/ ғᴏᴜʀ - ᴅᴏɴ'ᴛ /

896 9 0
                                    

Nothing's Gonna Hurt You Baby- Cigarettes After Sex
______________________________

Don't

Betina's POV

Nandito na kami ngayon ni Nicholas at kumakanta ng kung ano-ano dito sa may bar ng hotel. Nagustuhan namin doon, dahil nandoon din ang favorite songs namin.

Gaya ng gusto niya, may sunglasses kami ngayon at nag-cap rin. Just in case lang naman.

"Baby sabihin mo kung pagod ka na, ah? Mamaya ay magpapatingin ka sa pinsan ni Matt na OB. Kailangan ay healthy kayo ni baby Angela, okay?" sabi niya sakin nang tumigil muna kami sa pagkanta.

Mga mag-iisang oras na rin kasi kami rito. Pero hindi ako naramdaman ang pagod at antok, dahil nag-eenjoy ako sa pagkanta at syempre kasama siya.

"Oo naman baby, healthy family tayo," tumawa ako. "Kanino kaya magmamana si baby Angela?" tanong ko, nahawa na sa kaniyang assurance na girl talaga ang baby namin.

Ngumuso siya at inakbayan ako.

"Gusto ko, sa iyo ang ugali. Sa akin naman ang hobbies niya. Half-half naman sana sa face niya. I really wanna see how beautiful it is if our face were combined. Hmmm.. finally, magiging dalawa ang baby ko," tumawa siya. "Ikaw at ang baby girl natin. I hope that next time, we can do a boy." ngumisi siya.

Tumawa naman ako at nagpaalam sa kaniya na mag-ccr na muna ako dahil sa dami ng nainom kong juice. Hindi niya muna ako pinainom ng wine or beer dahil sa kalagayan ko.

"Samahan na kita," sabi niya at tumayo.

"Baka manyakin mo ako, ah?" biro ko habang papunta kami sa cr.

"Hindi, ah! Good boy muna ako ngayon. Baka mapano si baby Angela," umiling siya. "Fuck, paniguradong matitigang ako nito," sabi niya at tumawa.

"Pwede naman 'yon ah? Doing 'it' even though Im pregnant."

Tumaas naman ang kilay niya. "Really? Edi mabuti kung ganon!" sabi niya at tumawa nalang ako.

Pumasok naman ako sa cr at nag-hintay siya sa labas.

Pagkatapos ko ay lumabas ako ng cubicle at tinanggal ang cap at sunglasses ko para maghilamos.

Hindi ko pa nahuhugasan ang kamay ko ay may narinig akong kalabog sa labas ng pintuan. Hindi na agad akong nagpaligoy-ligoy pa, binuksan ko na agad ang pintuan at nakita ko si Nicholas at ang Kuya Lewrick niya na nagsusuntukan.

Oh god! No!

"Nicholas!" nanlalaking matang tawag ko sa kaniya.

"Dito lang pala kayo nagtatago, ah?! Akala niyo ay makakatakas kayo samin!" sigaw ni Kuya Lewrick at napatingin sa sakin.

"Kuya! Mahal namin ang isa't-isa kaya pabayaan niyo na kami! Kelan niyo ba matatanggap?! Past is past! 'Wag niyo na itong gawing big deal!" sabi ni Nicholas at lumapit agad sakin ng nakita ako.

"Hindi ko kailanman 'yan matatanggap dahil sakin dapat si Betina! Ako dapat ang kasama niya! At ikaw Nicholas! Dapat ay doon ka sa nirereto nina Mama sa iyo!"

W-what?

Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Kuya Lewrick. Dati ay malupit siya sakin, pero kalaunan ay nakita kong may kakaiba sa mga mata niya 'pag tumitingin siya sakin. Lalo na noong mga panahong kami na ni Nicholas at pinaglalaban niya ako sa pamilya nila. Napapansin kong nagpapahiwatig siya sakin ng palihim.

Naramdaman kong humigpit ang hawak sakin ni Nicholas.

"She'll never be yours, Kuya. Ako. Lang. Dapat. Ang para sa kaniya." sabi ni Nicholas kay Kuya Lewrick at hindi na nakapagpigil na sumugod ulit.

"Nicholas!" tawag ko ng sinuntok niya na naman ang kaniyang Kuya.

Sinamaan ng tungin ni Kuya Lewrick si Nicholas ng tinamaan siya. Nanlaki naman ang mga mata ko ng kumuha bigla si Kuya Lewrick ng isang bote ng beer sa bar.

"No! Please stop, Kuya Lewrick!"

Haharang na sana ako para mapigilan si Kuya Lewrick, pero hindi ko namalayan na sa akin na pala ipupukpok 'yon!

Napapikit ako at narinig ko ang isang basag ng bote.

N-Nicholas..

"B-baby... no.." mahinang bulong ko nung tinabi ako sa Nicholas at siya ang napuruhan sa ulo.

He fell then screamed in pain. Nanginginig kong hinawakan ang ulo niya at nakita kong may dugo roon. At patuloy 'yong umaagos.

Oh shit.. no... no!

Naluluha kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at pilit na pinupunasan ang dugo, kahit na alam kong hindi 'yon makakatulong sa pag-agos no'n.

"B-baby! Wake up! D-don't sleep, baby please..." iyak na ako ng iyak at si Kuya Lewrick naman ay tulala sa harap namin. Hindi ko na siya napigilang sigawan. "Fuck you! Kapag may nangyaring masama sa kaniya ay hinding-hindi kita mapapatawad! Sarili mong kapatid, ay sinaktan mo!" sigaw ko at nanatili lang siyang tulala.

Nanginginig ko namang kinuha ang cellphone ni Nicholas sa bulsa niya at tinawagan si Matt.

D-damn... M-Matt, please answer..

"Hello, Nicholas?"

"M-Matt, its me, Betina.. please h-help us right now. D-dito sa t-tapat ng cr.. ground floor.." 'yon lang ang nasabi ko at nanghihinang binababa ko ang phone niya.

Muli akong napatingin kay Nicholas na nawalan na ng malay. Ngayon ko lang din nakita ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa isang kamay ko. Mas lalo akong napahagulgol dahil do'n.

Shit... baby!

"H-hold on.. Nicholas please. 'W-wag kang matutulog.. Baby, you'll be a-alright.. Magpacheck-up pa tayo for baby A-Angela, right?"

Malabo ang mga matang nilibot ko ang tingin ko dito sa may bar para abangan si Matt na dumating na sana agad-agad. Pero talagang kamalas-malasang nandito kami sa dulong bahagi na cr ito, kaya walang nakapansin sa nangyayari.

Napailing ako at pinunasan ang tumatagaktak kong luha. Si Kuya Lewrick naman ay unti-unting napaupo na tila nagsisisi sa ginawa niya.

Hindi ko nalang siya pinansin at hinawakan kong muli ang pisngi ni Nicholas. "Baby.. please wake up. D-don't hurt me please..."

Pakiusap Nicholas, ikaw nalang ang masasandalan ko..

ɴᴏᴛʜɪɴɢ's ɢᴏɴɴᴀ ʜᴜʀᴛ ʏᴏᴜ ʙᴀʙʏ | ᴄɪɢᴀʀᴇᴛᴛᴇs ᴀғᴛᴇʀ sᴇxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon