AIDEN
Halos anim na oras rin ang nilakbay ng Yate na sinasakyan nila Aiden bago marating ang isla ng Allustrea.Hindi naman sya nakaramdam ng pagod dahil nalibang nya ang sarili sa pagguhit at pagpipinta,ayun lamang ay sinira nanaman ni Clayton ang araw nya.
Kaninang umaga kase ay napansin nyang tila pinagmamasdan sya nito sa taas ng balkonahe ng yate.Matatalim ang titig ng binata at parang may binabalak na kung ano,kayat ng mapansin nya ito ay umalis na lamang sya at pumunta ng kuwarto upang ituloy ang ipinipinta na larawan.
Ilang sandali lang ay lumapag na ang barko sa maputing buhangin ng isla.
At ang Allustrea Island na ata ang isa sa mga pinakamagandang lugar na nakita ni Aiden sa buong buhay nya.Marame na syang napuntahang bansa kung tutuosin,at hindi nya din namang maitatangging magaganda talaga ang mga iito.
Ngunit sa kanyang palagay kakaiba ang Allustrea,masasabe mo talagang virgin Island ang islang ito dahil makikita mo din ang katiwasayan ng lugar at ang malinaw na tubig ng pangpang.Ang maputi nitong buhangin ay nag papadagdag ng kinang ng isla.Makikita dito ang nagtataasang puno malalaking bundok,ang isla na ito ay lubos na pinag pala dahil nasisiguro si Aiden na malayang nabubuhay ang mga hayup na nakatira dito.
Ang islang ito ay hindi pa napupuntahan ng mga tao bukod sa mag asawang Greyzson magmula nang mangyari ang trahedya.Dahil nga sa balitang kumalat nuon ay wala ng nagbalak pang magtungo sa islang ito.Kaya ganto nalamang kaabandunado ang isla.
Ang lahat ng mga negosyasyanteng kasama nila ay nag tayo na ng kani kanilang tent na tutulugan.Nag tayo narin sila ng community open forum sa gitna kung saan mayroong apoy at mga upuaan upang doon mag tipon tipon ang lahat sa gabi.
Ang lahat ay nasa ayos na at marahil busy narin dahil sa munti nilang pinag paplanuhang negosyo,hindi naman na maintindihan ni Aiden ang pinag uusapan ng lahat dahil tungkol lahat ito sa negosyo.
At dahil dito,wala syang mapagkaabalahan.Nainip sya.sa tent na kanilang tinutuluyan kayat nag pasya syang lumabas.Dinala nya ang puting papel at lapis at nag babasakaling makakita sta ng magandang tanawin o hayp na pwedeng iguhit at ipinta upang matanggal ang pag kainip sa lugar na ito.
Mabuti nalamang at nalilibang si Nana sa kanyang mga gawain kung kayat hindi na nito napansing kanyang pag alis.
Paglabas ni Aiden ay agad syang nag madali upang makalayo sa mga tao.Naghanap sya ng pinakamalapit na lugar kung saan makakahanap sya ng magandang tanawin upang maiguhit.
Walang kamalay malay si Aiden,na sa simpleng kapilyuhan na pagtakas ay ito na pala ang simula ng pagbabago ng kanyang buhay.
Habang nalilibang sa mga nadadaanang tanawin,nararamdaman na nya ang lamig ng hangin at tila nakakabinging katahimikan ng lugar.Ibig sabihin,napapalayo na sya sa ingay ng mga kasama.
Nararamdaman nya ang malambot na buhangin sa kanya mga paa at kita sa mga puno sa paligid na masigla itong nasisinagan ng umaga.Sobrang kay ganda.Hindi na ata napansin ni Aiden medyo malayo na sya dahil nalilibang sya sa pagmamasid sa mga magagandang tanawin.
Nasa kalagitnaan sya ng konsentrasyon sa paligid nag may marinig syang nag salita sa mula sa kanyang likod.
"Tinakasan mo ba ang ingay ng mundo? Pilyong bata huh" Nilingon nya kung sino ang nag salita,ganun nalamang nagbago ang mood nya dahil si mula pala ito kay Clayton.
"Tinakasan kita" wala ganang sagot nya,habang patuloy sa paglakad.
"Sakit naman,buti sanay na ako.Hindi kaba naboboring?" Tanong nito sa kanya.
Sinasabayan na sya nito sa paglalakad.
"Naboboring,kaya nga nag lalakad lakad ako hindi ba? Wag kang umasa na ikaw lang ang option dito sa lugar nato para kausapin kita.Ayaw nga kitang makasama diba?"
BINABASA MO ANG
The Heir in the forest (BOOK 1)
RomansaNagtagpo ang dalawang binata sa masukal na kagubatan.Ang binatang nagngangalang Tarzan,at ang City boy na may pangalang Aiden. Sa magkaibang mundong ginagalawan,pagiisahin sila ng init ng kanilang katawan. Paano kaya nila matatakasan ang makamundong...