/ ᴛʜʀᴇᴇ - ɢɪʀʟ /

1K 12 0
                                    

Nothing's Gonna Hurt You Baby- Cigarettes After Sex

______________________________

Girl

Betina's POV

Pagkagising namin ay agaran kaming kumain para breakfast namin, dahil na rin sa pagiging excited ko para mag-videoke. Grabe ang tibok ng puso ko, hindi ko alam kung sa excitement o sa kaba.

"Are you scared?" tanong ni Nicholas sakin habang kumakain.

Kinagat ko naman ang labi ko at umiling ng bahagya.

"Hindi naman.. Nag-aalala lang ako, kasi first time nating lalabas dito sa 5th floor. Ayokong mag-expect na may mangyayari, wag naman sana p-pero hindi rin maiiwasan, eh. Alam mo naman ang family mo.. galit na galit sila sakin at paniguradong hinahanap na nila tayo," nasabi ko nalang.

Ngumiti naman siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"I'm here, baby. You're safe and you'll be fine, as long as you're with me.. So stay right beside me always, okay?" pagpapakalma niya sakin at nakuntento naman ako. "Just enjoy and be happy. Ako na ang bahala sa 'yo." dagdag niya pa at hindi ko alam kung bakit naging emosyonal ako.

Niyakap ko siya at nangingilid ang luha ko habang tumititig sa kaniya.

"Thank you baby. I really don't know what to do without you. I won't leave you, and I will always stay by your side. I love yo—" naputol ang sasabihin ko nang maramdaman kong naduduwal ako.

Oh shit..

Tumakbo ako agad papuntang lababo at sumunod naman si Nicholas sakin.

"Baby! What's wrong? May nakain ka bang mali?" tanong niya at tinulungan ako sa pagsakop ng buhok ko habang patuloy na dumuduwal.

Nang natapos na 'ko ay nag-tooth brush na 'ko, at iisa lang ang nasa isip ko kung bakit ako ng ganito..

Me and Nicholas did 'it' several times, so me being pregnant is not impossible.

Napangiti ako sa naisip ko.

"Baby.. baka b-buntis ako," sabi ko kay Nicholas na abala sa pa rin sa pagsakop ng buhok kong nakalugay.

Iyon ang una kong naisip dahil ilang beses na naming ginagawa 'iyon' ng walang proteksyon.

Nanlaki naman ang mga mata niya at hindi alam kung mangingiti o mag-alala.

"R-really?! You think so? I hope its a girl! Then, we really should celebrate! After that, we'll go check you up! I will text Matt to schedule us later to a really good and nice OB! You better dress up now, baby! We should celebrate!" excited at tuloy-tuloy na sabi niya at niyakap ako.

Maluha-luha niya akong tinitigan at ganon din ako sa kaniya. "I've never been this happy, baby. Thank you for making me this happy. I promise to you and baby Angela that I will be a good father." sabi niya at hinalikan ang noo ko.

Ngumiti naman ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko na mapigilan luha ko kaya napaluha ako sa kaniyang dibdib. Hinalikan niya na naman ang ulo ko ng ilang beses.

"You're really pretty confident that our baby is a girl huh?" sabi ko at tumawa ng bahagya. "I'm the one who should thank, Nicholas. You're also the only one who made me this happy. Sinuway mo ang parents mo dahil sakin, pinapagtanggol mo 'ko, hindi mo ako pinapabayaan, minamahal mo ako ng higit pa sa ipinapakita mo. Sobra-sobra na ang ginagawa mo sakin baby, and I'm really really thankful because of that," sabi ko at habang nakatitig sa kaniya. "I love you so much and our baby." I said and then kissed him.

ɴᴏᴛʜɪɴɢ's ɢᴏɴɴᴀ ʜᴜʀᴛ ʏᴏᴜ ʙᴀʙʏ | ᴄɪɢᴀʀᴇᴛᴛᴇs ᴀғᴛᴇʀ sᴇxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon