Habang nasa car iniisip ko pa kung paano magso-sorry kay Xander.. Kung ganito ba o ganyan.. Tssk. Bahala nga si Lotlot & friends..
Pagpasok ko ng room , siya ang una kong nakita.. Naka - earphones.. Nung nakita niya akong nakatingin sakanya , tumingin siya sa ibang direksyon..
Umupo na ako sa pwesto ko , sa tabi ni Bryan. Tinitingnan ko parin siya. Hindi ko alam ang gagawin ko. Naloloka na ako..
'' Guilty ka nuh? '' bulong ni Bryan saakin..
'' Eh syempre oo , sobra naman kasi yung ginawa ko kahapon ''
'' Mag - sorry kana , para hindi na lumala yang LQ niyo ''
'' Baliwww ''
Dumating na si Ms. Venna.. Kaya napag - isipan ko na after class nalang ako magsosorry.. Alam niyo yung feeling na puro ka nalang salita , walang - wala ka naman sa gawa.
'' Class dismiss ''
'' Lapitan mo na , go Alex! '' bulong nung 3 saakin..
Kaya ko to, kaya ko to.. Lumapit ako sakanya. Habang palapit ako ng palapit , kinakabahan ako ng todo.. Pinagpapawisan na ako sa kaba..
'' UHhhmmm.. Ehhh '' Ano ba iyan? Epic..
'' Ano'ng kailangan mo?'' cold niyang sagot.. Ano ba iyan? Gaya- Gaya lang siya kay Max?
'' Ehhh..Uhhhmmm.. Kassii.. ''
'' Kung wala kang sasabihin , aalis na ako.. You're just wasting my time.. '' Ha? Ano daw?
Wala na akong nagawa , hinila ko na lang siya.. Basta hawak ko ang kamay niya.. Hindi ko alam kung bakit nagawa ko iyon , sinunod ko lang ang sinasabi ng puso ko.. Habang tumatakbo kami , bumilis ang tibok ng puso ko..
'' Ano ba? Problema mo? '' masungit niyang tanong
'' Ikaw.. '' matipid kong sagot
'' Ako? Ano'ng ginawa ko sayo? ''
'' Wala , kasi ako talaga yung may kasalanan eh ''
Xander's Pov
Ayoko naman talaga siyang harapin ngayon.. Nakakainis lang talaga siya kahapon..
'' Ano ba yung kasalanan mo?'' Alam ko naman talaga , gusto ko lang manggaling sakanya.
Nabigla ako nung niyakap niya ako or I'm just dreaming.. Oo , niyakap niya ako.. Ang bilis ng tibok ng puso ko.. Napayakap na rin ako sakanya.. Sana ganito nalang kami palagi.. Nakakagaan ng loob..
'' Sorry Xander , Sorry.. Hindi ko sinasadya '' lalong humigpit ang pagkakayakap niya saakin.. Why are you acting like this Alex? Is she crying?
'' Shhh.. Apology Accepted , why are you crying? ''
'' Nadala lang ng emosyon.. Hahaa.. '' bumitaw na siya sa pagkakayakap saakin.. She's smiling again.. Pinunasan ko ang mga luha niya..
'' Ano? Friends? '' tanong ko sabay abot ng kamay ko sakanya
'' Friends '' nag shake hands kami..
'' Hi , I'm Xander Santos , what's your name? ''
'' Hello , I'm Alex Buenavista , nice to meet you '' Sabay kaming tumawa..
Clap clap clap
'' Grabe ang Drama!! Kaiyak huhuhu! '' sigwa ni Bryan
'' Bakit nandito kayo ha? '' sabay ng tanong namin ni Alex
BINABASA MO ANG
Be My Lucky One
Dla nastolatkówPara sakanya , kaartehan lang ang pagsusuot ng mga dress , matataas na heels , mga ipit na may kung ano - anong palamuti o kahit ano pang mga bagay na pwede kang maging maganda. Nakakairita sa madaling salita , pero simula nang makilala niya si Luck...