/ ʟᴀsᴛ - ʙᴀʙʏ /

738 14 0
                                    

Nothing's Gonna Hurt You Baby- Cigarettes After Sex
______________________________

Baby

Betina's POV

Sumunod ako kay Tita ng lumabas siya at pumunta sa harap ng isang sasakyan.

She looked at me and I saw the tiredness, sadness and sympathy in her eyes.

"Betina, I-I'm so sorry.." panimula niya at nangilid na naman ang aking luha. "Nagpadala ako sa galit ko sa inyo ng pamilya mo. Hindi namin kayo tinanggap ni Nicholas. K-kung sana ay hindi ko inutusan si Lewrick na pumunta roon sa hotel ay hindi ito mangyayari." Tumigil siya sandali at suminghap.

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.

I saw the resemblance of Nicholas' eyes on hers..

"Lulong sa d-droga si Lewrick at nalaman ko nalang ito nang ipa-pulis namin siya. Siya na rin ang mismong umamin sa nagawa niya. It hurts as a mother, Betina.. dahil alam mong silang dalawa lang aking anak tapos, ganito pa ang nangyari," napakagat nalang ako sa aking labi ng binanggit niya ang dahilan ng pagkamatay ni Nicholas. Darn, his drug addict elder brother. "A-at alam ko rin na buntis ka, Betina. T-tumawag sakin ni Nicholas bago nangyari 'yon, at n-naki-usap siya na tanggapin na namin kayo, lalo na't magkaka-anak na kayo. P-pero imbis na pabigyan siya ay pinapunta ko pa doon si Lewrick p-para sunduin si N-Nicholas, mag-isa." Walang tigil niyang sabi at napahagulgol.

Napatulala ako at hindi malaman ang sasabihin.

"Natamaan ang sensitibong parte ng ulo ni N-Nicholas, ayon sa Tito niyang doktor. Doon na namin siya dinala agad, dahil malala na ang lagay niya at mas makakabuti kung sa hospital namin siya masusuri. P-pero ilang oras lang kaming nasa hospital.. hindi na kinaya ng operasyon. B-bumitiw na siya."

Nanatili lang akong tulala at patuloy sa pagluha habang pinapakinggan ang sinasabi ni Tita Amore. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Masisiyahan ba o malulungkot lang lalo. Masisiyahan dahil sa pakikitungo niya sakin ngayon o malulungkot lalo dahil sa katotohanan na wala na talaga si Nicholas.

Pero isa lang talaga ang masasabi ko ngayon.. Huli na ang lahat. Wala na si Nicholas. Its too late..

"Sayang ho," wala sa sariling sabi ko. Naramdaman kong nag-angat siya ng tingin sakin. "Sayang tita, sana noon pa kayo humingi ng tawad. Sana noon niyo pa kami natanggap." Suminghap ako at pinigilang humikbi. "A-alam kong may kasalanan din naman po ang pamilya ko sa inyo, pero sana naman po ay marunong din tayong magpatawad kapag nagsisi na ang isang tao." sabi ko at pinunasan ang luha ko.

Hinaplos ko ang tiyan ko na ayon kay Dra. Jannah ay three-weeks na ang baby namin ni Nicholas.

"Its way too l-late. Hindi pa kami n-nakakapagpakasal at hindi pa lumalabas ang anak namin ay wala na agad siya. H-hindi niya man lang nakita ang baby namin." dagdag ko at bumuhos na naman ang luha ko.

Hinawakan ni Tita Amore ang balikat ko at puno ng pagsising tumitig sa 'kin.

"P-patawarin mo ko.. anak," sabi niya at napatingin ako sa kaniya. "'Wag kang mag-alala.. hindi pa huli. Tumawag ako ng pari at naghanda ng gown para sa iyo," bahagya siyang ngumiti at kumunot naman ako noo ko. "Ngayon ay ikakasal ka na sa kaniya, a-alam kong hindi ito ang tamang oras.. Pero hindi pa naman huli, 'di ba?" hinawakan niya ang kamay ko. "Alam kong hindi sapat ang kapatawaran ko kaya ginawa ko ito para sa inyong dalawa. Pumayag na rin si Anton dito." pagtutukoy niya kay Tito Anton na tatay ni Nicholas.

Napaawang ang labi ko at hindi pa rin pumasok sa sistema ko ang desisyon ni Tita Amore na dati ay kinakumuhian ako. At mas lalong hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami sa wakas ng fiancé ko.

Well... I guess that its not too late.

Naluluhang niyakap ko si Tita at nagpasalamat sa kaniya.

"S-salamat Tita Amore. Thank you for a-accepting me and my b-baby, Tita." niyakap naman niya ako pabalik.

"Don't call me Tita, its 'Mama'. Okay?" sabi niya at hinaplos ang ulo ko.

Naalala ko naman si Nicholas sa haplos niya at panibagong luha na naman ang inilabas ng mata ko. Tears of joy..

9 months later...

"Push! Betina, konti pa!" sabi ni Dra. Jannah at sinunod ko agad ang sinabi niya.

"Ahhh!" ire ako ng ire at namamawis na ako.

Pagod na pagod na ako pero lamang ang kasabikan sakin.

Finally Nicholas! Our miracle is finally here...

Nakailang ire pa ako at halos mahirapan na ako sa paghinga, hanggang sa may narinig akong iyak ng isang sanggol at tila musika ang tinig nito sakin.

"Omg! It's a girl, Betina! Kamukhang-kamukha rin ni Nicholas!" sabi ni Ate Jannah at nanindig ang balahibo ko sa sinabi niya.

Baby..

She wrapped my baby in a white and clean franella clothe, then she laid my baby beside me.

Ramdam ko naman ang pagod at hingal pero ito'y tila nawala nang nakita ko ang anak namin ni Nicholas.

Her angelic face, her features.. resembles of her father's face..

Napangiti ako.

"What's the name of the baby, Betina?" tanong ni Ate at mas lalo akong napangiti habang nakatitig sa aking anak.

"Her name is Angela.. Nichole," sabi ko habang nakatitig kay baby Angela. "Baby Angela, sabi ng daddy mo sakin na.. nothing and no one will hurt me. Ngayon, ako naman ang magsasabi sa 'yo. Nothing's gonna hurt you.. baby."

_______________________________

// xad. sana oki lang kasi inubos ko po ang isang araw ko sa paggawa ng story na 'to haha. thankyou po sa pagsayang ng oras niyo para basahin ito. //

ɴᴏᴛʜɪɴɢ's ɢᴏɴɴᴀ ʜᴜʀᴛ ʏᴏᴜ ʙᴀʙʏ | ᴄɪɢᴀʀᴇᴛᴛᴇs ᴀғᴛᴇʀ sᴇxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon