CHAPTER 5

5.7K 155 9
                                    

AN; SPG ALERT!!!

AIDEN

Makalipas ang isang linggo ay nagdesisyon ng pumunta ng Allustrea Island sina Aiden kasama ang ama at ang mga ka negosyo nito.sa proyekto.Sa umagang iyun ay nagtatalo pa ang isipan at puso ni Aiden tungkol sa pag didisesyon kung sasama nga ba sya sa bakasyon na iyun,hindi man kasi sya pinipilit ngunit alam nyang inaasahan din sya ng ama.

Gumising syang mabigat ang pakiramdam,kinakabahan at kinukutuban.Ang pakiramdam na ito ay lalong nag papagulo ng kanyang isipan,tinatanong ang sarili kung bakit nga ba ganto ang kanyang nararamdaman.

Biglang sumagi sa kanyang isip ang sinapit ng mag asawang Greyzson.Ang tanging pinag tataka nya lamang ay bakit bigla nalamang sumagi sa isip nya ang lumang kweno ng magasawang iyun.

Masasabe nya namang hindi sya lubos na interesado sa kwento,kung kayat ganun nalang ang pagtataka kung bakit bigla nalamang sumasagi sa isip ang lumang kwento ng isla.

Hindi sya pinatulog ng bagay na iyun at dahil sa masamang pakiramdam nya ay mag didesisyon sana syang hindi na lamang sumama.

Subalit sa umagang ding iyun,bigla nalamang humangin ng malakas sa labas ng binta at hinawi nito ang makapal na kurtina sa kanyang silid.Dahil dun ay nagbigay ito ng liwanag sa buong silid dala ng umaga sa labas.

Hinangin ang ilang mga magagaan na gamit sa kanyang lamesa at ang hanging din na iyun ay nagbigay ng kakaibang lamig sa kanyang katawan.Kapagkuwan wala sa kamalayang napatitig sa human painting sa kanyang harap,dahil nga sa liwanag sa labas ay tinamaan ito ng sinag at parang nagbibigay ito ng sagot.

Kakaiba man ngunit tumayo sya sa kama at bumaba sa salas kung saan nag hahanda na ng gamit na dadalhin si Nana kasama ang kanyang ama.

Nagulat ang mga ito sa kanyang pagdating,halata ang pagtataka ngunit hindi na sya nag salita pa.

"Sasama ako sa Allustrea Island" ani nya."Sasama po ako dun ama"

ANG AMA ni Clayton ang nag handa ng yateng gagamitin upang lakbayin ang dagat papuntang Allustrea,ang buo nilang kasalo sa proyekto ay duon sumakay at ang pamilya nito.Kasama na sina Aiden.

Sandali nyang pinagmasdan ang yate at ang mga sumasakay dito.Matatagpuan na nya ang sagot na kahit hindi nya man hanapin ay parang gusto itong ibigay sa kanya.Ano bang hiwaga ang mayroon ang isla? Ano bang mga sagot ang pwede nyang makuha? Bakit nga ba may iba syang pakiramdam sa islang iyun.

At bakit may palagian syang tanong mula rito.

Nasa kalagitnaan si Aiden ng pagiisip nang biglang may nagsalita sa likod nya,si Clayton."Magandang umaga,may ladyboy" masigla nitong bati,agad namang nagpintig ang tenga sa sinabe nito kung kayat nilingon nya  ito at sinamaan ng tingin.

Sa tuwina ay may palagian ngiti sa kanya ang binata,na hindi nya pinapansin.Sa halip inunahan nya nalang ito sa paglalakad.

"Sandali, ano namang nag pabago ng isip mo? Bakit ka sumama dito?" tanong nito sa kanya.

"Wala ka ng pakialam dun Clayton,at hindi ikaw ang dahilan ok" sagot nya.

"Dahil nandito kana man na,ipapasyal kita sa buong Allustrea.Alam kong madameng magagandang tanawin ang islang iyun kahit na Abandunado ito."

Napakunot ang kanyang noo "wag ka ng mag abala pa,hindi ako sasama sayo.Baka nakakalimutan mong wala akong tiwala sayo...at isa pa,hindi tayo magkaibigan"

"Ouch! Grabe kanaman, hindi mo na bako mapapatawad? Wala ka namang ebidensyang kasama ako sa raped case mo ah"

Dahil sa narinig,nagdilim ang kanyang paningin sa binata."Wala akong ebidensya oo,pero alam kong kasama ka sa mga gagung gumawa sakin nun.At oo tama ka,hinding hindi kita mapapatawad kaya wag mo na akong abalahin pa sa mga pasyalan sa Allustrea,dahil baka nakakalimutan mong maraming mababangis na hayup roon at baka ipakain pa kita"

The Heir in the forest (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon