/ ғɪᴠᴇ - ʙᴀᴄᴋ /

777 10 0
                                    

Nothing's Gonna Hurt You Baby- Cigarettes After Sex
______________________________

Back

Betina's POV

Tatlong araw na ang nakalipas at ngayon lang ako nagdesisyong pumunta sa bahay ni Nicholas.

Napabuntong hininga ako at muling pinikit ang aking namumungtong mga mata. Napatingin sa 'kin ang nag-aalalang si Matt na magmamaneho.

Pagkatapos ng nangyari ay dinala agad kami sa hospital, para matignan din daw ang kalagayan ng baby ko. Nawalan din ako ng malay no'n kaya hindi ko na alam ang sunod na nangyari. Ang sabi ng doctor na pinsan ni Matt na si Dra. Jannah ay masama raw na ma-stress ako pero hindi ko mapigilan. Lalo na ng nasabi sakin ni Matt ang kalagayan ni Nicholas. Hinanap ko agad ang aking fiancé pagkagising ko pero, nanlumo ako ng sinabi ni Matt na na nilipat daw siya sa ospital ng pamilya nina Nicholas.

Ngayon lang ako nagkaroon ng pahinga at lakas, kaya naman pumayag na sina Matt na sasamahan ako ngayon sa pagpunta kanila Nicholas. Wala na rin silang nagawa dahil nagpumilit ako na agad pumunta kina Nicholas pagkalabas ko ng hospital.

I really want to see you right now, Nicholas...

Napahawak ako sa tiyan ko at muling inalala ang nangyari.

Ilang oras pagkatapos ng nangyari ay nagising ako.

Nanlaki ang mata ko ng nagising ako at hingal na hingal galing sa isang masamang bangungot.

"Nicholas!" malakas na sabi ko at doon ko lang napansin na nasa isang kwarto ako ng ospital.

Nilibot ko ang paningin ko para hanapin si Nicholas pero wala siya. Sinubukan kong tumayo pero bigla akong nahilo kaya muli akong napabalik sa pwesto ko.

Bumukas naman bigla ang pinto at nakita ko ang isang babaeng naka-unipormeng pang-doktora at may dalang stethoscope at kung ano pa.

Ngumiti siya sakin. "How are you feeling Ms. Betina?"

"Nasaan si Nicholas?" kunot-noong tanong ko, neverminding what she'd asked.

Bumuntong hininga siya at malungkot na ngumiti sakin. Lumapit siya at may kung anong ginawa para matingnan ang lagay ko.

"Where is Nicholas?" mariin na pag-uulit ko habang ine-examin ako.

Bumuntong hininga na naman siya at saka nagsalita. "I'm Dra. Jannah, cousin of Matt. Nagpaschedule sakin si Nicholas kaninang umaga. Hindi ko alam kung nasaan ang fiancé mo, Ms. Betina. Wala siya dito, but you better ask my cousin Matt. Siya ang nakakaalam kung nasaan ang boyfriend mo." sabi niya at kumunot ang noo ko.

Wait.. Where's Nicholas? Wala siya dito? Dito mismo sa hospital na 'to?

Biglang nangilid ang luha ko ng maalala ko na naman ang panaginip ko kanina.

Si Kuya Lewrick.. Ang puros dugong ulo ni Nicholas.. Ang walang malay na pinakamamahal na fiancé ko..

Napapakurap akong napatitig sa kamay kong hawak niya kanina.

No.. that's not true...

Magsasalita palang ako para paulanan pa tanong si Dr. Jannah pero bigla nanamang bumukas ang pintuan at pumasok si Matt.

ɴᴏᴛʜɪɴɢ's ɢᴏɴɴᴀ ʜᴜʀᴛ ʏᴏᴜ ʙᴀʙʏ | ᴄɪɢᴀʀᴇᴛᴛᴇs ᴀғᴛᴇʀ sᴇxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon