Chapter 1: Salvador
May isang simpleng dalaga ang nagtatrabaho sa isang maliit at hindi kilalang coffee shop.
At ang babaeng 'yon ay walang iba kundi ako. Kasalukuyan akong nagpupunas ng lamesa dahil sa duming iniwan ng nag-iisa naming customer.
“Tanggal ka na sa trabaho, Salvador!”umalingawngaw sa buong shop ang boses ng braguda kong amo. Ano nanaman kayang pakana nito!
“Ano nanaman trip mo madame braguds!” nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa pagkabigla.
Bahagya na lang akong ngumiti dahil sa takot sa itsura nitong kaharap ko. Sobrang luwa ng mata, parang matatanggal na yung eyeballs niya. Sobrang laki pa ng butas ng ilong, baka magkasiya na ako kapag sininghot niya ako.
“Anong sabi mo?” hahampasin niya na sana ako ng matataba niyang braso ng agaran akong umiwas dahilan para tumama ang kamay niya sa lamesa.
“Hoy! Braguds hindi mo ako pwedeng saktan! I quit, ayoko na ditong magtrabaho sa coffee shop mong wala namang customer!” marahas kong tinanggal ang aipron at hinagis kay Miss Braguda.
Maswerte na nga siya at pinagtiisan kong magtrabaho sa kaniya kahit na mababa lang ang bayad at all around ang trabaho ko.
“Bingi ka ba, Leianne! Kanina ka pa tanggal.” halos umusok na ang ilong niya na mas ikinatuwa ko.
“Nye! Kwento mo sa pagong!” pang-aasar ko pa na mas kinagalit ni Braguds.
Nang makita kong kumuha na siya ng bagay na maibabato ay kumaripas na ako ng takbo palabas. Lintek! Baka ang ibato sa akin ay lamesa.
Sobrang bilis ng takbo ko, mapagkakamalan na nga akong magnanakaw.
Takbo lang ako nang takbo ng bigla akong natumba.
Aishhh! Ang shunga naman nitong nakabanga ko, kita naman na nagmamadali yung tao!
Napahawak na lang ako sa aking balakang, napalakas kasi ang pagkatumba ko. Ang lakas kasi ng impact ng bungguan namin dalawa.
Patayo pa lang sana ako para harapin ang walang modo kong nakabanga. Hindi man lang nagawang magsorry.
Nang malapit na akong makatayo ay muli akong napaupo dahil binato lang naman sa mukha ko ang isang itim na bag.
Amputs! Wala talagang modo!
Napahawak na ako sa ilong kong tinamaan. Mabuti na lang hindi ako napango, kundi yari talaga siya sa'kin.
Nang iangat ko ang aking tingin ay tumambad sa akin ang isang lalaking naka all black. Napalayo pa ito sa aking pwesto, natakot ata sa tingin ko. Tumayo na ako at hinanda ang sarili para gumanti at batuhin rin siya ng bag.
Napakunot na lang ang noo ko ng nataranta siyang tumakbo. Bumwelo na ako at marahas kong inihagis ang bag. Nakakainis nga lang at nasalo niya ang bag at mabilis na kumaripas ng takbo.
Aalis na sana ako ng bigla na lang akong pinosasan.
“Bakit niyo ko pinoposasan!” nagtataka kong saad.
Nakakagulat ba naman na bigla ka na lang poposasan ng mga pulis. Samantalang yung isang pulis ay tumakbo sa direksyon kung saan tumakbo yung lalaking bumato sa akin ng bag. Dinemanda kaya ako ni Braguda? Ano naman ikakaso niya? Wala naman akong ginawa ha! Malalagot talaga sa akin yang braguda na 'yan kapag may kinalaman siya dito.
“Tumahimik ka miss sa presinto ka na lang magpaliwanag.” saad ng pulis na hindi ko masyadong maaninagan ang mukha dahil naka suot ito ng cap.
“Si Braguda ba ang nagsabing ikulong ako? Aish! Baliw na talaga yung babaeng yun!” paghihiysterical ko na ikinagalit nitong pulis.
“Ako ba ang sinasabihan mong Braguda?” sigaw niya dahilan para tumalsik ang laway niya sa aking mukha. Napakunot ang noo ko ng may sumulpot sa gilid ko na isang matandang babae na medyo may katandaan na.
