Chapter 9 Dinner

3.1K 90 0
                                    

Elyrah pov's

  Ibinagsak ko naman yung katawan ko sa kama ko tumingin ako sa kisame sandali saka tumayo at hinubad ang suot kung  uniform, kinuha ko yung towel ko at pumasok na sa banyo.
Bumaba na din ako pagkatapos naabutan ko naman si mom."hi!mom"saka ko siya hinalikan sa pisngi
"Where's mamu?" tanong ko dito.

"Parating na din ang mamu mo" nginitian ko naman siya"Nga pala malapit na ang Exam mo, may plan ka na ba para sa sembreak?"umiling naman ako. Nung nakaraan kasi tumawag ako kay Haidee at nung araw din na 'yun kasama namin si Synder inihatid niya kasi ako after namin kumain at nang araw ding 'yun nakasama ko si kuya Alvin.

"Hindi ko pa po natatanung sina jade at max" sagot ko

"Malapit na ang birthday mo"napakunot noo naman ako" Don't tell nalimutan mo"natawa naman ako pati birthday ko nakakalimutan ko na.

"Hay naku bata ka" saka niya ginulo yung buhok ko"makukuha mo na yung car na gusto mo kapag 18 ka na"siya

"Mom, i don't need car"

"Yung ibang mga teen dyan gustong gusto ng kotse but you hindi mo gusto" napalingun kami dumating na pala si mamu.

"Mamu,hindi ako sila at sila hindi ako nakakangalay kaya mag drive" saka ako tumayo at lumapit sa kaniya at hinalikan sa pisngi.

"Oo nga pala Kuya Phil invite me" umupo naman siya.

"Saan?" si mom

"Sa bahay nila para mag dinner"hindi ako makareact sa pinaguusapan nila grabe.

" Dinner aba himala ata yan"natatawang sabi ni mom.

"Nagkita kami kanina sa hospital kaya yun ininvite niya tayo na mag dinner" paliwanag niya.

    Nagbihis ako at saka bumaba ready na din sina mamu at mom kaya nagbyahe na din kami"behave ely okey"si mom.

"Wow!ako pa talaga ang mag bebehave" siya

Nang makapasok kami sa village tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay pero pansin ko para talagang hunted house bumaba na sina mom at mamu.

"Ano ely?baka naman nagnonovena ka pa diyan" si mamu huminga muna ako at saka lumabas.

"Mabuti naman nakarating na kayo" napatingin kami sa gate pinabuksan niya sa maid yung gate pumasok naman kami.

"Good evening ate Lucille" si mamu.

"Good evening din, ija" lumapit siya saka ako hinalikan sa pisngi.

"Magandang gabi po tita" ako

"Tara na sa loob" anyaya niya sumunod naman kami.

"Ate Ej" salubong ni Gail sa akin

"Hellow little princess" lumuhod ako saka siya hinalikan sa pisngi.

"Ate Ely" si shayne ngumiti naman ako sa kanila"Nasa taas pa 'yung dragon"bulong niya natawa naman ako sa tawag niya sa ate n'ya.

"Hi ate Jeanne" bati ni Jp sa akin  same kami ng school hindi ko nga alam kung bakit siya sa SDA pumapasok samantalang pamilya nila ang owner ng H.U nakakapagtaka talaga.

"Oh,Ate akala ko ba may lakad ka" napatingin ako sa babaeng tahimik na bumababa sa mala mount everest hagdan "hindi ba't pupunta ka kina sharina kasi mag esleep over kayo" patuloy pa nito.

"Nagbago na isip ko at saka alam na din ni sharina na di ako makakapunta" halata naman na inis na siya tumingin naman siya sa akin at iniikot ang mata.
Nagkibit balikat na lamang ako at lumapit kina mamu na naguusap hanggang sa anyayahan na kaming mag dinner masaya sila samantalang kami tahimik lang na kumakain actually masarap yung tinolang manok nila 'yung adobo at iba pa masasabi kong mayaman sila sa manok.

"Ely" napalingun naman ako naandito ako sa veranda nila nagpapahangin nakakaop naman kasi sa loob kaya nagpaalam ako na dito na muna ako sa labas.

"Nagagandahan ka nanaman sa akin" tiningnan ko siya na parang wala lang umupo naman siya sa tabi ko"you want?"saka iniabut ang isang in can na coke tinanggap ko na lamang yun.

"Bakit ka lumabas?" tanong ko sa kaniya.

"Bakit ka nasa loob?" Pabalik kong tanong sa kaniya" I mean bakit ka pala lumabas?kasi ako nabored sa loob and OP na ako 'dun"bawing sagot ko sa kaniya.

"Kahit kilan talaga ang gulo mo kausap" natatawa niyang sabi.

"Malamig na dito kaya pumasok ka na"

"Ayiee, concern" napailing na lamang ako.

"Kapal, Teka ganito ka ba talaga?" para naman siyang natigilan sa sagut ko
"Yung ugali mong paiba-iba" saka ako tumingin sa kaniya na noon nakatingin pala siya sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.

"Hmm, ipagpalagay natin"narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa akin." Basta don't forget yung usapan natin"takang tiningnan ko siya.

"Usapan?" nilaguk niya yung coke at saka tumingin sa akin"Anong usapan namab yang sinasabi mo?"ulit ko pa.

"Na huwag kang magboboyfriend" siya

"H-huh?"

"Hindi mo narinig?"

"Narinig ko" saka ko ininum yung soft drinks na ibinigay niya.

"Seryoso ka pala 'dun akala ko naman echoss lang yun" tumingin ako sa kaniya bigla naman nagseryoso yung mukha niya"t-teka para ka namang papatay"initaas ko yung kamay ko at itinapat sa may dibdib ko at iniwagwag saka umiling iling"please mahal ko pa buhay ko"ikinunut naman niya yung noo niya.

"Elyrah, i'm serious okey" siya

"But i'm Straight" agad na sagot ko.

"Me too,And I don't care kung straight ka or what basta tandaan mo'to" saka siya tumayo"You're mine, Also mine"saka siya umalis grabw naman ang O.A ng babaeng 'yun teka ilan bang drugs ang tinira nun at ganun nalang siya kalakas ng loob para angkinin niya ako. Ano bang nakain nun kanina sa dinner?

"Lalim ng iniisip" nginitian ko naman siya"Finally We meet again sayang 'di ako nakaabut sa dinner"siya

"Hi kuya Alvin" hinalikan ko siya sa pisngi"Asan ka nga ba kanina?"tanong ko dito.

"Business, Oo nga pala parang ang seryoso nang usapan niyo kanina ni Jave binantaan ka ba ng dragon na iyon?" agad naman akong napailing
"Yeah I know na hindi gagawin ni Jave yun sa babaeng firstlove niya" natulala naman ako ano daw?

"F-first love?"

"Yeah, nang makita ka kasi ni jave noon she promise that she will marry you at hanggang ngayon alam ko na hindi niya nakakalimutan yun kahit na ideny pa niya" natatawa naman niyang sabi.

"Excuse Elyrah, Let's go" si mamu tumayo naman si kuya at inalalayan ako she kiss me sa cheek lang pero nakaramdam ako na parang may kung anong parang may nakamasid sa akin sa amin sabi ko na nga ba may multo sa bahay na ito.

"Kuya alvin alis na kami babye" ako nakakapagtaka naman mukha ngang nababaliw lang si haidee hindi niya yun ipapangako lalo't may boyfriend siya.

That Girl Is Mine (Santillan Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon