Chapter 3- "First Kiss?"

42 0 0
                                    

Chocola is in her room, studying. May exam siya bukas. Kalahati na ang natatapos n'ya pag-aralan nang may kumatok sa pintuan.

"Choco, may bisita ka", si Nanay Luring. Ito na ang naging yaya niya mula pagkabata kaya nanay na ang tawag niya rito.

Tumingin siya sa alarm clock n'ya. Almost 8 pm na. Sino naman ang bibisita sa kanya ng ganung oras? Imbes magtanong ay sumagot na lang siya, "Opo nay. Bababa na po."

Tumayo na siya. Tumingin siya sa salamin. Naka-pajamas na pala siya. Tsk! Nag-isip siya kung magbibihis  o hindi na. And she decided not to. Wala namang problema sa suot n'ya. Nasa sariling pamamahay naman siya at tsaka oras na ng pagtulog noh. She’ll let her visitor whoever it may be to think whatever he/she likes to think about her clothing. Basta siya, go!

Bumaba na si Chocola. Sinalubong s'ya ni nanay Luring. "Nasa verandah 'yung bisita mo", anito.

"Sige po", dumiretso na siya sa verandah nila.

Sino kaya 'tong asungot na 'to. Gabing-gabi na eh. Nadatnan ni Chocola ang isang lalaking nakatalikod. Nakasandal ito sa railings ng verandah nila at parang malayo ang tingin.

Tumikhim si Chocola. Napalingon ito sa kanya. Parang napako si Chocola nang makita kung sino ito.

"Hi Mint", bati nito sa kanya at lumapit.

"Pi-pierre. W-what---" hindi siya nakatapos dahil hinagkan siya nito sa pisngi. It was obviously a greeting kiss. Pero iba pa rin ang naramdaman niya. Hindi naman 'yun ang unang pagkakataong may bumeso sa kanyang lalaki. Pero bakit sa Pierre na 'to, kakaiba. Anak ng unggoy naman talaga! Mariing pumikit si Chocola para itaboy ang kakaibang nararamdaman. She composed herself and, "Anong ginagawa mo rito? And paano mo nalaman ang address ko?"

He smiled. "Boring kasi sa condo so I decided to visit you. Regarding your address, dad gave it to me."

"Ah ganun? So wala kang magawa sa buhay mo so nangbubulabog ka ng ibang tao?" Chocola crossed her arms at raised her right eyebrow.

Ngumisi ito at pinisil ang pisngi niya. "Ang cute mo talaga 'pag nagsusungit ka."

"Aray ha!" Hinimas ni Chocola ang namumulang pisngi. Kung makapisil naman ito, wagas! Hinampas niya ito sa balikat.

Tumawa lang ito. "Friends na tayo 'di ba? So there's nothing wrong if I visit you."

Tumingin si Chocola rito. Oo nga pala. They have reconciled and she accepted his friend request. Langya! Parang FB lang. Teka lang. Nong araw na "nagkaayos" sila ang huli nilang pagkikita. Mga 2 weeks din niya itong hindi nakita. Bilang talaga ang araw ha? Hmm.. Saan kaya ito galing. O well, wala na siya dun. Napabuga na lang siya ng hangin. "Wow naman! Ayos ang napili mong oras preh", pilosopo na lang niya rito.

"Actually, kagagaling ko lang talaga sa Cebu. May ipinagawa lang si dad sa 'kin. Tsaka parang na-miss kita eh. 'Di mo ba ako na-miss?" Nasagot naman nito ang tanong sa utak ni Chocola.

Ano raw? Miss? Eh hindi pa nga sila masyadong magkakilala. "Hah! FYI lang po. Hindi pa tayo close kaya pwede po ba konting kyime naman sa mga tanong." FC ang loko.

He moved closer to her. 2 inches away. Haha! May measurement pa talaga! He carelessly whispered, kanta 'yun ah! La lang. Hihi! "Ganu ba ka-close gusto mo?"

She withdraws but he stopped her by placing his hands at her back. Hindi iyon napaghandaan ni Chocola. Iniwas niya ang tingin sa binata. Ayan na naman ang kabog ng puso n'ya. Hinawakan niya ang dibdib na para bang takot siyang marinig iyon ni Pierre.

"Are you okay?" Inilayo siya ng konti ni Pierre. Napansin nito ang paghawak niya sa dibdib. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Tumango naman si Chocola. Alangan namang sabihin niya ang nararamdaman. Eh kahit siya nga ay naguguluhan kung ano ang kakaibang pakiramdam na 'yon. "I'm just tired", pagdadahilan na lang niya.

My Endless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon