AN; Happy reading guys!
AIDEN
Masakit pa ang ulo at tiyan ni Aiden nang maalimpungatan ito,inikot nya ang paningin sa paligid.Pamilyar na ang lugar,mukhang nasa sarili na syang silid ngayon.
Pero paano nga ba napunta ang binata rito? Bigla nalang sumagi sa kanyang isipan ang mga nangyare sa loob ng locker room,nakaramdam sya ng awa sa sarili kapagkuwan,kung kayat bigla nalang pumapatak ang luha sa mga mata.
Naisip ni Aiden kahit gaano pa sya katapang ay hindi lamang sapat iyun,may tao talagang mas malakas pa sa kanya at hindi nya ito kakayanin.
Lumaban naman sya upang maipagtanggol ang sarili.Ngunit may mga tao talagang mas malakas sa kanya.
Sumagi sa kanyang isip ang mga kaibigan ni Clayton at isa lamang ang naramdaman ni Aiden sa mga ito.Walang hiya ang mga taong iyun.
Hindi man sa ngayon ngunit nakasisigurado ang binata na makakagante sya mga ito.Sisingilin nya ang mga taong lumapastangan sa kanyang pagkatao.
Sa isang banda,alam nyang si Clayton ang punot dulo ng lahat ng ito.At kapag naalala nya ang binata ay lalo lang nananaig ang galit sa kanyang puso.
Alam ni Aiden na nanduduon sa silid si Clayton pinapanood syang babuyin ng mga kaibigan nito.Hindi sya tanga dahil alam nyang ang binata ang nagutos na babuyin sya ng mga taong iyun.
Naiimahe ni Aiden sa kanyang utak kung paano tumawa ang binata sa nakikitang paghihirap nya.Paano nga ba humantong sa ganon ang lahat.
Ang kasalanan nya lamang ay ang isang malakas na sampal na kailangan din ng binata upang magising ito sa malaking kahibangan.
Ngunit hindi nya akalain na kayang sumira ni Clayton ng pagkatao ng isang tao para lamang makagante sa nangyari.Ngayon tuluyan nang napatunayan ang totoong pagkasutil at kawalang hiya na paguugali nito.
Iitinatak ni Aiden na kahit kailan ay hindi sya pauubra sa binata.Malakas man pangangatawan ng bruskong si Clayton.Alam nya makakaganti sya sa ibang paraan.
Ang pamilya ng mga Greyzson at nila Aiden ay malapit na mag ka negosyo noon pa man.At kung sakaling mangyare ang mga gantong bagay katulad nalang ng kalokohan ni Clayton.
Alam nyang handang magbitiw ang kanyang ama at putolin ang lahat ng koneksyon sa kanilang negosyo sa pamilya ng mga Greyzson.
Nasisiguro si Aiden na mananaig padin ang pagmamahal ng ama sa kanya.Pipiliin sya nito kumpara sa mga negosyo lang nito.Dahil umaasa si Aiden na mahal sya ng ama,at hindi ito makakapayag na may mangyaring masama sa kanya.
Nasa gitna pa ng malalim na pag iisip si Aiden ng pumasok si Nana sa kanyng silid,agad naman nyang pinunasan ang mga luha ko mata at inayos ang sarili.
Katulad ng dati,nababasa ni Aiden sa mukha ng matanda ang sobra nitong pag aalala."Anak alam kong natatakot ka" saad ng matanda kapagkuwan umupo ito sa gilid ng kama "kaya sige umiyak kana,ilabas mo nayang sama ng loob mo"
Ito lang naman ang kailangan ni Aiden,isang taong may simpatsya sa nangyari sa kanya.Ang maramdaman nyang may tao na laging nandyan sa tabi nya.
Kung kayat gusto man nyang pigilan ang pagpatak ng mga luha ay hindi na nya ito nagawa,yumakap nalamang sya sa kanyang Nana at hinayaang umagos ang mga luha nito.
Ang matanda lang talaga ang taong kayang mag palabas ng totoong damdamin ni Aiden.Simula kase ng itrato sya ng Ama na parang wala syang kwento.Tinanim na sa pusot isip ng binata na hindi sya iiyak sa ibang tao,magiging matapang sya.Ngunit heto si Nana,ang taong nagpapalambot ng puso nyang bato.
BINABASA MO ANG
The Heir in the forest (BOOK 1)
RomantiekNagtagpo ang dalawang binata sa masukal na kagubatan.Ang binatang nagngangalang Tarzan,at ang City boy na may pangalang Aiden. Sa magkaibang mundong ginagalawan,pagiisahin sila ng init ng kanilang katawan. Paano kaya nila matatakasan ang makamundong...