AN; Happy reading guys!
AIDEN
Ang Wildwood Academy ang pinakasikat na paaralan sa buong bansa ng Pilipinas.Ang mga nag aaral rito ay mga studyanteng anak ng mga mayayamang politiko at may ari ng mga sikat na negosyo sa bansa.
Kaya hindi naman nakakapagtaka na ang isa sa may pagasa na tagapag mana ng mga Greyson na si Clayton ay dito din nag aaral.
...At ganun din ang isang Aiden Forther.
Hindi na din kataka taka kung dito din nag aaral ang binata dahil ang kanyang ama ay nag mamay-ari ng minahan sa Compostela Valley at isa nga rin itong Inhenyero.
Kung sa susumahin.Ang binatang si Aiden ay isa din sa mga pinaka mayaman sa bansang Pilipinas.
Hindi naiiba ang binata sa kanyang mga kamag aral.Hindi sya nahuhuli sa kung anong meron ang mga ito,mga mamahaling gamit man yan o sa halaga ng pera.
Kung kayat sa palagay ng binata ay hindi sya pepwedeng kayan kayanin ng isang Clayton Greyson na halos mag hari hari sa kanilang iskwelahan.
Alam ng lahat kung sino ang isang Clayton Greyson.. at kung ano nga ba ang naghihintay sa buhay nito dahil sa isang malaking pamana na maari nitong makuha.
Ngunit kung ang halos lahat ay humahanga at naiinggit dito.
Hindi ang isang Aiden.
"Taga pag mana lamang ang isang iyan,hindi ba Aiden? Bakit ganyan sya umasta? kung sinohin nya dito ang mga kapwa nating studyante parang sya na ang mas nakakataas." Isang kumento ang narinig nya kay Augosti ang malapit nyang kaibigan,habang kapwa nila pinagmamasdan ang walang hiyang pambubully ni Clayton sa isa nilang ka eskwela.
Sa ipinapakita ni Clayton wala talaga itong karapatan tumanggap ng isang malaking pamana mula sa mga yumaong tyuhin nito.Ngayon palang may pag-aalala na si Aiden,sa mga mangyayari kung ang binatang sakim na ito ang maghahawak ng kumpanya sa susunod na henerasyon.
Bigla nalang tuloy sumagi sa kanyang isipan ang batang anak ng mag asawang Greyson.Kung buhay lamang ito,marahil hindi ganto ang sitwasyon ngayon.
"Huwag mo nalang pansinin ang taong ganyan Augosti,sa mga kagaya nya'y walang karapatang tumanggap ng yaman ng mga Greyson,masyado syang nagmamataas...mayabang at baka dikalaunan maging sakim,lalo na pagdating sa pera" sagot nya nalang sa kaibigan.
Walang pakelam si Aiden kung ano na nga bang gustong gawin ni Clayton sa buhay nito.Kung kayat nagtuloy na lamang ang dalawa sa pag lakad papasok sa eskwelahan.Subalit,ang lokong binatang si Clayton ay napatingin sa gawi nila.
Saglit silang nagkatitigan at sa pagkakataon nayun,alam na ni Aiden ang gusto nitong simulan.
May ngisi sa labi ni Clayton nang nag simula itong kumilos patungo sa gawi nila,naramdaman pang hinawakan ni Augosti ang kaliwang braso nya at nagyayaya na itong bilisan ang kanilang lakad.Kagaya rin kase ng lahat ang binatang si Augosti ay takot din kay Clayton pero hindi kagaya ni Aiden na kayang harapin ang isang tarantadong tulad ng binata.
"Anong tinitingin tingin nyo? Pinag uusapan nyo nanaman ba ako katulad ng iba?" Agad na tanong nito nang makalapit sa kanilang dalawa.Hindi na nilang magawang makaalis dahil hindi talaga ito ang binabalak ni Aiden.
May kung ano sa loob nya na gustong harapin si Clayton.
"Sa mga ginagawa mo Clayton,paguusapan ka talaga ng lahat" sagot ni Aiden kapagkuwan ay napatingin sa istudyanteng kanina lamang ay pinagti-tripan nila Clayton.
"Sino kaba sa tingin mo upang gawin mo yan sa mga kapwa studyante natin dito? Isa ka lang namang tagapag mana ng naiwang yaman pero kung umasta ka ay parang mas nakakataas kapa sa lahat"
BINABASA MO ANG
The Heir in the forest (BOOK 1)
Любовные романыNagtagpo ang dalawang binata sa masukal na kagubatan.Ang binatang nagngangalang Tarzan,at ang City boy na may pangalang Aiden. Sa magkaibang mundong ginagalawan,pagiisahin sila ng init ng kanilang katawan. Paano kaya nila matatakasan ang makamundong...