“Sino naman kayo?”
“Ako lang naman--” Sisigaw nanaman siya kahit ang lapit-lapit ko lang kaya inunahan ko na siya. “Hep! Huwag niyo nga akong sigawan ang lapit-lapit ko lang eh at tumatalsik ang laway niyo sa aking mukha.” napairap na lang ako. Abuh! Nakakadiri kaya yung laway niyang hindi naman mabango!
“Aba't! Sumasagot ka pa talaga, bastos na bata!” napapikit naman ako ng akma niya akong sampalin.
Ilang minuto o segundo na rin ata akong nakapikit ngunit wala naman dumamping palad sa aking mukha. Napagpasiyahan ko na idilat ang aking mata at nakita kong hawak nitong pulis ang kamay ng ginang.
“Bitawan mo ako officer!” pagalit na saad pa nito sa pulis na hindi pa rin binitawan ang kamay ng ginang.
“Gusto niyo rin ho bang makulong, Ma'am?” malamig na saad ng pulis.
Nice! Ilayo mo 'yan sa akin at baka mapuno ng laway ang buo kong mukha.Lumambot na ang ekspresyon ng mukha ng ginang kaya pinakawalan na ng pulis ang kanyang braso.
“Pasensiya na ho officer! Inuubos kasi nitong babaeng 'to ang pasensiya ko.” sinulyapan niya pa ako at sinamaan ng tingin.
Napairap na lang ako at sobrang naiinip na dahil hindi naman kami umaalis sa pwesto.
“Saan niyo ho ba ako dadalhin?” pang-uusisa ko sa pulis.
Hindi man lang ako nito pinansin at palingon-lingon sa paligid. Abuh! Supladong pulis na makisig!
Anong makisig? Masungit kamo!
Hindi na lang ako nagsalita pa kaso paepal talaga yung ale.
“Nasaan na yung kasama mo?Aminin mo na kasi!” paninigaw nanaman niya.
Hala siya! Siraulo ba'to at may nakikitang kasama ko na hindi ko nakikita. I'm so scared!
“Sinong kasama ang pinagsasabi niyo?”
Hindi niya na nasagot ang tanong ko ng nakabalik na ang isang pulis at bitbit yung lalaking nambato sa akin ng bag sa mukha.
Huli ka! Yari ka sa akin mamaya!
“Woahh! Napagod ako kakahabol sa lalaking 'to! Sobrang bilis tumakbo.” habol hininga habang nakahawak pa siya sa kanyang tuhod.
Ang gwapo naman nitong pulis na'to! Yummy!
“Tara na sa headquarters, Inspector!” hinila niya na yung lalaki patungo sa dalawang nakaparadang patrol sa hindi kalayuan.
“Ma'am sumama na rin ho kayo para makapagbigay ng statement at demanda.” baling nitong pulis na naka cap sa aleng epal.
Ilang sandali lang din ay naramdaman ko ang pagdampi ng kanyang palad sa aking balat. Lintek! May kuryente akong naramdaman. Kinuryente niya ba ako!
Magtatanong pa sana ako kaya lang baka masayang lang ang laway ko.
Isinakay na ako sa isang patrol dahil ang naunang patrol ay nakaalis na. Sumakay na rin ang ginang sa harapan at ako sa likuran.
Abuh! Feeling ko mayaman ako at may driver. Hakhakhak
Nakaramdam naman ako ng pagod kaya umidlip muna ako sandali. Napagod kaya akong maglinis kanina.
Itutuloy...
-----Hoyhoyhoyyyy mga mars, mga pars! Sana suportahan niyo rin itong pangalawa kong police story. Basahin niyo na rin yung mga iba ko pang stories.
Ms. Officer on Duty (Police Story)
Sinner( about 7 deadly sins)
His Sweetest Lie
DreamsVote, comment and share.
Nagmamahal
-Jangmi
BINABASA MO ANG
Captivated
AksiIsang matikas at mahusay na Police Officer si Ezekiel Finn Dela Vega. Nagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy at magtatatlong taon na rin siya sa pagpupulis. Binansagang James Bond ng mga kasamahan dahil sa husay nito sa trabaho...