Poem#4: Di Na Sana(Tagalog)

1.9K 12 2
                                    


Kung alam ko lang,
Di na sana ako sumubok.
Kung alam ko namang,
Di para sakin ang puso mong tumitibok.

Hindi na ako nadala,
Kaya heto puro sakit at lungkot lang ang aking napala.
Nang ika'y lumisan na at nawala,
Sa puso ko'y ilang sandali biglang nangungulila.

Sana pala inuna ko nalang ang sarili ko,
Nang sa ganu'y hindi ako itong parang natutuliro.
Matanggap lang na hindi ako ang iyong gusto,
Upang mahimasmasan ang nadurog kong puso.

Di na sana ako ang nasasaktan,
Di na sana ako ang nahihirapan.
Di na sana ako umasa,
Di na sana ako umibig pa.

POEMS(English & Tagalog)Where stories live. Discover now