Walang sawang pumapatak ang aking luha.
Umiiyak na parang bata,
Umaagos at makikita sa aking mukha,
Patunay na walang wala na yata akong magagawa.Iniisip na parang ito na yata ang huli nating kabanata.
Pinipilit itinatatak sa isip ko na tayo'y wala na,
May mahal ka palang iba habang tayo pa.
Ikaw ay lubos kong minahal ng sobra,
Ngunit ito'y inabuso mo pa.Sinabi mo sa'king nandito lang ako,
Handang maghintay para lang sayo.
Ngunit itong puso ko'y nadurog mo ng husto,
Matanggap lang na wala ng tayo.Sobra-sobrang sakit ang hindi ko na mabilang,
Kaya gusto ko nang ikaw ay tuluyan ng makalimutan,
Tumatak sa aking isipan at ako'y natauhan,
Pinapangako kong hindi na ulit magpapaloko kailanman.
YOU ARE READING
POEMS(English & Tagalog)
PoetryPoems that would help in different kinds of emotions of a person. It depends on what you'd like to feel right now. "Poetry is when an emotion has found it's thought and the thought has found words. " - by Robert Frost