Alex's Pov
Pupunta kaya ako sa prom? Parang hindi ko kaya. Natatakot pa rin ako. Ba - baka bumalik si Chris. Baka barilin niya si Max ulit ayoko na!
Knock knock
'' Anak , may bisita ka '' sabi ni tatay. Bisita? Wala naman kaming usapan nila Rence ah.
'' Sige po tay , lalabas na po ako ''
Pagkalabas ko nakita ko si Chris. Nakangiti. May hawak na baril at nakatutok saakin.
'' Ba - bakit ka nandito? Tay! Si Chris po! '' walang sumasagot at napaatras na lang ako.
'' Goodbye Alex... ''
'' AHH!!! '' dumilat ako , nananaginip lang pala ako. Bakit these past few weeks lagi na lang ako binabangungot.
Knock knock
'' Anak , may bisita ka '' si Tatay.. Diba parang sa panaginip ko toh.
'' Si - sige po tay , la - lalabas na po ako '' nanginginig kong sagot.
'' Anak , okay ka lang?! '' nag - aalalang tanong ni Tatay
'' O - opo , saglit lang po , mag - aayos lang po ako.. ''
'' Okay sige ''
Nagbihis muna ako kasi naka school uniform pa rin ako.. Pambahay lang.. Jogging pants at long sleeves na shirt. Gabi na rin kasi , malamig. Nang lumabas na ako dumiretso ako sa Sala..'' Anak , andiyan kana pala. May papakilala ako sayo '' sino kaya papakilala niya? '' Alex this is Steve Rosales , Steve this is Alex. '' inabot niya ang kamay niya , nakipagkamay naman ako..
'' Nice to meet you Alex '' sabay ngiti niyang sagot
'' Nice to meet you too.. '' sagot ko.. Nakita ko na siya somewhere.. Basta familiar siya..
'' Hindi mo ba ako naaalala Tuhod? '' nanlaki ang mga mata ko.. Siya yung kalaro ko nung pumunta ako dun sa company ni dad...
'' Siko! Ikaw ba yan? '' sabay yakap sakanya..
'' Oo naman Tuhod , kamusta kana? Mukhang mas lalaking lalaki kana ngayon ah! '' sabay tawa niya , asar nanaman?
'' Eto , lalong gumagwapo , parang napag - iiwanan kana ata '' sabay tawa ko din..
'' Oh sige , maiwan ko na kayo , hahatiran na lang kayo ng pagkain ni Yaya dito '' sabay alis ni tay. Grabe , namiss ko ng sobra si Siko! Umupo naman kami sa sofa.
'' Long time no see ah , saan kana pala nag-aaral? '' tanong ko
'' Dati sa States eh ngayon , gusto na ni mama bumalik dito sa Pinas kaya bumalik kami.. Balita ko pala magsasara na yung Xavier University , financial problems daw.. '' sagot niya
'' Financial problems? Siguro nga , medyo maramirami na rin yung memories dun eh '' sabi ko.
'' Tsk. Ano ka ba? Wag ka nang malungkot , tutulong daw si Dad at Tito Joaquin... Marami na rin kasing scholar dun kaya siguro nahihirapan yung University '' paliwanag niya.. Tutulong si tatay at si tito Luisito?
'' Bakit hindi nabanggit ni Tatay saakin? Di bale na. Siko , maitim pa rin ba siko mo ahha! '' pang - aasar ko sakanya..
'' Eh ikaw maitim pa rin ba tuhod mo? Haha! '' Nakakainis siya! Secret ko yun eh haha.. Pero ngayon hindi na masyado..
'' So saan kana mag-aaral niyan? '' tanong ko sakanya
'' Siguro sa Xavier na rin... '' sagot niya
BINABASA MO ANG
Be My Lucky One
Teen FictionPara sakanya , kaartehan lang ang pagsusuot ng mga dress , matataas na heels , mga ipit na may kung ano - anong palamuti o kahit ano pang mga bagay na pwede kang maging maganda. Nakakairita sa madaling salita , pero simula nang makilala niya si Luck...