Chapter 2: Accusations
Naalipungatan ako ng makarinig ako ng tawanan ng dalawang lalaki.
“Inspector, nagnakaw ba talaga yan? Hindi naman siya mukhang magnanakaw.”
“Tumigil ka, Corpuz! Wala sa panlabas na anyo mo masasabi kung magnanakaw ang isang tao.”
“Easy lang, Inspector!”
Sino naman 'tong mga ulupong na'to!
“Ang ingay niyo naman natutulog ang tao.”
Mag-iinat sana ako kaya lang parang hindi ko maigalaw ang mga kamay ko iminulat ko na ang aking mata.
“Bakit ako naka posas?” malakas na saad ko na umagaw sa atensyon ng dalawang tao sa harap ng sasakyan.
Lintek! anong ginagawa ko dito sa pulis patrol!
“Tumahimik ka nga, Miss! Sa loob ka na lang magpaliwanag.” saad ng lalaking may suot na cap.
Napairap na lang ako ng lumabas na siya ng hindi man lang binubuksan yung pintuan. Mabuti na lang at hindi pa umaalis itong isa at inalalayan pa ako para makalabas.
Nang makapasok kami sa loob ng presinto ay agad kong iginala ang aking paningin. Hindi ko naman nakita ang bakas ni Braguda kaya nakahinga ako ng maluwag.
Bakit ba nila ako dinala dito? Kung hindi naman pala si Braguda ang dahilan.
“Bakit ba ako nandito?” pang-uusisa ko sa pulis na katabi ko.
“Naku! Ayan ba ang bagong modus ngayon, yung nagkukunwaring walang alam?” nakangiti siya na animo'y mang-asar.
“Huh? Sinasabi mo?” napakunot na lang ang aking noo dahil sobra akong clueless sa nangyayari.
“Haynaku! Maganda ka pa naman sana. Puntahan na lang natin si Inspector at malalaman mo kung bakit ka nandito.” napakamot na lang siya sa kaniyang ulo.
Nagulat ako ng tumigil kami sa lamesa kung nasaan yung matandang babaeng masungit at yung lalaking nambato sa akin ng bag. Nang makita ko yung lalaki ay agad uminit ang ulo ko.
“Hoy ikaw! Peste ka bakit mo ako binato ng bag.” agad akong lumapit sa kanya at agad ko siyang hinampas. Sisipain ko pa sana ito ng pigilan ako nito isang pulis.
Napatingin naman ako sa isang pulis na nakacap ng marahas niyang hampasin ang lamesa. Hinubad niya ang kanyang sumbrero dahilan para masilayan ko ang buo niyang mukha. Para naman akong natuod sa pwesto ko, sobrang gwapo ng nilalang na nasa harap ko.
Bumalik lang ako sa realidad ng binulungan ako nitong isa pang pulis na maupo.
“Maupo kana, hindi ka matutwa kapag mas nagalit pa si Inspector.”
Naupo na lang ako at masama kong tinignan yung lalaking nakaposas din katulad ko. Nagawi naman ang tingin ko sa matandang babae at nakatingin din pala siya sa akin ng masama.
Ano ba ang problema nila?
Nabaling na ang atensyon ko sa pulis na masungit na kasalukuyang nagsusulat.
“Ma'am pumirma na lang po kayo dito para sa reklamo niyo dito sa dalawa.” nagulat naman ako ng kasama ako sa itinuro.
“Bakit kasali ako?” napatayo pa ako sa sobrang inis. Hindi ko nga kilala itong pangalawang Braguda na ito para madawit ako dito.
“Sit down!” malamig na saad nito na agad naman nakapagpaupo sa akin.
“Syempre kasamahan mo 'tong lalaking 'to kaya kasama ka sa idedemanda ko.” dinuro-duro niya ako at yung lalaking peste.
“Ano?” pagtataas ko ng boses.
“Nagkukunwari pang walang alam!”
“For your information Miss Braguda number 2, hindi ko kilala yang lalaking yan! Nakabunggo ko lang yan kanina at binato ako ng bag sa mukha. Ano bang ginawa sa inyo niyan?” naiinis na talaga ako, kanina pa ako hindi kumakain.
“Tinangay lang naman niya ang bag ko.”
Halos umusok ang ilong ko sa narinig ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na lapitan itong hinayupak na lalaki.
“Walanghiya ka kaya pala nabunggo mo ako dahil hinahabol ka ng mga pulis. At binato mo pa talaga sa mukha ko yung ninakaw mong bag.” pinaghahampas ko siya at siniguro kong malalakas ang bawat hampas na ginawa ko.
Hinila na ulit ako ng pulis at muling pinaupo.
“Kung hindi ka pa titigil Miss, ilalagay ka na namin sa loob ng kulungan.”saad nanaman nitong masungit na pulis. Pasalamat siya at gwapo siya.
“Hindi ko naman talaga yan kilala.” huling hirit ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.
“Hindi ba talaga kayo magkakilala?” baling na tanong niya sa lalaki.
Tumingin pa sa akin yung lalaki at parang natakot naman sa mga titig ko.
“Hindi ko ho kilala yang babaeng 'yan! Paharang-harang lang yan kanina sa daan kaya nahuli niyo ako.”
“Oh diba! Sabi sainyo eh! Nakakainis na ha mukha ba akong magnanakaw? Abuh! Nakakasama na kayo ng loob, wala naman akong ginagawang masama.” nagdadrama kong saad na mas nagpasimangot sa gwapong pulis.
“Sabi ko na wala ka talagang kasalanan eh,” inakbayan pa ako nitong isa pang gwapong pulis.
“Corpuz!” may pagbabanta sa tono ng pananalita nito at naramdaman ko na lang ang pagtanggal ng pakakaakbay nitong Corpuz daw.
“Ano pang hinihintay niyo? Tanggalin niyo na yung posas ko!”
“Inuutusan mo ba kami babae?” kunot na kunot ang noo nitong pulis na masungit.
“Oo! Pagkatapos niyong aksayahin ang oras ko at pagbintangang magnanakaw ako!” pagtataray ko aba't kanina pa kaya ako nagugutom.
Hindi ko na lang siya pinansin at bumaling kay Corpuz.
“Sir Corpuz, paki tanggal na nitong posas ko.” nginitian ko siya na isa sa mga way ko ng pagpapacute.
Nginitian niya rin ako at tinanggal na ang pagkakaposas ko.
“Salamat.” uminat-inat pa ako. Nangalay ako at ilang oras din akong nakaposas.
“Aalis na ako ha! Hindi naman dapat ako nandito! Paki sabi diyan sa kasamahan mo huwag masyadong masungit baka pumangit siya! Mabuti ka pa Sir Corpuz gwapo na mabait pa.” pinagdiinan ko pa ang mga sinabi ko at sumulyap muna ako kay sungit bago tumayo. Tinignan ko din yung ale na nakayuko lang, nahihiya ata sa mga pinagsasabi niya kanina.
“Mauna na ho ako!” inirapan ko muna silang lahat at maangas na naglakad palabas ng presinto.
Nakakainis lang pinagkamalan ba maman akong magnanakaw. Ang ganda ko naman para pagkamalan nila akong magnanakaw.
Aish! Nagugutom na talaga ako. Panira talaga sa buhay ko ang mga braguda.
Kinapa ko ang bulsa ko para kumuha ng pera pambili ng pagkain at pamasahe, kaya lang naalala kong nasa coffee shop pa yung bag ko at nandoon ang wallet ko.
“Bwisit naman talaga!”
Itutuloy...
------
Hikhok! Hello mga mars, mga pars! May bagong update nanaman, sana'y inyong magustuhan.
Panibagong laughtrip at good vibes lang na update.
Nagmamahal
-Jangmi

BINABASA MO ANG
Captivated
AksiIsang matikas at mahusay na Police Officer si Ezekiel Finn Dela Vega. Nagtapos ng pag-aaral sa Philippine National Police Academy at magtatatlong taon na rin siya sa pagpupulis. Binansagang James Bond ng mga kasamahan dahil sa husay nito sa trabaho...