CHAPTER 14

4.8K 142 7
                                    


Walang magawa si Aiden ng hilahin sya ni Clayton paakyat sa kabundukan.

Doble ang lakas ng binata sa kanya kung kayat wala itong lakas upang lumaban.Sa tingin ni Aiden,hahanapin ni Clayton si Tarzan kasama sya.

Mukhang gagamitin sya upang maging kahinaan ng binata.Matalino si Clayton,ipakita nya lang na nanganganib si Aiden.Gagawin ni Tarzan ang lahat to para mailigtas sya.

"C-Clayton bitawan mo na ako!,bakit hindi mo nalang ba hayaang makalaya si Tarzan?" Saad ni Aiden habang hila nito ang braso sa kamay ni Clayton "Kilala ko si Tarzan,gusto na nyang makabalik sa dating buhay nya.Gusto na nyang mabuhay muli ng normal"

Napatawa nalamang si Clayton "Hindi ako tanga upang bigyan ng pangalawang pagkakataon ang taong sisira sa mga pangarap ko.Tatapusin ko sya dahil magiging hadlang sya sa akin"

"Alam mong sya ang totoong tagapagmana ng yaman ng mga Greyzson" Diin nitong sagot "at ikaw,pekeng taga mana na nang aakin lamang ng lahat"

Sadya sigurong nagdilim ang paningin ni Clayton dahil sa sinabi ni Aiden.Naitulak nya ito pahiga sa maduming lupa na kanilang tinatapakan.

Tama si Aiden,pilit pinapamukha sa kanya na mawawala ang lahat sa oras na bumalik ang tunay na tagapagmana.

"Walang makakapigil sa mga plano ko! Lalo lalong na ang Brice nayan." Dinuro nito si Aiden. "Ikaw! unat huli palang ay kasalanan mo na" nagulat pa ang binata ng sisihin pa sya ni Clayton.

"Kung hindi mo sana nakilala ang taong unggoy nayun,at hindi mo sya minahal.Edi sana pwede tayong dalawa,edi sana hindi na matatagpuan si Brice na sisira sa akin." Lumapit ito sa nakahigang si Aiden.Kinapitan nito ang pisngi ng binata at pilit iniharap sa kanya.

"Edi sana....akin ka.Edi sana saakin ka luluhod upang paligayahin ako.Edi sana ako ang may karapatang pumasok dyang sa pagkatao mo! at sana akin ang buong yaman ng angkan namin!"

Nangmarinig ni Aiden ang sinabe ni Clayton.Itinulak na nya ito palayo sa kanya.Nanayo ang kanyang mga balahibo dahil sa kalaswaang pangiinsulto sa kanya ng binata.

Takot ang namutawi sa kanyang katawan.

Bumangon lamang sa pagkakatumba si Clayton.Pinunasan ang nadumihan nitong mukha.

Humarap ito sa gawi ni Aiden at dahan dahang lumapit.Mainit sya nitong tinitigan,kita sa mga mata nito ang puno ng pagnanasa.

Galit at paghihiganti.

Bahagya na lamang napaatras si Aiden sa takot na naramdaman.Ano mang oras at kung ano mang masamang balak sa kanya ay walang syang laban at magagawa.

Mas lalo lang syang kinabahan ng maghubad na ng damit ang binata.

"C-Clayton pakiusap...huwag mong gawin sakin to,maawa ka.." Pakiusap ni Aiden na nararamdaman na ang pagmumugtong ng mata.

Walang nilabas na kahit isang salita ang binata.Walang ekspresyon itong nakatingin kay Aiden,tanda na wala na itong pakialam sa sinasabe ng binata.

Ilang pulgada nalamang ang lapit nila sa isat isa.Bigla nitong hinawakan si Aiden sa braso,kapagkuwan sinunggaban nya ito ng walang habas na halik.Kahit na magpumiglas pa si Aiden,tila wala itong naririnig na pagmamakaawa.

"Clayton pleas!...Bitawan mo ako! Bitawan mo ako!!!"

HABOL HININGA si Tarzan nang magising ito,papasibol na ang umaga.Namalayan nyang nasa isang mataas na puno sya nakahiga sa makapal na sanga.

Masama ang kanyang panaginip,ukol ito sa mga kalahi nya na nakakulong sa isang matigas na rehas.Pinaglalaruan o di kayay ipinamimili sa mga taong may hawak na pera.

The Heir in the forest (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon