Poem#3: Isang Sulyap(Tagalog)

2.9K 12 0
                                    


Sa bawat araw,oras,minuto, at isama mo narin ang segundo.
Walang ibang hinahangad kundi ang mapansin mo,
At kahit pa madalas man na nahuhuli mo ko,
Sa mga beses na parating napapasulyap sayo.

Wala akong intensiyon na guluhin ka o ano.
Gusto ko lang naman parating masilayan ang mukha mo,
Kahit na isang sulyap lang ang layo sayo,
Alam ko sa sarili ko na ayos at kontento na ako.

Ngunit nagbago ang lahat ng makilala mo ang isa sa mga kaibigan ko.
Doon ko naisip na siguro kailangan ko ng ihinto ito,
Kahit na nagsimula lang ito sa simpleng pagsulyap sayo,
Alam kong matatapos din ito sa simpleng paglayo ko sayo.

Mahirap man sa'kin ito pero ito lang ang tanging paraan na meron ako.
Simpleng pagsuko lang ang katapat nito,
Para unti-unti ko naring mapigilan ang nararamdaman ko,
At para narin magising sa katotohanang hindi naman magiging iyo.

POEMS(English & Tagalog)Where stories live. Discover now