Chapter Ten

69 2 0
                                    


NANDITO ako ngayon nakatayo sa parang gubat? Pero kakaiba ito. Kasi yung mga puno ay—

“Sino ka?! Saan ka galing? Bigla ka nalang sumulpot? Nararamdaman kong ‘di ka isang witch! Kalaban ka noh?!”

Sabi ng punong nasaharapan ko na sinangayunan naman nang iba habang napapalibutan ako. Tama kayo, ‘yung mga puno ay nagsasalita, what do I expect nasa mundo ako ng majika.

Bigla nalamang silang umatake saakin ng walang pasabi pero hindi ako lumaban. Alam ko naman na mababait sila kaya hindi ko hahayaan na labanan ang mga ito.

“Bat ‘di ka nagsasalita?! Isa ka rin sa mga Derrian no! Talagang ‘di kayo titigil para mapilit na kumampi kami sa inyo sa darating na digmaan huh! Di kayo magtatagumpay!”

Digmaan? Narinig ko nanaman yan. Ano bang nangyayari? Masyado ba akong nagtagal sa mortal world at di ko alam ang nangyayari sa iba pang mga mundo?

“Hindi po ako kalaban, sa katunayan galing ako ng mortal world naglakbay ako papunta dito sa mundo niyo.”

Sinungaling! Portal ang ginamit ko eh. Hehe hayaan na nga.

“Di kami naniniwala sayo! Isa ka rin sa kanila mapagpanggap!”

Pinagbabato nila ako nang mga prutas nila. Pero kakaiba ito dahil pag may tinamaan ay nagiging parang isang asido na magpapalapnos sayo.

Lahat ng mga binabato nila ay iniwasan ko dahil yun lang magagawa ko. Alam ko mayroon din silang kahinaan dahil nabasa ko na ‘yun sa libro.

Naramdaman ko na tinamaan nila ako sa braso na naging dahilan upang maputol ang pag-iisip ko habang nakamasid sa kanila. Mukang natuwa naman sila sa nakita at hindi ako tinigilan. Hanggang sa sunod sunod na ang tumama saakin.

Masyado na akong nawawalan nang malakas na senses. Nito kasing mga nakaraang buwan ay business ang inaasikaso ko, business na walang katapusan.

Napatingin ako sa soot ko at butas butas na ang cloak ko pati damit ko, lapnos na ‘rin ang balat ko. Kailangan na itong matigil, gusto ata nilang maging abo ako e. Hanggang sa maya-maya pa ay naramdaman ko na may tatama sa hood ng cloak ko kaya tumalon ako palayo.

“Tamaan niyo na po ang lahat wag lang ang hood ko”

Malamig kong sabi at ginawa na ang tamang gawin. Naglabas ako ng mga needles at isa isang binato sa tamang parte ng kanilang ugat na syang ikinahinto nila sa pag-atake saakin.

‘Yan ang kahinaan nila, mapaparalize sila sa ganong paraan. Kahit pagsasalita ay ‘di nila magagawa pero gising pa naman sila.

Nang makitang maayos na ang lahat ay napaupo nalamang ako sa lupa at sumandal sa bato na nasa likod ko. Butas butas na ang damit ko at puro sugat ‘rin ako. Siguro kung wala akong kapangyarihan ay baka nanghina na ako at namatay tsk.

Pumikit nalang muna ako at pinagaling ang aking sarili, isa ito sa ability ko. Inabot lang ako ng isang minuto sa pag heal sa sarili ko at tumayo na. Tinanggal ko na ang cloak ko total butas butas na eh, ampanget na tyaka naka mask naman ako eh.

Naramdaman ko ang preskong hangin na siyang ikinalipad ng mahaba kong buhok. Napansin ko na mayroong mga nakatingin saakin kaya tinignan ko ang mga punong nandidito nakita kong nanlaki ang mga mata nila.

Agad akong pinamulahan ng muka dahil naalala kong butas butas na nga pala ang soot kong damit!

“Kyah! Ang babasto niyo! Pumikit nga kayo!”

Mukang natauhan naman sila sa sinabi ko at agad na nagsipikitan na ikinahinga ko ng maluwag. Sinamantala ko ang pagkakataon na ‘yun at gumamit ako ng spell para mapalitan ang damit ko.

My Magical Journey [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon