Chapter 20 Encounter

2.3K 71 1
                                    

Haidee pov's

  Naramdaman ko na lang na may nakatingin sa akin kaya naman napamulat ako."Maayos na ba ang pakiramdam mo?"tanong niya sa akin.

"Y-yes"

"Kaya mo na bang umuwe?"

"H-huh?"

"Hapon na kasi" napansin ko rin na dala na niya 'yong bag niya at bag ko.
Bumangon naman ako kaya inalalayan niya ako carring,huh! "Sasakay na lang tayong taxi na kay sharina 'yong kotse mo"

"What? Bakit mo ibinigay sa kanya?" asar na tanong ko baka gasgasan na naman niya 'yon lagot talaga ako kay mama.

"Hindi naman ako marunong magdrive, eh"nakasimangot niyang sabi sa akin.

"Dapat hinintay mo na lang ako"

"Kilan?"

"Kapag free ka na"

"Huh?"

"Nothing"

"Ang gulo mo talaga" tumayo ito kaya hinawakan ko 'yong kamay niya."oh! Problema mo?"

"Ikaw!"

"Ako na naman?"

"You and Jade"tumahimik naman siya bigla." Anong relasyon n'yo?"

"None of your business, Ano bang pangalan ng boyfriend mo siya na lang paghahatirin ko sa'yo."

"Wala akong boyfriend"

"Alam mo kung naandito lang siya nagalit na or nagtampo na 'yon sa'yo dahil itinatanggi mo s'ya"

"Walang magtatampo at walang magagalit dahil wala akong boyfriend"

"Paano 'yong lalaki kanina?"

"My ex"

"Oh!"

"Tara na" akit ko sa kanya hinawakan naman ako nito sa bewang at inalalayan nailang naman ako dahil parang may kuryente akong naramdaman nung maglapat ang mga braso naming dalawa hindi ko rin alam kung napansin pa niya 'yon.

Papara na sana kami ng taxi ng may tumigil na kotse sa tapat namin. "Jade" tawag niya kaya bumaba 'yong window glass niya.

"What happen?" tanong naman niya habang walang emosyon na nakatingin sa akin.

"She's sick" sagot ko naman sa kanya.

"Ohw! Tinatablan pala siya ng sakit" then she mentally rolled her eye. "Ihahatid ko na kayo" hindi naman ako tumanggi pa baka mamaya magbago pa isip nito.

--

   Nang makarating kami sa bahay inihatid ko na siya sa kwarto niya sinabi ko naman kay Jade na hintayin na lang ako sa baba dahil nga may sasabihin ako sa kanya.

"How is she?" tanong naman niya sa akin.

"She's okey naman na"

"She's the reason why are you absent lately,right?"tumango naman ako sa kanya."oh! I see" walang gana naman siyang tumalikod sa akin.

"A-ah! Wait" tumigil ito at kunot noong tumingin sa akin. "Baka hindi ako makapasok bukas"

"Because of her?"

"Alam mo naman na wala si Manang ngayon"

"Then hired the new maid,god! Ngayon ka pa ba magiging bobo?" may pagkaprangka talaga ang isang 'to kaya walang lovelife,eh.

"Hindi pwede"

"Psh,fine ke bago bago mo sa H.U a-absent ka kaagad,ibang klase"nagpout naman ako.

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon