Chapter Nine

131 6 1
                                    


AALIS ako”

Deretsyo kong sabi sa kanila na ikinataka naman nang katabi kong madaldal.

“Anong aalis? San ka naman pupunta aber?!”

Nakaataas na kilay na sabi nya saakin kaya tinitigan ko muna sya kahit na di nya ako nakikita dahil sa cloak ko.

“Sa lugar kung saan di mo alam”

Naka smirk kong sabi sa kanya at tumayo na ako para palabasin sila kailangan kong mag isip isip nang maayos. Nakanganga pang nakatingin sakin tong lima na to kaya pinagtutulak ko na sila palabas at agad na nilock ang pintuan.

“Ah! Nga pala sa inyo ko iiwan ang University ko alagaan nyo ah! Babalik pa ako! *Pabulong* kung makakabalik pa ako*sigh*”

Kinalampag pa ni Nikka ang pintuan pero gumamit ako nang barrier para di na narinig ang nasa loob or labas.

Napasandal na lamang ako sa pintuan ko at nagpadaus-us pababa dito. Di ko akalain na masasabi ko yun. Matagal ko nang pinagplanuhan kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Sa dami kong napractice yun lang pala masasabi ko

Kaya matagal akong nawala kailangan kong mag isip isip at ito na nga ang napagpasyahan ko. Ang ituloy ang paglalakbay ko.

“Sigurado kana ba sa plano mo baby girl?”

Napatingin ako sa taong nasa harapan ko ngayon si Daddy. Alam nya to syempre nagpaalam na ako sa kanya eh. Tyaka ito ang sinasabi ko kanina na hinihintay ko. Ang pagkakataon na magpaalam.

Naalala ko pa ang reaction sakin ni Daddy nung sinabi kong aalis ako, pero I lied to him. Ang sabi ko sa kanya sa Magic world ako pupunta pero ang totoo nyan hindi dun.

Sa Witches and Wizards World ako pupunta. Dahil sa pag isisip ko napagpasyahan ko na libutin LAHAT nang mundong meron dito.

*Flashback*

Nagising akong nasa isang lugar kung saan ay napakaganda. Hindi ito ang lugar ng mga Dyos at dyosa. Kakaiba ito ngayon ko lang napuntahan. Nasaan ba ako?

Kinapa ko ang itsura ko. Teka! Wala yung cloak and mask ko!

Natutuwa ako at nakita kitang muli hija”

Para akong natuod sa kinatatayuan ko. Nawala sa isip ko ang pagkawala nang cloak ko. Ang nasa isip ko lang ay ang boses na yun ay kilalang kilala ko.

Dahan dahan ako humarap sa pinanggalingan nang boses na yun na syang ikinatulo nang luha ko. Agad akong tumakbo palapit sa kanya.

G-grandmother!!!!

Nang mayakap ko sya ay muli kong naramdaman ang pakiramdam na ligtas ako. Ang pakiramdam na yung dating ako. Wala pang iniisip na iba. Walang business,walang gangster,walang university at kung ano ano pa.

Umiyak ako sa balikat ni Grandmother na simula nang mawala sya ay ngayon nalamang akong umiyak muli. Ginayak ako ni Grandmother sa isang bench at doon kami naupo.

Grandmother... Bat ngayon ka lang nagpakita Sakin ulit? Miss na miss na kita...

Miss na rin kita hija pero iba na ngayon. Sobrang dami nang nangyari. Nag iba kana. May bago ka nang pamilya na ikituwa ko dahil Hindi ka nagpalugmok lamang sa nakaraan.

My Magical Journey [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon