Prologue

18.8K 288 14
                                    

Tarzan,yan ang tinawag kay Brice Greyson magmula ng bumagsak ang sinasakyan nilang helicopter noong Pebrero 29 1996 sa edad na pito,sa isang masukal na kagubatan.

Magbabyahe ang pamilya upang magpunta sa kanilang resthouse sa Bregen village.Naisipan ng mag asawang mag helicopter upang maging madali ang kanilang byahe.Ngunit sa hindi inaasahang pangyayare ang panahon ay kay bilis nag bago at nagsimula itong maging maulap at mag bagsak ng malakas na ulan.Sa hindi inaasahang pangyayari ay tinamaan ng malakas na kidlat ang kanilang sasakyan at ito ay bumagsak sa malaking kagubatan.

Dahil sa matinding pag bagsak namatay ang mag asawang Greyson na si Lady Aimee at Lord Danny.Pero himala namang nakaligtas ang kanilang anak na si Brice at mag mula sa malisumuot na pangyayareng iyun naka gisnan na ni Brice ang kagubatan.Sya pa ang naging hari sa kalawakan nito at halos lahat ng unggoy at iba pang klase ng hayop ay sumusunod sa kanya.

Nakalimutan ni Brice ang kanyang pinagmulan.At mula sa nakaraan namuhay sya sa kasalukuyan at naniwala na ang kanyang sarili ay isang unggoy na walang balahibo.

SI AIDEN FORTHER ay isang painter na sinubukang tahakin ang isang bagong landas.Noong Pebrero 29, 1996 ay namatay ang kanyang ina sa pag papa nganak sa kanya.At dahil ang ama ang naiwan sa buhay nya,inako nito ang buong obligasyon o tungkulin kahit nag tatrabaho ito sa isang minahan sa Palawan.

Si Aiden ay lubos na pinag hihigpitan ng kanyang amang si Mr.Archi dahil sya nga ang kaisa isang ala-ala ng ina.Pero dahil dito,labis na nasasakal ang binata sa patakaran ng ama.Isa pa sa pagpipilit nitong mag inhenyero sya katulad nito at hindi lamang maging isang pintor.

Kaya nag desisyon syang mag punta sa isang tahimik at maayos na lugar kung saan sya makakatagpo ng kapayapaan.Sa isang kagubatan,balak nyang mag-painting ng mga hayop roon at ng magagandang tanawin.

At sa kakaibang paglalakbay na ito.Dito nya matatagpuan ang isang taong may pitong taong tanda sa kanya.

Dito nya mararanasan ang ibang klase ng pagibig na sa kapwa nya lalake at sa hindi nya inaasahang tao matatagpuan..

Ngunit sa mag kaparehong kasarian at masalimuot na nakaraan,matatagpuan pa kaya nila ang tunay na kaligayahan?

The Heir in the forest (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon