Gustong-gusto ko na sanang kalimutan,
Pero patuloy lang bumabalik sa isip ko ang nakaraan.
Naiinis ako sa sarili ko dahil hanggang ngayon,
Hindi ko parin kayang tanggapin ang katotohanan.
Ilang beses na akong pinagsabihan ng aking mga kaibigan,
Pero wala akong ibang ginawa kundi ang hindi sila pakinggan.Napapagod na akong umasa,
Napapagod na akong alalahanin ka,
Napapagod na akong ipilit ang pagmamahal sa'yo pero hindi mo naman nakikita,
Napapagod na akong unahin ka kesa sa dapat ako muna.Nakakasawa na ang ganitong pagmamahal,
Sadyang handa na yata akong ika'y kalimutan.
Dahil gusto kong maramdaman ang totoong pagmamahal,
Pagmamahal na kayang ibigay sa'kin na hindi ako sinasaktan.
Gusto kong ma-inlove, pero hindi na sa'yo.
Gusto kong ma-inlove, pero gusto ko sa tamang tao.
![](https://img.wattpad.com/cover/129239555-288-k249770.jpg)
YOU ARE READING
POEMS(English & Tagalog)
PoesíaPoems that would help in different kinds of emotions of a person. It depends on what you'd like to feel right now. "Poetry is when an emotion has found it's thought and the thought has found words. " - by Robert Frost