Chapter 7- "Jealous";"Girlfriend?"

68 0 0
                                    

“Okay class, tomorrow, we’ll do bisecting. Please don’t forget to past your report for your upcoming defense next week. Class dismissed.”

Iyon lang at naglabasan na sila. 2nd class iyon ni Chocola for that day.

Pupunta muna siya sa library, she needs to borrow a book for her report.

“Veron!” may tumawag sa kanya.

Nilingon niya ito. It was her classmate, kung ‘di siya nagkakamali, he’s name is Alex. He is also taking internal medicine. Ilang beses na siyang kinausap nito pero she’s not interested so madali lang niya itong nakakalimutan.

“Yes?” si Chocola.

“Ahm, are you going to eat your lunch already? Sabay na tayo. May itatanong din ako about sa report eh.”

Tiningnan niya ang relos, 11:45 na pala. Lunch time na. Naalala niyang nagsasara pala ang library from 11:30-1:00.

Tiningnan niya si Alex. The way she see it, he is just making his moves with her. Hindi naman manhid si Chocola para malaman ‘yon. And marami na rin siyang nadaanan na gano’ng pagkakataon. Hindi sa pagmamayabang pero marami rin siyang naging suitor, kaya ‘di na bago sa kanya ang mga style na ginagawa nito ngayon.

Sasagot na sana si Chocola nang…

“Hi babe!”

May umakbay sa kanya.

Si Pierre!

Hindi pa ito nakontento at hinalikan pa siya sa pisngi.

“Tara! Lunch na tayo,” anito.

Siya naman na parang na-istatwa sa kinatatayuan ay wala sa sariling tumango na lang. What the heck is he doing? Para itong kabute na basta na lang lumilitaw.

Nakita niyang tiningnan ni Pierre si Alex na noon lang naalala ni Chocola na nasa harap pala nila. Kung siya ay naistatwa sa kintatayuan, ito naman ay palipat-lipat ang tingin sa kanya at kay Pierre. Parang ‘di ito makapaniwala sa nakikita.

‘Di ba kapanipaniwala na pwede siyang maging girlfriend ni Pierre? Iyon ba ang ibig sabihin ng tingin nito?

“Pierre Zome Wendz?” nagsalita si Alex.

Kilala nito si Pierre?

“Ang nag-iisang anak at tagapagmana ng mga Wendz. Now we met”, patuloy ni Alex.

Napapailing na lang si Chocola. Sikat ba talaga si Pierre? Hmp!

“Ang dakilang woman---“

“Nice meeting you too dude. Would you mine? Baka nagugutom na ang girlfriend ko” putol nito kay Alex.

Hindi na nito hinintay na sumagot pa si Alex at inakay na siya palayo.

“Ui, ‘di ba si Pierre Zome ‘yon?”

“Oo nga! Anak ng may-ari nitong WMS?”

“Totoo nga, ang gwapo niya!”

“Ay, girlfriend niya ‘yan?”

“Hindi naman kagandahan.”

Ang sabi-sabi ng mga dakilang chismosa na nadadaanan nila. Para namang nagising si Chocola sa mga narinig.

“Te-teka nga!” si Chocola. kumawala na siya sa pagkakaakbay ni Pierre.

“Yes honey?”

Nilakasan pa talaga nito ang boses.

“Girlfriend nga n’ya.”

“Hmp! Sayang!”

“Well, bagay din naman sila.”

My Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon