Poem#5: Kita Kita

1.5K 10 0
                                    


Unang kita sa harap ko'y dumaan,
Kakaibang eksena ang aking naramdaman.
Nang ika'y lumagpas na sa'king harapan,
Tila ba isang eksena ang hindi ko malilimutan.

Unang kita palang sayo'y iba na ang takbo ng aking sarili,
Kahit ang paghinga ko'y hindi ko narin lubusang mawari.
Sa isang iglap ang puso ko'y biglang nakalimot kung anong nangyari.
Sa utak ko'y hindi ka malilimutan hanggang sa huli.

Unang kita sa itsura mong nakakabighani,
Sa kulay asul na pares ng iyong mata at nakakaakit mong mga labi.
Tila ba konting minuto nalang ay handa na akong tumili,
Na parang babaeng napapraning at nawawala sa sarili.

Unang kita palang pero iba na ang aking naramdaman,
Kung kaya't maghintay ka lang dahil sa susunod na makita kita ay baka mahingi ko na ang iyong pangalan.
Baka sa ganoong paraan ay matitigan kita ng malapitan,
At mabanggit sayo ang aking naramdaman ng ako'y unang lampasan sa iyong harapan.

POEMS(English & Tagalog)Where stories live. Discover now