Chapter 2- "Mistaken"

44 0 0
                                    

Katatapos lang ng last subject ni Chocola on her first day. 2 pm pa lang so she decided to do what she has been thinking a while ago. She called someone.

“Hello tito Sir! Yes, pumasok na po ako. I just came from my last class. Yes. I can go there now. Oh, okay.” Binaba na niya ang phone. That’s her mentor. Bibisitahin niya ito ngayon. Nagtanong muna siya kung nasaan ang office nito.

Nakita ni Chocola ang “Office of the President” sa isang pinto. Kumatok siya at pumasok. Unang bumungad sa kanya ay parang isang office ng secretary.

“What can I do for you?” anang isang babaeng palagay nya'y nasa early 40's nito.

“Ahm, sorry po. Akala ko office ni Dr. Zome Wendz”, paumanhin niya.

“Ito nga ang office niya. Right through that door”, may itinuro itong pinto na noon lang napansin ni Chocola. “I’m Dr. Wendz personal secretary. What can I do for you?”

Sasagot na sana siya nang bumukas ang pinto na tinuro nito. Lumabas doon ang isang nasa mid-50's na lalake.

“Tito Sir!” agad na bumeso si Chocola rito.

“O iha! I missed you! How’s your parents?” S'yanga pala, magkaibigan ang mag-asawang Wendz at parents ni Chocola. Kaya naging mentor niya ito dahil ipanakilala siya rito ng parents niya. Coincidentally, she’s into medicine and kapwa doctor ang mga Wendz so later on she kept on consulting Dr. Wendz when she was still taking up nursing as her preparatory.

“They’re doing fine naman po.” Pumasok na sila sa main office nito which is a lot bigger and very manly than the receiving area. Dr. Wendz and his wife are not in active duty as doctors coz mas busy ang mga ito sa pag-mamanage ng mga medical schools at hospitals ng mga ito. “Nice office!”

“Thanks! Good to hear that. I’m happy that you chose my school when you’re going to proceed to medicine.” Pinaupo siya nito.

“Syempre naman po. Nagsisisi nga ako kung bakit hindi ako rito nag-nursing eh. Grabe ‘tong school mo tito, parang city within the city.”

Tumawa ito.”Ikaw talagang bata ka, hindi ka pa rin nagbabago, too honest.”

Napangiti siya. “Ikaw din tito sir, napakahumble mo pa rin.”

Sabay silang napatawa nang marinig nilang bumukas ang pinto.

“Sir, may kausap pa po kasi”, anang secretary ni Mr. Wendz sa taong papasok.

“It’s okay Mae”, anang Mr. Wendz sa secretary nito. Lumabas na si Mae kuno.

“Dad.”

Napaangat ang mukha ni Chocola sa kapapasok lang na nagsalita. Napatingin din ito sa kanya.

“You!” sabay nilang sambit.

“You know each other already?” nagtatakang tanong ni Mr. Wendz.

Unang sumagot si Chocola. “I saw him once but I don’t know him.”

“Who is she dad and what is she doing in your office?” ito naman ang nagsalita.

Dad? Sino bang tinatawag nitong Dad? naguguluhang tanong ni Chocola sa sarili.

Alangan namang ikaw Chocola? Tange! Sagot ng isang parte ng utak niya.

Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa lalake at sa mentor niya. Mag-ama ang mga ito!

“Is she your---?” tumingin muna ito sa kanya.

Tiger look? Kung makatingin naman ito. Eh noong unang nagkita kami laging nakangiti tapos ngayon parang manglalapa, sa isip ni Chocola.

My Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon