Chapter 1- "They Meet"

78 2 3
                                    

“Darling, wake up.”

Umungol si Chocola nang marinig ang malambing na tinig na ‘yon pero hindi pa rin dinidilat ang mga mata.

“Chocola, gising na”, ulit ng nagsalita.

Sa pagkakataong iyon ay napabangon na siya at tiningnan ang gumising sa kanya. Kinusot pa niya ang mga mata dahil ‘di siya makapaniwalang narito ito sa silid niya ngayon. “Mom!” she hugged her.

Niyakap din siya nito. “I miss you darling.”

Kumalas siya yakap nito.”Mom, what are you doing here? I thought meron kayong inaasikasong business ni Dad sa Japan?”

Yes. Tama ang iniisip niyo guys. Just like other rich kids, hindi palaging nakakasama ni Chocola ang parents niya dahil busy ito sa mga negosyo nila. Kaya nagtataka siya kung bakit nandito ito ngayon.

“I can’t afford not to see you off in your first day of being an internal medicine student”, simpleng sagot nito.

Napatayo si Chocola at tiningnan ang alarm clock niya. “Oh my! Late na ako.” 8 am ang first class niya at 7:30 na. Natataranta siyang pumasok sa banyo.

“Don’t panic darling. First day pa naman ng pasok niyo. I’m sure wala pa ‘yang proper discussions”, dinig ni Chocola mula sa labas ng banyo.

“Kahit na Mom, I don’t want to be late”, sagot niya rito. Ayaw niyang hindi maganda ang unang impression ng professor niya sa kanya. ‘Ika nga nila, first impression lasts.

“O s’ya. Bababa na ako. Sabay tayong mag-breakfast.” Narinig niyang bumukas at sumara ang pinto.

Natapos na siyang maligo at dali-daling naghanap ng masusuot sa walk-in-closet niya. Bihis. Suklay. No make-up, but lipgloss. Pabango. When she looked at the mirror and felt contented in what she saw, hinablot niya ang bagpack at bumaba na.

Naabutan niyang nagbabasa ng newspaper ang Mom niya sa hapagkainan. “Mom, gotta go”, hahagkan na sana niya ito nang tumingin ito sa kanya.

“Sit down and eat”. Chocola knew that with that tone of hers, she needs to obey.

Wala na siyang magagawa kundi ang sundin ito. She knows her mother. Lalo lang siyang magtatagal doon kung hindi niya susundin ito kaagad. She ate fast.

“Done!” Humalik na siya rito at aalis na nang may maalala siya. “Mom, hanggang kailan ka pala rito?”

“I’ll be heading back to Japan first thing tomorrow. Your Dad still needs me there. So, you better call me if you don’t have classes later so that we can hang up for a bit. Okay darling?”

Napangiti siya. It’s been a while since the last day they had a bonding moment together. “Okay Mom. I love you, see you later!” Lumabas na siya. Started the car and took off.

Dumating si Chocola sa first class niya 5 minutes before her professor. Dating gawi. Introductions, disseminating rules and regulations and future discussions. Natapos ang first subject niya. May 1 hour pa siya bago ang next class so she decided to tour her new environment.

Wendz Medical School. It is exclusive for all fields of health sciences. Actually, she chose to enter this school because of her mentor. Her mentor owns it. And based on her research, WMS is the no.1 medical school in the country.

“Woah!” hangang-hanga siya sa mga facilities rito. It’s her first time to see such in a medschool. Parang hindi lang ito medschool, it’s more like a mini city. Hindi mo na kailangang lumabas sa school na ‘to ‘cause all you need is in here. Aside from the medical buildings, there are shops, department stores, restaurants, hotel etc. Oh hah! Unique!

Nasa kalagitnaan ng sariling tour si Chocola. Nakayangod pa rin siya sa matataas na buildings sa harap niya.

Beeeeeeeeeeeeeeppp! “Ay kabayo!”  napamura na lang siya habang sapo ang dibdib. Tiningnan niya ang kotseng muntik ng makadale sa kanya. Nang makabawi sa pagka-shock, lumapit siya sa driver’s door. Dahil tinted ang windows, hindi niya makita ang nagmamaneho nito. Kumatok siya. Habang unti-unting bumababa ang salamin, “Wooh, chilax ka lang Chocola, be calm, okay”, kinakalma niya ang sarili.

“You worm! Muntik mo na akong masagasagaan”, simula niya. “Wala ka bang mata ipis ka at ‘di mo ako naki—“, she heard someone chuckled so she stopped. Kinlaro niya ang pagmumukha nito. Tumatawa ito. Wew! Not bad! Oh well, napakagwapo nito para sa not bad lang. Pero dahil muntik na siyang masagasaan nito, not bad na lang. Iniling niya ang ulo para mawala ang iniisip tungkol sa kagwapu--este ang not bad na mukha nito. Hindi pa rin ito tumitigil sa katatawa.

“Hoy lamok! Ba’t ka tumatawa?” inis niyang sambit dito.

Lalo itong tumawa. Tinitigan lang niya ito nang masama. He stopped laughing and looked at her. He smiled mischievously. Ayt! Langhiyang smile yan! Hindi mo ko madadala sa smile lang! , sa isip ni Chocola.

“Worm, ipis, lamok. You’re the first”, sa wakas ay nagsalita ito.

Ayt! Pati boses! Nakaka-LSS! , iniling na naman ni Chocola sa isiping 'yon. The hell with his voice! “Excuse me?” tanong niya rito.

“You’re the first one who called me such names”, nakangiti pa rin ito.

Aba’t parang naaaliw pa ang mokong. “Hah! Em glad I am!” pilosopo niyang hirit. “It perfectly suits you!” Akala mo ha!

“Really? Well, thank you”, pinilosopo rin nito pero nangingiti pa rin.

“Baliw ka ba?”

“Bakit?” Parang pick-up line lang. Haha!

Ay baliw talaga. “Coz your smiling nonsense! Can you please just apologize?” hindi na niya matagalan ang smiling face nito. Syet! Ang gwapo kasi! Baka mawala pa ang galit n'ya at ano pa ang pumalit doon.

“Okay, then. I’m sorry for not seeing you wandering in the middle of the road.” Diniinan talaga nito ang salitang middle. Pero sincerity is in his voice.

Pwede na rin. “O s’ya, dahil gwap—este maganda ako, apology accepted”. Tumalikod na siya at naglakad. Hindi na niya pag-aaksayahan ang lalake tutal nag-sorry na ito.

“Wait. What’s your name?” habol nito.

Lumingon siya ulit dito at binigyan ito ng it’s-non-of-your-business-look at nagpatuloy na siya sa paglakad. She heard him chuckled once more. 

My Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon