Nothing's Gonna Hurt You Baby- Cigarettes After Sex
______________________________
Whisper
Betina's POV
Nandito kami ng two-years kong fiancé na si Nicholas sa isang Hotel na pag-aari ng isang kaibigan niya. Yakap yakap niya ako galing sa likod habang tinitignan ang papalubog na araw.
Parang payapa ang buhay namin pero hindi.. dahil ang mga magulang niya ay ayaw sakin. Ilang linggo na kaming pinaghahanap ng magulang niya pero narito lang kami, nagtatago at nagtanan na.
Ayaw sakin ng mga magulang niya dahil mahirap lang ako at ulila na. At ang tatay ko pa ay dati nilang hardinero na nagnakaw sa kanila. Ang sabi ni nanay ay nagawa lamang iyon ni tatay dahil sobrang hirap kami sa buhay. Mag-bebente anyos na ako noon, at sobra na ang galit na naramdaman ko sa pamilya nila ng pinahirapan nila ang tatay ko, sobrang kabayaran ng sakit ang ibinigay nila dito.
Ilang buwan matapos noon ay tuluyan ng nagkasakit si tatay at nawala na sa landas namin. Sa sobrang sakit naman ng naramdaman ni nanay ay na-depress siya. Tuluyan na siyang sumunod kay tatay at ako nalang ang natira.
Sobrang sirang-sira na ako noon, pero muli akong binuo ni Nicholas. Siya lamang ang hindi nakaramdaman ng galit saki, kahit na ang pamilya niya ay halos patayin na ako sa galit. Kaya naman mahal na mahal ko si Nicholas at pinagkakatiwalaan ko siya. Hindi rin siya sangkot sa panggugulo sakin ng pamilya niya. Sa totoo lang, siya pa ang pumapagitna sa akin at sa pamilya niya, pinoprotektahan niya ako.
Kaya naman tuluyan na kaming nagtanan dahil ang magulang ni Nicholas ay may ibang gustong babae para sa kaniya, mayaman at di hamak na mas maganda sakin. Pinipilit nilang ipakasal dito si Nicholas kahit na alam nilang kami na.
"Baby... what are you thinking?" bulong niya sakin.
Napalingon naman ako sa kaniya, "Iniisip ko lang kung.. bakit ako 'yung nagustuhan mo? Bakit hindi 'yung ibang babae, eh mas maganda naman sila—"
"Wala akong pakialam sa ganda nila, okay? Baby... ilang beses mo na 'tong tinanong at ilang beses ko na rin 'tong sinagot. Kahit ang pinakasexy at pinakamagandang babae sa buong mundo ay nasa harapan ko na ay wala akong pakialam. Unless kung ikaw 'yon?" nagtaas siya ng kilay.
Napaharap naman ako agad sa kaniya. Agad akong napatingin sa mga mata niyang malalalim na nakatitig din sa akin.
"What do you mean? Ang tingin mo talaga sakin ay hindi ako ang pinakasexy't maganda sa buong mundo, huh?"
Tumawa naman siya, "It's not like that. Don't worry, ikaw naman ang pinakasexy at pinakamaganda sa mundo ko. You got the curves, the personality and you even got me. Hmmm.. What else? You got it all baby. You also got the best moves." sabi niya at ngumisi.
"Moves? What?" takang tanong ko.
"Sus, ang baby ko. Kunyaring inosente," tumawa siya. "What you did earlier amazed me, baby. Can we do it again and let me feel how you move?" bulong niya sakin.
Napangiti naman ako pero uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Tumalikod agad ako sa kaniya at tumawa naman siya ng tumawa.
Fuck, how can he be so sexy even though he only whispers? I'm so lucky and crazy for this man, damn.
![](https://img.wattpad.com/cover/188649524-288-k917341.jpg)
BINABASA MO ANG
ɴᴏᴛʜɪɴɢ's ɢᴏɴɴᴀ ʜᴜʀᴛ ʏᴏᴜ ʙᴀʙʏ | ᴄɪɢᴀʀᴇᴛᴛᴇs ᴀғᴛᴇʀ sᴇx
Short Story[ S ] Betina and Nicholas are the kind lovers who doesn't care what people say about them. They're still together and going strong even though Nicholas' family are against Betina. They eloped and ran away far from his family. But will they last long...