Chapter 9- "Goodbye?"

15 0 0
                                    

Nasa opisina si Pierre ng father niya. Nakabalik na ito galing Korea.

“Son, do you need something?” tanong ng papa niya.

Nag-aalangan si Pierre sa isasagot. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nito sa sasabihin niya. Pinili muna niyang magpaligoy-ligoy muna.

“Dad, nagkita ba kayo ni Mom sa Korea? Sabi niya kasi you met there.”

“Yes. I miss your mom you know that, kaya pinapunta ko na lang siya doon. Actually, I supposedly booked to go to Paris to visit her pero nagkaroon nga ng problema sa Korea. That’s why the plan changed.” Paliwanag ng daddy niya.

Tumatango na lang si Pierre kahit ‘di naman niya masyadong naintindihan ang sinabi nito. Iba kasi ang nasa isip niya.

“Dad, I have something important to say.” Panimula na niya sa talagang pakay.

“What is it?” anitong may binabasa na documents.

“It’s… ahm.. ano. It’s about…”

“About what Pierre? C’mon, spill it out. I’m busy.”

“It’s about Mint”, diretso na niya.

Tiningnan naman siya ng papa niya at tinigil muna ang ginagawa nito.

“What about her?”

“I am going to court her?”

Sarkastikong tumawa ito. “You? Kailan ka pa natutong manligaw?”

“Dad, em serious.”

Sumeryoso ang papa niya. “Pierre, not Chocola please. I know you. Hindi ka sumeseryoso ng babae.”

Pierre looked at his father’s eyes. “Well dad, I was also surprised by myself. It’s different with her. I don’t know how, but I think she has changed me. I don’t expect you to believe me, but all I’m asking is a chance.”

Nakita niyang nag-isip ang papa niya at kapagkuwa’y bumuntong-hininga ito.

“I don’t need to lay the consequences if you’ll blow this up, do I? Napamahal na rin sa ‘kin si Chocola, she’s like my daughter already. Kapag pinaglaruan mo siya, kahit anak kita, I’ll hang you myself.”

“I know dad. Thank you. One more thing…”

“Aba’t inaabuso mo ako Pierre Zome---“

“Last na talaga.”

“Say it.”

“I want to talk to her parents.”

Napapailing na lang si Chocola. Kanina pa kasi nagba-vibrate ang phone niya. Alam niyang si Mikaela ‘yon. Kanina pa kasi siya nito tinetext. Gusto nitong pag-usapan ang tungkol sa kanya at kay Pierre.

Nasa kalagitnaan pa ng klase si Chocola kaya ‘di niya ito ma-replyan. After naman ng subject niyang ‘yon ay lunch break na kaya ma-eentertain na niya si Mika.

Nakinig na lang siya sa discussion ng professor nila.

After a while ay dinismiss na rin sila.

Sinagot ni Chocola ang tumatawag na si Mika.

Chocola: “Yow?”

Mika: “Yow ka d’yan. Where are you na ba?”

Chocola: “Hindi ka naman masyadong excited n’yan?”

Mika: “Hindi naman masyado. Atat lang!”

Chocola laughed.

Mika: “O sige! Ikaw na masaya! Gagerz!”

My Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon