Chapter 4

65 1 2
                                    

Bryan's Pov

       
Delikado ang mga buhay namin nila Alex.. Kinausap ako ni Xander pagkatapos ng usapan namin nila Alex.. 

'' Bryan , can we talk? '' tanong ni Xander

'' Sige , saan? '' 

'' Sa bahay niyo , is it okay? '' 

'' Sige ba '' 

     Sumabay na siya saakin... At dumiretso kami sa house.. Alam ko namang importante ang sasabihin ni Xander eh.. Nandito na kami sa kwarto ko.. 

'' Can you keep a secret? '' tanong niya.. English nanaman to oh.

'' Ge ba! Ano bang secret yan ah? Tungkol ba yan kay Alex ayiieehh!! '' Asar nanaman eh.. Bagay kaya sila ni Alex.. 

'' No , seryoso talaga to..'' seryoso nga siya.. 

'' Sabi ko nga , ano ba yun? '' 

'' May kinalaman ako sa mga weird things na nangyayari these past few days '' Hala!! Baka kasabwat siya.. 

'' Ah?! Kasabwat ka sa mga gustong pumatay saamin? Traydor traydor! '' tapos pinagbabato ko siya ng unan..

'' Stupid! It's my mom okay . it's my mom.. '' 

'' Ahhhh okay......... ANO!!! Nanay mo! Ay anak ng putcha! Bakit niya kami gusto ipapatay? '' Nanay niya. Wut? 

'' Hindi ako sure kung gusto niya kayo ipapatay.. Basta, pag may tumawag nanaman saatin at may sumusunod - sunod na tao.. Wag niyo papansinin... '' 

'' Okay , pero hindi kaya may kinalaman yung 23 days na sinasabi nung lalaki? Baka after 23 days may gagawin silang masama.. Diba? '' galing ko talaga , ako na talaga ...

'' Oo nga noh... Patingin nung calendar mo '' binigay ko yung phone ko sakanya.. 

'' Diba tumawag yung lalaki .. .. So 23 days nalang edi sa July 20?  '' 

'' July 20 ? Birthday yun ni Alex ah , ibig sabihin , may connection din si Alex dito? ''

'' Pwede , hindi naman imposible '' 

'' Kailangan talaga natin malaman ito , kasi baka sa birthday ni Alex eh dun sila sumugod. Kailangan din natin bantayan si Alex baka siya talaga ang pakay.. Bantayan mo na rin ang kilos ng mom mo kung sakaling may malaman ka '' paliwanag ko.. 

'' Okay , nasa panganib talaga si Alex.. Dapat nasa tabi niya ako palagi '' Kinikilig ako dun ah..

"Ayiiiehh!! Concern siya masyado.. Aminin mo na kasi , crush mo bro ko noh? '' pang - aasar ko sakanya.. 

'' No, atsaka lahat naman tayo concern sakanya.. '' namumula siya.. Aminin na kasi eh.. 

'' O sige , bahala ka.. Mahirap pa naman magtago ng nararamdaman '' 

'' Yeah right , sige I have to go '' 

'' Ge bro , pahatid na kita sa driver namin '' 

'' Sige thanks '' 

        Eh kung humingi ako ng tulong kay Dad.. Pulis naman yun ah , mataas pa ang rank.. Pero dapat ko muna ilihim toh... Hindi lang buhay ni Alex ang nakataya dito , pati na rin kami nila Xander.. 

  Ring ring .. Alex Calling.. 

'' Hello , Alex? '' 

'' Bryan! SSG tayo bukas.. Pleasee.. Wala akong magawa eh , after class nalang neh '' kahilig talaga magyaya ng babaeng toh..

'' Oh sige , color coding tayo ano susuotin mo? '' 

'' Black and White noh! Sige bye tatawagan ko na rin sila Max... '' 

'' Okay  , bye '' 

'' Bye , thanks talaga Bryan , mwah mwah I love you bro! '' 

'' Geh , love you too bro '' 

          Wala malisya dun ah , ganun talaga kami magtotropa.... Kailangan ko bang dalhin yung baril ko bukas? In case lang diba... Nehh .. Dadalhin ko na lang..  


◘     ◘    ◘   ◘   ◘   ◘     ◘   ◘    ◘   ◘   ◘    ◘    ◘    ◘    ◘    ◘   ◘

Alex's Pov

     Grabe , SSG nanaman kami bukas.. Namimiss ko na Lolo Pedz , yung mga kwento niyang nakakakilig , nakakakilabot pati yung nakakaiyak.. Si Lolo Pedz din ang isa sa mga dahilan kung bakit mas naging matapang ako..  Matawagan na nga si Xander.. 

'' Hello.. Oh Alex napatawag ka? '' 

'' SSG pala tayo bukas.. Wear Black and White ahh.. After classes alis na tayo '' 

'' Sige , pero ano yung SSG? '' oo nga pala hindi na pa alam yun

'' SSG means Shopping sabay Gala ''

'' Okay , diba iisa lang yun? ''

'' Hindi kaya , English yung Shopping , Tagalog yung Gala ahahha  , sige byee.. See yah.. '' 

'' Wait lang , Alex may sasabihin pa ako '' habol niya.. Ano naman sasabihin nitong taong toh.. Baka crush niya na ako kaya gusto niya pa ako makausap.. Joke! Feeling ka Alex.. 

'' Ano yun? Bilisan mo ha.. Antok na ako eh '' 

'' Ohh, mag - ingat ka lagi ah. Medyo delikado ang buhay ngayon pero wag ka matatakot............. Kasi , nandito ako lagi para protektahan ka.. Kaya sige good night Alex '' Nga - nga ako.. Namumula ata ako.. Sasabog na ang face ko sa sobrang kilig.. Kinikilig ako? OhmeGeyd.. Hindi na ako makasagot pa.. 

'' Alex , andiyan kapa ba? '' 

'' Ah - ehh.. Oo sige good night.. Bye.. '' 

'' Bye ''

        Wahh!! Nandito ako lagi para protektahan ka.. Bakit hindi mawala sa isip ko yun.. Actually , nasa puso ko na nga eh.. Ahhh!! Ano kaba Alex? Baliwww ka talaga.. Ikaw? Maiinlove kay Xander? Erase eraseee... Hindi na ako makatulog pa... Driving me crazy , Xander.. Makatulog na nga.. Yung ngiti ko talaga abot earsss... 

       Minulat ko ang aking mga mata.. Nakatali ang mga kamay ko.. Si Bryan , Rence at Max walang malay.. Si Xander naman.............. O - M - G binubugbog... 

'' Hoy! , Tama na po! Pakawalan niyo na kami '' sigaw ko

'' Pakawalan? Are you kidding? Shut up! '' sabi nung isang lalaki.. Familiar ang voice niya ha.. Tapos binugbog pa nila ulit si Xander.. Si Xander , duguan na halos.. Tumulo ang mga luha ko.. 

'' Tama na!! Tumigil na kayo! Ano bang kasalanan namin at ginagawa niyo to saamin?! '' napahinto sila sa pagbugbog.. Buti naman..

'' Nice question , Alex.. '' ha? alam niya pangalan ko? '' Simple lang naman , kasalanan niyo kung bakit ako naging ganito! ''

'' Aba! Teka nga muna , kilala ba kita ha!!! Eh di ko nga makita yung mukha mo kasi may nakatakip pang maskara sa mukha mo! Ano ito masquerade? '' 

'' Tumahimik ka nga Alex Faith Xediah Buenavista! '' 

'' Faith? Xediah?! Naka- drugs kaba! Alex Buenavista lang pangalan ko.. '' 

'' Wala kapa kasing alam kaya hindi mo alam! Tanga! '' 

      Papaluin niya na sana ako ng kahoy na nasa tabi niya...

'' AAAHHHH!!! '' sigaw ko
  
    Pero wala akong naramdaman.. Si - si Xander... Ang natamaann O_o.. Hindeee!! 

'' Xa - Xander... Okay ka lang ba..'' Niyakap ko siya kahit nakatali ang mga kamay ko.. 

'' Okay lang ako , Alex.. Tumakbo kana , umalis kana..''

'' Hindi , hindi kita iiwanan dito.. Aalis tayong lahat dito '' 

'' Hindi Alex , huli na ang lahat.. Pasensya na kung hindi kita naprotektahan.. Basta lagi mong tatandaan.... Mahal na mahal kita ng sobra.. ''

  At unti - unti na siyang pumikit.. Hindi , hindi pwede... Iiwan niya ako? Aba hindi pwede... 

'' AHHHHH!!!! '' 

'' Alex , anak gising! ''

        Binuksan ko ang mga mata ko.. Panaginip lang pala.. Hayyy.. Niyakap ko si Tatay.. 

'' Okay ka lang anak ? '' nag - aalalang tanong ni tatay

'' Okay lang po ako , tay salamat po sa paggising saakin '' 

Be My Lucky OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon