8

164 16 3
                                    

Vote. Comment. And enjoy reading
Chasing Love
-Elay Biares

A/N: This chapter is dedicated to kuya Manuel Jake Soledad! Hi kuya! He's a vlogger po at hindi kayo mabobored kung papanuorin nyo ang vlogs niya. Keep going kuya!

 Keep going kuya!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Baliw sayo

Sobrang weird nang inaakto ng magpipinsan kahapon. Siguro naman ngayon ay hindi na sila ganun. Medyo nag aalala din kasi ako. Bigla na lang kasi nagbabago ang ugali.

Naglalakad na ako papunta sa bahay ng mga Villanueva. Tahimik lang ako habang naglalakad. Iniisip ko kasi hanggang ngayon kung bakit ganon ang inaaakto ng magpipinsan. Ang weird lang.

"Hi Stephanie! Good morning!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa isang matinis na boses na tumawag sa akin.

"Good morning, Kaycee." gulat ang aking mukha nang makita siya. Anong ginagawa niya dito? Hindi naman siya sumasabay sakin kapag napasok noon ah.

Lumapit ito sa akin at saka isinabit ang kanyang kamay sa aking braso. Bakit halos lahat ng tao sa paligid ko ay weirdo? Bigla bigla na lang nagbabago ang ugali. Ano nga tawag don?

Pagkadating namin sa tapat ng bahay ng Villanueva ay nasalubong namin ang magpipinsan nag naglalakad papunta sa dako namin. Nakita ng dalawa kong mata kung pano nawala ang emosyon sa mukha ni Kai. Sumimangot naman si Yeonjun at mas lalong nawalan ng emosyon ang mukha nung tatlo. Tahimik lang kami pero sinira ito ni Kaycee.

"Hi everyone! Hi Kai! Good morning!" kumaway si Kaycee sakanila at saka kinalas ang kanyang kamay sa braso ko. Lumapit siya kay Kai. Ipupulupot niya sana ang kamay niya kay Kai pero hindi siya pinansin neto. Lumapit sakin si Kai at kinuha ang bag ko. Kita ko kung pano nag alab ang mata ni Kaycee pero nang napansin niyang naka tingin ako sakanya ay binigyan niya ako ng isang hilaw na ngiti.

Hindi nagsalita ang lima sa likod namin. Bumalik sa tabi ko si Kaycee at saka muling pumulupot sa akin. Hindi ako sanay. Nasanay na ako agad sa tawanan nilang magpipinsan habang naglalakad kami. Pero ngayon, parang umulan ng nyebe sa sobrang lamig ng pakikitungo nila. Ni hindi nga nagpapakita ng emosyon ang mga gwapo nilang mukha.

"Bakit kasama ulit ni Kaycee yang manggagamit na iyan?"

"Don't tell me hinahayaan niya na gamitin ulit siya ng babae na iyan?"

"Pansin nyo? Ang lamig ng awra ngayon ng mga Villanueva."

"Oo nga. Siguro ayaw na nila kasama yang malandi na yan. Baka natauhan na sila."

Napa buntong hininga ako. Kailan ba sila mapapagod na siraan ako? Kailan ba sila titigil na pagsalitaan ako ng ganyan? Kapag ba sila ginanyan ko din maiinis kaya sila? Taon na nila akong pinagsasalitaan ng ganyan pero hindi pa rin ako masanay sanay.

"Don't mind them." bulong sakin ni Kaycee na ikinatango ko. Bumalik ang tingin ko sa hallway. Tama. Hindi ko na dapat sila alalahanin. Titigil din ang mga iyan.

Dumating kami sa classroom. Kagaya ng kanina ay napatingin silang lahat sa amin. Pero puno ng panghuhusga ang mga mata nila kapag napupunta ito sakin. I sighed. Heto na naman sila.

Bumitaw sa akin si Kaycee at saka pumunta sa kanyang upuan. Pumunta na rin kami sa mga kanya kanya naming upuan. Napasinghap lahat ng kaklase ko nang makita nilang hawak ni Kai ang bag ko at iniabot ito sakin ng makarating siya sa tabi ko. Narinig ko din ang bulungan ng ibang kaibigan ni Kaycee.

"Kaibigan mo na ang mga Villanueva, Kaycee?"

"Rica hindi pa ba obvious? Kasabay niyang pumasok!"

"Malay ko bang nakasalubong niya lang."

Tumigil sila sa pag uusap nang dumating ang teacher. Nagsimula nang mag lesson pero panay ang sulyap ni Kaycee sa gawi namin. She's not looking at me. Alam kong kay Kai siya nakatingin. Halata naman kasi na may gusto siya kay Kai. Bagay sila.

