Chapter Eleven

98 3 1
                                    

AGAD kaming napahinto sa paglipad nang makarinig kami nang pagsabog at pag sigaw nang mga tao.

“Sumusugod nanaman ang Derrian!”

Pagkasabi ni Bea ‘nun ay nag init agad ang dugo ko kaya dali-dali akong tumalon sa walis niya.

“Smith! Nababaliw kana ba?!”

Rinig ko pang sigaw niya pero diko siya pinansin, kailangan ko silang tulungan. Mabilis ang pagbulusok ko pababa, sobrang taas pala nung pinanggalingan namin.

Kitang-kita ko ang mga tingin nila sa pag-aakalang nalaglag ako sa sinasakyan namin ngunit ang mga sumunod kong ginawa ay ikinagulat nila.

Inilabas ko ang aking pakpak.

Tama kayo may pakpak ako. Lahat ng taga magic world ay kayang gumawa nang wings with their magic basta elemental user siya.

Umikot muna ako sa paglipad bago ako huminto at tinignan ang mga Derrian na nasa baba. Nakatingin sila saakin. Mabuti yun at nakuha ko ang attention nila.  Ang kulay nga pala ng aking pakpak ay puti at ito ay napapalibutan ng mga bolts.

“Sa tingin niyo tama ang ginagawa niyo?!”

Sigaw ko sa kanila pero mga lapastangan nagsmirk lang sakin at tinuloy ang pagpatay sa mga witches and wizards army.

Medyo madami sila mga 30, talagang inuunti unti nila ang mga magicians dito. Dahil nga ininis nila ako ay gumawa ako ng hangin na magpapatalsik sa kanila gamit ang pakpak ko, na syang nangyari naman.

Agad akong bumaba at nilapitan ang mga army.

“Ako nang bahala dito.”

Pagkasabi ko niyon ay gumawa ako ng barrier sa saamin lang ng mga Derrian na'to para wala na silang madamay na iba. Hindi ‘rin ako natatakot dahil kaya ko naman sila.

“Sino ka sa akala mo at kinakalaban mo kami?”

Tinignan ko lang siya ng matalim at nag-smirk sa kaniya.

“Ako lang naman ang papatay sa inyo.”

Malamig kong sabi at nag bato sa kanila nang thunder ball at nag palabas nang latigo na gawa sa thunder.

Agad akong tumakbo palapit sa kanila at lahat ng madaanan ko ay agad kong hinahampas ng latigo.

Napayuko ako nang may dark ball na parating sakin pero pagangat ko ay may paparating nanamanng panibago kaya agad akong gumulong at hinampas ang lapastangan na bumato saakin.

Ganon lang ang naging routine ko hanggang sa yung leader nalang ang natira sa kanilang lahat.

“Hindi ka mag-aaral ng Magic Academy! Sino ka?!”

Tanong saakin nang lalaking nasa harapan ko. Tinignan ko lang sya at sinimulan ko na ang illusion. Kitang kita ko ang pag tingin tingin niya sa paligid na alam kong hindi maganda ang nangyayari sa loob ng illusion na ‘yon.

At dahil na ‘rin alam niya ang sekreto ko ay ‘di ko hahayaan na maibahagi niya pa ito sa iba. Nilapitan ko siya't binululangan.

“Ako... Ako ang tatalo sa inyong lahat.”

Pagkasabi ko sa kanya ‘non ay pinutulan ko na siya ng ulo. Wala ng saysay pa ang buhay niya. Once an enemy always an enemy, tandaan nyo ‘yan.

Tinanggal ko na ang barrier na nakapalibot saamin kanina. Nakita ko na maraming nasirang mga bahay. Kahit kailan walang naidulot na tama ang mga Derrian na ‘yun.

“Miss! Salamat sa pagtulong mo pero sino ka? Hindi ka isang witch?”

Tanong ng isang wizard saakin na sa tingin ko ay siya ang namumuno sa mga kawal na nandito. Magsasalita na sana ako pero naudlot nang biglang may sumigaw.

My Magical Journey [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon