwento tong taong toh. '' 1st year high kasi kami nun ''
* FLASHBACK *
'' Alex! Kabagalan mo neh! '' andito ako sa labas ng bahay. With my car syempre. Sumabay na rin sila Bryan saakin. Nakakatamad daw mag - drive eh. Wala silang muse pero ako meron.. Si Gen my babes , malapit niya na akong sagutin.
'' Hoy! Masyado ka naman ata nagpapaganda para kay Chris! '' sigaw ni Bryan
'' Tsk. Hayaan niyo na nga yung babaeng yun , ayaw niyo ba yun ,magiging babae na yang si Alex. '' suway ni Max.
'' Ayaw ko nga , mamaya iwan na niya tayo '' sagot ko. Ayoko nga noh!
'' Kilala natin si Alex , hindi siya ganun. Atsaka alam niyo naman ang nangyari sakanya noon diba? '' sabi ni Max. Oo nga , ang nangyari sakanya noon. I mean saamin.
'' Anong sakanya lang , saatin din '' sabi ni Bryan
'' Basta! Wag na natin sabihin sakanya , pinakiusapan naman tayo ng Daddy niya eh '' suway ko.
Hay! Sa wakas , lumabas na rin si Cinderella.. Wow , danda ahhh..
'' Oh ano? Okay na ba? Hmm.. Wag na kayong manga - nga. '' sabi ni Alex. Ang ganda niya pala pag nakaayos. Lalo siyang nagmukhang tao.
'' Grabe , ikaw ba yan Alex? Pwedeee na.. '' asar sakanya ni Bryan
'' Mukha ka nang tao bro! '' asar ko din sakanya.. Hinihintay kong magsalita si Max , kaso wala eh. Aru! Inlove na toh.
'' Manahimik nga kayo , umalis na kaya tayo? '' sabay cross arms.
'' Yes , Cinderella '' sagot ko sakanya
Yung Chris na sinasabi ni Bryan , mayaman na nga gwapo pa. Pero mas gwapo ako. Kahit hindi aminin ni Alex , may gusto na siya dun. Ewan ko nga eh , since elementary kami marami nang nanliligaw kay Alex , elementary na yan ah. Eto namang si Alex , nagmamatigas. Manhid pero nung lumipat si Chris sa school. Ay nako! Naging mamon.
Alam ko namang hindi siya gusto ni Chris eh , gusto lang magmayabang ni Chris sa school na sakanya may gusto si Alex. Ewan ko kung sino nagyaya sakanila na maging partners , si Alex siguro.
Prom Venue
'' Mas lalong gumanda si Alex , pare! ''
'' Pare , kay Chris na yan! ''
'' Oo nga , ano bang nakita niya kay Chris , ang yabang naman nun eh ''
Tama kayo , mayabang yun. Makapal ang mukha! Agawin niyo na si Alex bilis..
'' Hi Ms. Beautiful '' Pst! Umeksena naman tong si Chris.
'' Oh , He - hello Chris.. '' kinikilig naman tong si Alex.
'' Pwede niyo na ba kaming iwan? '' ang yabang talaga nito! Papaalisin mo kami , ikaw may - ari?
'' O - o sige , Alex alis na kami ah. Pag may kailangan ka , tawagan mo lang kami '' bilin sakanya ni Max
'' Sige bye ''
Umalis naman kami , tanga lang eh noh! Baka may gawing masama si Chris sakanya. Etong Max naman na toh , pumayag! Pumasok na kami sa loob.
'' Ano ka ba Max , pumayag ka! Alam mo namang adik yang si Chris '' halos mapasigaw ako kay Max.
BINABASA MO ANG
Be My Lucky One
Teen FictionPara sakanya , kaartehan lang ang pagsusuot ng mga dress , matataas na heels , mga ipit na may kung ano - anong palamuti o kahit ano pang mga bagay na pwede kang maging maganda. Nakakairita sa madaling salita , pero simula nang makilala niya si Luck...