May kung anong kumirot sa akin dahil sa pinag iisip ko. Sinasabi kong bagay sila pero hindi ko naman pala kayang panindigan kasi nasasaktan ako. Pero gwapo naman si Kai at maganda si Kaycee. Parehas pa silang mayaman. Nababaliw na ako. Binubugaw ko si Kai sa isip ko pero nasasaktan naman ako.

Lunch. Asa canteen kaming anim. Wala si Kaycee dahil kasama niya ang iba niyang kaibigan. Alam ko namang hindi na mababalik ang dati may magkakaiba kaming circle of friends. Bumalik na sa dati ang magpipinsan. Bumalik na yung makukulit kong kaibigan. Nang maubos ko na yung pagkain ko ay biglang dumating si Kaycee. Naputol ang tawanan nilang lima at bigla na lang sumeryoso. Seryoso, anong nangyayari sakanila? Ayos lang ba talaga sila?

"Pwedeng sumabay ng lunch?" malambing na tanong ni Kaycee sa lima na para bang wala ako dito sa kinauupuan ko. Nagkatinginan silang lima at parang walang balak sumagot kaya ako na lang ang nagsalita.

"Oo naman Kaycee. Halika upo ka." umapoy ang kanyang mata nang tignan ako. Natahimik na lang ako kesa magalit siya sakin dahil sa pagsabat ko. Kinuha ko na lang ang juice na binili ko kanina.

Ang apoy sa mata ni Kaycee ay unti unti nawala nang tumabi siya kay Kai. Ang mga apoy sa mata niyang nawala ay napunta sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero nairita ako bigla. Ayaw ko sa katotohanang katabi niya ngayon si Kai. Pero mas nainis ako sa mga bubuyog na nakapaligid sa amin.

"Tignan nyo. Katabi ni Kaycee si Kai."

"Siguro natauhan na si Kai na gagamitin lang siya nung malandi na yon."

"Bagay silang dalawa." 

"Sinabi mo pa. Gwapo at maganda parehas pang mayaman."

That slap me hard. Oo nga naman, bagay sila. Parehas may itsura at parehas mayaman. Eh ako? Ano bang meron ako? Hindi na nga ako maganda hindi pa mayaman. Hindi kami bagay sa isa't isa.

Muli kong tinignan si Kai at Kaycee. Matamis ang ngiti sa labi ni Kaycee at maganang kumain. Samantalang si Kai naman ay wala pa ding emosyon ang mukha. Pero kanina natawa pa siya. Bakit sila ganyan ngayon?

Natapos ang lunch ay bumalik na din kami sa classroom. Katabi ko si Yeonjun at nasa harap naman namin si Kaycee at Kai. Ilang beses binalak ni Kai na tabihan ako pero umaapoy ang mata ni Kaycee kaya itinulak ko na lang siya sa harap. Wala naman akong laban kay Kaycee eh.

Uwian na. Pero ganun pa din ang inaakto ng magpipinsan.  Nalilito na talaga ako sa kinikilos nila. Ang hirap nilang intindihin. Kasama namin si Kaycee hanggang ngayon. Kagaya ng kanina si Kai ang kasabay niya.  Pero dahil malapit na ang bahay ni Kaycee ay kami kami na lang ulit ang naiwan. Yung katahimikan kanina ay biglang naglaho dahil nagsimula nang dumaldal si Yeonjun na sinabayan naman ng mga pinsan niya. Mga baliw na ata sila.

Puro sila tawanan at kulitan yung magpipinsan hanggang sa makarating kami sakanila. Gaya nung dati ay nanatili na naman ako sa bahay nila. Wala daw si Lola Feli, pumunta ng Maynila saglit pero babalik din naman. Pinapanood ko ang mag pipinsan na magkulitan sa pool area nila. Oo may pool sila pero trip pa ring maligo sa dagat. Mga baliw nga sila. Affirmative.

"Anong iniisip mo?" tanong sakin ni Kai na katabi ko. Sakanilang magpipinsan talaga siya lang ang lagi kong nakakausap ng matagalan. Siya lang din ang nalapit sakin lagi.

"Iniisip ko lang kung baliw ba kayo." gulat ang kanyang mukha sa sinabi ko pero tumawa din ng makabawi siya. "Kasi kapag andyan si Kaycee ang tahimik nyo, para kayong yelo. Tapos kapag wala na siya para kayong mga bata na binilhan ng paborito nilang candy." tumatawa pa din siya na ikinanguso ko na lang.

"Oo nga. Baliw kami. Yang apat literal na baliw yan. Pero ako? Baliw ako sayo."

Chasing Love (Villanueva Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon