Chapter 4

17 5 0
                                    

The Heart's Contentment
_____________________________

Ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Madali akong nakabangon mula sa kama. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at pagkatapos ay nag stretching na. Gusto kong tingnan ang langit kaya nagpasya akong lumabas muna ng bahay. Inamoy-amoy ko ang paligid at niramdam ang lamig na dulot ng hangin. What a beautiful day! I sighed.

May kung ano-ano sa tiyan ko nung naalala ko ulit ang mga pangyayari kahapon. With him.

Lucas...

Sa tuwing naaalala ko nung mga oras na nachechempuhang magkadikit ang mga braso namin ay may kung anong init ako nararamdaman sa katawan ko. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

He's an asshole. Di ako pwedeng mahulog sa kanya. He's a bad guy. He deserves hell, not me. I'm an angel while he's a demon. How can this two be possibly fall in love with each other even if they have different goals to 'set and do?'

Kung anu-ano na lang ang naiisip ko para lang kumawala sa nararamdan kong iyon. Di ko siya mahal. Malabong mangyare iyon. Wag sa kanya. Wag siya. Ba't ko ba'to naiisip?

Nakarating na kami sa school. Kasabay ko si Nathan.  Katulad ng dati, pinapaalala niya sa akin na mag text kung may kailangan ako sa kanya. Naghiwalay na kami para makapasok na sa kanya kanya naming klase.

Nag lelecture ang professor namin habang ako'y nakatunganga lang sa bintana. Pinagmamasdan ang dalawang ibon sa labas na naghaharutan at naglilipad kasabay sa ihip ng hangin. Bigla akong nakaramdan nang awa at pangangamba dulot ng malamig na hanging dumaan sa akin. Naalala ko ang malamig na hininga ni Lucas. Kakaiba sa lahat. Tiningan ko ang buong room na para bang sumisilip at nakita ang isang upuan sa sulok na walang tao at bakante. Namataan ko kaagad ang mga barkada ni Lucas at nagtataka ako kung bakit hindi rin sila umabsent.

Break time na at pumunta ako ng cafeteria. Walang-wala sa sarili. Hindi ko alam kung ano ang kinukuha kong pagkain at kung saan ako tutungo.

"Lindsey!" Sabi ng isang babae kasabay sa paghablot niya sa braso ko. Si Astrid

"Uy, anyare sa'yo? Mukhang wala ka sa sarili mo e." Pagtatakang tanong ni Astrid sa akin nang napansin niyang hindi ako gumagalaw bilang ordinaryong tao.

"Astrid," I forced to smile. "Okay lang ako."

"Sure ka ba? Sige, maupo na muna tayo."

"If you want to share it with me, wag kang mahihiya a? I swear I can keep secrets." She smiled wherein I didn't doubt to tell her right away this strange feeling I feel.

" Nabasa ako nang ulan pero di naman ako nagkasakit. Di ko alam. Bigla lang ako nakaramdan ng mabigat." Sabi ko sa kanya

"Hmmm... If you want to tell it more you can contact me. Here's my number. " binigyan niya ako ng calling card.

"Thanks."

Natapos na ang klase at nilakasan ko na ang loob ko para magtanong-tanong sa mga kaklase ko kung saan at kung bakit ay hindi sumipot sa klase si Lucas. Karamihan sa kanila ay sinasabi lang na gawain niya na mag absent pero di ako makontento e. Di ako konbinsido sa mga sagot nila. Para kong alam na hindi iyon ang dahilan. Baka kaya di siya nakapasok dahil sa nangyare kahapon? Sa ulan? Sino ba kasing nagsabi sa kanya na tulungan ako? Siya pa ngayon ang nadehado. Nababaliw na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyare sa kanya.

Nilibot ko ang buong campus para hanapin yung mga kaibigan ni Lucas. Isang oras na ang nakakalipas ay wala akong nahahanap na bakas lang man nila. Hanggang sa may nakita akong pamilyar na mukha. Isa sa mga kaibigan ni Lucas.

A Promise to a Crescent Where stories live. Discover now