Elyrah pov's
Hawak hawak niya ako ngayon dito palabas ng campus at katulad ng sinabi niya hindi ako sumama sa mga kaibigan ko. Si Max kasama niya si Sharina umalis maguusap daw si naman Jade naman umalis na may gagawin pa daw siya. At ang maganda niyang pinsan hindi ko pa nakikita sayang naman kasi. Tumapat kami sa isang vendor na may mga puting bilog tapos may orange na bituka yata 'to hindi naman nakakadiri mukha pa ngang masarap. Nakatingin lang naman ako sa kanya na kinukuha 'yong bilog. "ANONG TAWAG D'YAN?"medyo napalakas 'yong tanong ko sa kanya kaya natawa ito.".. Ay sorry po"
"Fishball yan"
"Lumalanguy ba 'yan?" napatingin 'yong magvevendor sa akin na halatang tatawa na." Hindi ba't fishball yan?"baling ko kay Haidee na nakapokerface lang. "Kasi nga Fish 'di ba ang fish lumala–"
"They can't swim okey! Baka ikaw ang gustong lumanguy d'yan sa lalagyan ng sandok" napakamut naman ako ang bobo ko talaga,eh! Kasi naman fishball teka baka naman umuugtol 'yon.
"Tumalbog ba 'yan? 'Di ba fishball?" tinawanan na ako nung vendor si Haidee hindi na maipinta ang mukha.
"Ngayon ka lang ba nakakita n'yan, ija?" tanong sa akin ni Manong.
"Nung sabihin po kasi niya na fishball ibang fishball ang pumasok sa isip ko hindi naman po sinabi ni Haidee na bilog na puti pala 'yan" parang batang paliwanag ko kay manong. "Eh! Masustansya po ba 'yan? No offend!"
"Kapag kinain mo 'yan lahat mamamatay ka baliw" singit naman ng masungit na si Haidee.
"Tama si Ms.Pressy n'yo" tumatawang sabi ni Manong.
"Araw araw po ba bumibili 'yan dito?" tanong ko naman kay manong. Si haidee naman kumuha nung orange na bilog.
"Hindi naman as in araw araw"
Tumango tango na lang ako tapos tumingin kay Haidee na kinakain 'yong isa tapos may iniabut siya sa akin."Eat" nag alangan pa ako.
"Ano 'to?"
"Bituka ng manok" simpleng sagot niya sa akin.
"Ito 'yong dinadaanan ng tae 'di ba?"napaubo naman bigla si Haidee at nanlalaking mga mata na tumingin sa akin si Manong humagalpak na lang ng tawa sa akin." Malinis ba 'to? Baka naman may tae tae pa 'to?"walang preno kung tanong pati ibang vendor pinagtatawan na kami.
"Malinis yan naku! Kainin mo na nga lang ang bata talaga ng isip mo" singhal niya sa akin kaya napanguso ako at saka isasawsaw na sana pero pinigilan niya at saka ako inirapan.
"Bakit?"
"Lagayan 'yan ng sandok"
"H-huh?"napatingin ako kay manong tapos napatungo ako." Uuwe na ako"hinawakan niya ako sa braso saka hinawakan ang kamay at isinawsaw sa sauce.
"Kainin mo na" malumanay na sabi ni Haidee. Isinubo ko naman at kinain tapos nagulat ako ang sarap.
"How is it?"
Kain.....
Nguya...
Kain.....
Nguya....
Hanggang stick na lang ang natira tapos tumingin ako sa vendor. "Magkano po lahat yan?"nagulat naman si Haidee.
BINABASA MO ANG
That Girl Is Mine (Santillan Series #2)
Teen FictionThat Girl Is Mine(Santillan Series #2) [COMPLETED] "Shut up your mouth and mark this words THAT GIRL IS MINE"-Haidee "I'm not kid anymore,tsk!"-Elyrah Date start:June 10,2019 Date Finish:July 19,2019 ©All right reserved2019