Madilim na kaulapan ang bumalot sa kabuohan ng isla.Malalaking patak ng ulan kulog at kidlat na parang tila may bagyo sa buong kalupaan at kagubatang iyun.
Kasabay ng kadiliman ng gabi,kalungkutan ng ulan ang nakikiramay ngayon sa binatang si Tarzan.Hindi nito alintana ang bagyong bumabayo sa kanya sa pagakyat sa bundok at pagsuob sa kagubatan,dito sya sanay.
Malakas man ang pisikal na pangangatawan,mahina naman ang kanyang puso.Sariwa parin sa isipan ng binata ang sakit sa dibdib na kanyang naranasan.Hindi nya malilimutan ang oras ng dapit hapon na iyun.Kasabay ng paglubog ng araw,ang pag lubog at pag laho ng kanilang pag mamahalan.
Ngayon,kasabay ng malakas na ulan kulog at kidlat, dinadamayan sya ng mga ito sa kalungkutan.Ito siguro ngayon ang maituturing nyang mga kaibigan.
Walang pakialam si Tarzan sa mata ng kagubatan.Lumaki sya dito na halos hubo ang buo nyang katawan.Kaya ngayon,tinapon nya ang mga damit.Kung saan muli syang nagsuot ng balat ng dahon ng saging at umakyat muli sa matayog na puno.
Muli nyang naramdaman na sya si Tarzan at hindi ang sinasabi nilang Brice Greyzson.Masaya sya sa pagiging ganto at ito naman talaga ang totoong sya noon pa.
Masaya syang nag tatampisaw sa malakas na ulan habang nasa ibabaw ng puno.Pero masaya nga ba sya? O sadyang nililibang lamang ang sarili maiwasan lang ang sakit na nararamdaman.
"Ano nga ba ang naidudulot ng pagmamahal?" Tanong nito sa sarili."Ito bang sakit! Ito bang sakit sa puso ang sinasabing pagmamahal?!" Sigaw pa nya at dinuro pa ang kanyang dibdib.
Hindi na nya siguro kaya,umakap ito sa malaking sanga at humagulgol ng iyak dito "Mahal ko sya...mahal ko si Aiden ina" sa saglit na pagkakataong ito nabanggit nya ang butihing ina.
Mas lalo lang syang nahirapan sa pagpili kung saan nga ba sya tunay na liligay.
"Ina...tulungan nyo ho ako" saad ng binata "Mahal ko po si Aiden ngunit mahal ko rin po kayo.Hindi ko na po alam kung anong magpapasaya saakin--"
"Sundin mo ang iyong puso anak..." napabalikwas si Tarzan sa kanyang pwesto at agad na napatingin sa pinanggalingan ng boses.Kasabay ng kislap ng kidlat,ang pagtama ng liwanag sa mukha ng kanyang inang si Kala.
Nakaramdam ng kasiyahan ang munting binata,matibay ang kanilang pagkakakapit sa puno kung kayat nagawa nya pang mapayakap dito."Bumaba na tayo anak ko.." Aya ng ina.
"Hindi magandang nalulugmok ka sa kalagitnaan ng bagyo mahal kong anak" suhestyon ng ina pagkalapag nila sa lupa.Tuloy parin sa pagbayo ang malakas na bagyo.
Ngunit bahagya na itong humina.
"Ano pong ginagawa nyo rito?" Tanong ni Tarzan.
"Lagi kitang binabantayan anak,kahit sa malayo nakatingin ako sa iyo"
"Kahit po bumabagyo aking ina? Handa nyo akong damayan."
Hinawakan ni Kala ang pisngi ng anak,giliw na giliw sya rito "oo anak,umulan man o bumagyo.Ganyan ang pagmamahal ng ina,hindi ka pababayaan"
Bumuntong hininga ng malalim si Tarzan bago muling niyakap ang ina "Nasasaktan po ako aking ina..." saglit syang bumitaw dito at itinuro ang bandang puso nya.
"Masakit po dito..."
Nagpakita lamang ng kaawaan ang ina sa kanyang anak na si Tarzan bago nya ito payuhan "Nararapat lamang na piliin mo kung saan ka magiging masaya anak...ang pag mamahal ay walang pinipili.Pwede mo parin akong mahalin kahit nasa malayo ka."
Bahagyang kumunot ang noo ni Tarzan dahil sa sinabi ng ina.Mukhang hindi nya ito naiintindihan "A-alam nyo po ang tungkol sa pag lisan ko?" Tanong ng binata.
BINABASA MO ANG
The Heir in the forest (BOOK 1)
RomanceNagtagpo ang dalawang binata sa masukal na kagubatan.Ang binatang nagngangalang Tarzan,at ang City boy na may pangalang Aiden. Sa magkaibang mundong ginagalawan,pagiisahin sila ng init ng kanilang katawan. Paano kaya nila matatakasan ang makamundong...