NANDITO ako ngayon sa tapat nang malaking main gate nang eskwelahan na to.Paano ako napunta dito? Well sabi nang ‘DADDY’ ko kailangan ko daw pumasok at magpakilala bilang anak nya. Sino paba edi si DADDY Enrique ang may pakana. Simula nang sabihin nya na ang kapalit nang di nya pagdadala sakin sa magic world ay magiging anak nya ako.
Well okay narin yon at least may daddy pa ako. Masama bang maghanap nang ibang kalinga? Namatay ang grandmother ko. Bukod sa mga dyosa at dyos ay wala nang ibang umasikaso saakin.
Pero ngayon na naging isang Smith na ako yan ang apilyido ni Daddy, naranasan ko ulit na maging isang anak.
*Beeeeepppp!!!*
Napatingin ako sa likod ko nang biglang may bumusina. Nakaharang na pala ako sa gitna tsk. Kaya umalis nalang ako at naglakad na papasok.
Nga pala ang pinasukan kong university ay hindi isang tipikal na eskwelahan katulad nang ibang paaralan dahil ang nag aaral dito ay puro fangster, assassin's, anak nang mayayaman at kung ano ano pa. Di dapat ako dito magaaral eh pero dahil request nga ni Daddy wala na akong nagawa pa.
Ilang linggo narin ang lumipas simula nang maging official Smith na ako. Wala naman akong ginawa kungdi sa mansyon lang eh. Kung hindi naman nag tetraining ako. Ang akala ni Daddy ang kapangyarihan ko ay curse magic pero ang di nya alam isa ito sa mga kapangyarihan ko.
Kahit pa na pumayag akong maging anak nya di naman ako pumayag na tanggalin ang hood and mask ko. I still the same and of course my name di nya alam. Marami syang di alam sakin pero ako madaming alam sa kanya.
They call me Ms.Smith pero di nila alam na di yon ang pangalan ko.
“Hey you! Are you stupid! Nakita mo nang dadaan ako di ka tumabi at talagang binangga mo pa ako!”
Hmm... Deja vu?
“Ikaw nanaman?! Talagang sinasadya mo akong banggain no?!”
Tinitigan kong mabuti ang babaeng dada nang dada sa harapan ko. Di ko naman pinapansin ang mga sinasabi nya eh pero parang familiar sya.
“Wala ka talagang dila no?! Kinakausap kita!”
Aww... I knew her si Nikka Dane Santiago. Tsk. Kung diko pa gagamitin ang ability ko diko maaalala kung sino sya. At dahil nga wala naman akong pake sa kanya eh nilampasan ko nalang sya.
Pero naramdaman ko na hahablutin nya sana ang Hood ko pero diko hinahayaan yun at hinawakan ko nang mahigpit ang kamay nya. Nilapit ko sya papunta sakin at bumulong.
“Galawin Mo na LAHAT wag lang ang hood ko”
Malamig na sabi ko na alam kong ikinanginig nya. Kaya binitawan ko na sya at naglakad na muli. Alam kong maraming nakakita samin. BULONG KASI SILA NANG BULONG TSK. Kung bubulong sila siguraduhin naman nilang di ko maririnig tsk.
Di ko nalang Sila pinsin at naglakad na muli. Nang biglang tumunog ang bell. Napakahabang tunog nito. Para namang hangin na nagsiwalaan ang mga tao sa paligid at ilang sandali lang ay wala ka nang maririnig pa sa paligid kungdi ang mga nagtuturong guro sa bawat room.
O-OKAY anong meron? Nagkibit balikat nalang ako at naglakad papunta sa room ko alam ko naman kung saan eh syempre gamit ability ko.
Nakaka limang hakbang palang ako nang may maramdaman akong apat na aura na familiar. Hinayaan ko nalang sila at naglakad na akong muli.
“Mukang may naliligaw na pusa dito? Hhhmmm... ”
Napatigil ako sa paglalakad nang may nagsalita. I know them. Sila yung nakalaban ko sa gangster world. Nagpapanggap Sila? Pero kinakatakutan parin dito sa eskwelahan. Well not me.
Oh! Btw iniba ko ang hood ko cloak na ito ngayon na umabot hanggang paanan ko. Muka na talaga akong Derrian ngayon tsk. Humarap ako sa kanila at nakita ko ang apat na lalaking nakatingin sakin mga naka nerd glasses sila. Pero kahit wala na silang mask alam kong sila parin yon.
Di nila ako nakilala? Tsk. Sabagay malaki na ang pagkakaiba ko nung huling nagkita kami pero bilib ako sa Santiago na yun at nakilala pa ako. Hhhmmm...
Di ko nalang sila pinansin at tumalikod na sa kanila. Bakit wala silang mapalala sakin. Naramdaman kong susugod na silang tatlo as usual di nanaman kumilos yung pabidang lalaki.
Nabitin sa ere ang paa , kamay at danger nila dahil sa bigla kong itinaas ang kamay ko na simbolo nang pagtigil. Masunurin naman pala sila mga uto uto
“Page 113, Chapter 35 the Supreme Student Government are nothing to do with the transfer student so that he or she are nothing to do with your f*cking rules of this Hell”
Pag ka Sabi ko non ay iniwan ko na sila don. Bala sila.
Yeah saan ko nakuha yung sinabi ko? Well nabasa ko na kasi yung book of rules and regulations ng school na to mga ilang sandali lang ay nandito na ako sa tapat ng room ko. Naririnig ko pa ang pag tuturo ng teacher namin *smirk*
Sinipa ko ang pintuan nang room ko ngayon. Wala akong pake, alam ko namang normal lang sa kanila to mga sangster sila remember pero. Walang nakakaalam kung sino sila sa gangster world.
“Aww... Unexpected! We have a transfer student here!”
Sabi nang guro sa harap pero di ko sya pinansin at naglakad na ako papunta sa pinakang dulo para maupo dun lang naman may bakante. Actually parang empty place ang uupuan ko kasi halos 1/4 nang dulong part ay bakante.
“Mind introducing your self?”
Nakangising sabi nya at binato ako nang katana pero agad ko itong sinalo at ibinalik sa kanya. Syempre sinadya kong daplisan ang pisngi nya kitang kita ang pagtulo nang dugo nya.
“Nice welcome for me but don't focus to me and continue your f*cking lessons of yours”
Malamig kong sabi sa kanya at naupo ako at dumekwatro pa habang sya ay gulat na gulat parin. Maya maya ay nagsi hiyawan ang nasa loob nang room.
“Kyaahh!! Astig!”
“Woah! Idol!”
“Ikaw palang nakapag pagtigil sa bunganga ni ma'am!”
”Wala ka pala ma'am eh! Hahaha!”
At dahil nga sa mga hiyaw nila ay nag walkout ang gurong nasa harapan kanina. Na lalong nagpaingay sa room. Yumuko nalang ako para matulog. Tsk.
BINABASA MO ANG
My Magical Journey [EDITING]
FantasyShe is the girl who doesn't tell her name who's living in the Middle World with her grandmother-A day comes when she'll find her grandmother lying on the ground with its blood and dying. Her life changed because of that incident and there, her JOURN...