Prologue

65 6 0
                                    

“Your'e under arrest, Leianne Fei Salvador. Sa simbahan ka na lang magpaliwanag.”

“Asa ka! Hindi kita trip!” pagmamaldita pa ng dalaga.

“Okay fine--” nagsimula nang talikuran ng binata ang dalaga na unti-unti namang nataranta. “Putek! Teka lang, nagbibiro lang naman ako eh. Sumuko ka agad bwiset ka talaga!” lumapit anf dalaga at ginawaran ang lalaki ng malakas na batok.

“Tsk. Hindi ka man lang nagpakipot ng konti,” pinitik ng binata ang noo ng dalaga.

Labis ang saya ng mga puso ng dalawang taong nagmamahalan ng may biglang sunod-sunod na putok ang kanilang narinig.


Bigla na lang natumba ang binata at agad naman itong dinaluhan ng kaniyang kasintahan.

“Ezekiel, huwag kang pipikit magpapakasal pa tayo.” hindi na napigilan ng dalaga ang mapaluha sa mga nangyayari.

“Huwag ka ngang umiyak mas pumapangit ka.” nahihirapan man ay pinilit pang magsalita ng binata. Inubo ito at may lumabas na rin na dugo sa bibig nito. Agad namang nataranta ang dalaga sa nakita niyang dugong lumabas sa bibig ng minamahal.


“Tulong, tulungan niyo kami!”

Labis ang kalungkutang at kabang nararamdaman ng dalaga. Para sa dalaga ito na ang pinakamahabang araw para sa kanila ng binata. Ito rin ang araw na pinaka-iiwasan niyang mangyari.










--------

Hello! Ako'y muling nagbabalik handog ang bagong istorya na bibihag sa inyong mga puso. Char

Enjoy reading.


Nagmamahal
-Jangmi

CaptivatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon