Vote. Comment. And enjoy reading. Chasing Love -Elay Biares
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Into you
Dumating ang unipormeng pinabili nila kaya naman nakapagbihis at at saka kami sabay sabay na pumasok sa room. Lahat sila ay napatingin sa dako namin, sakin. Nagumpisa na naman ang bulungan na ang karamihan ay hindi nakatakas sa ang pandinig.
"Nagpapaawa siguro yan sa magpipinsan."
"Oo nga. Alam naman natin kung gaano siya kalandi."
Sinikap kong wag na lang ituon sakanila ang aking atensyon. Masasakit ang mga salitang binibitawan nila pero bakit ako magpapa apekto? Eh kasinungalingan lang naman ang binabasehan nila. Ayos na yung alam ko sa sarili ko kung sino at ano talaga ako.
"Una si Kaycee ang ginamit niya ngayon naman ay ang mga Villanueva." sabi ng isa naming kaklase sa kanyang katabi habang nakatingin ng masama sa akin. Napailing na lang ang babaeng katabi niya.
Nanlabo ang aking mga paningin. Bakit ba sila ganyan? Bakit ba nila iniisip na ginagamit ko lang ang mga taong mas mataas sa akin? Kahit kailan hindi ko ginamit si Kaycee. Kapatid ang turing ko sakanya. At hindi sumagi sa isip kong gamitin din ang mga Villanueva. Hindi ko magagawa iyon.
Nang makadating kami sa kanya kanya naming upuan ay yumuko ako at pasimpleng pinunasan ang luhas tumakas sa aking mga mata. Nang mapunasan ko ang aking luha ay nag angat ulit ako ng tingin at nasalubong ang tingin sa akin ni Kai. Hindi ko iyong mapunto. Hindi ko iyon maintindihan.
"Akala mo naman kung sino mabait may itinatago namang kulo. Ako na tuloy ang naaawa para sa mga Villanueva. Nauuto lang sila ng babae na iyan."
Ilang taon na ba silang ganito sa akin? Pero bakit hindi pa rin ba ako nasasanay? Sabi sakin noong pinsan ko ng minsan siyang dumalaw dito ay masyado daw akong mabait. Hindi din naman kasi ako tinuruan nina lolo at lola na gumanti. Ang sabi nila sakin, mapapagod din ang mga ito na siraan ako. Hayaan ko na lang daw, at iyon naman ang ginagawa ko. Ang hayaan sila.
Natigil lang ang bulong bulungan nung pumasok na ang teacher namin. Gaya ng iba ay andun ang paghanga sa kanyang mata at hindi makapaniwalang estudyante niya ang mga Villanueva. Isang makapangyarihan na angkan ang pinagmulan ng mga ito.
Natapos ang klase ay naghanda na ang lahat para umuwi. Palabas na sana kami ng classroom nang biglang humarang sa harap namin si Kaycee. Para itong pusa na may maamong mukha.
"S-Stephanie.. P-pwede ba tayong m-mag usap? Yung tayong d-dalawa lang sana." tumngo ako sakanya at saka nagpaalam sa lima. Ngayon lang nautal at naging maamo ang pananalita ni Kaycee pagkatapos masira ng pagkakaibigan namin. Ngayon niya lang ako ulit kakausapin ng matino pagkatapos ng nangyari noon.
"Kaycee may sasabihin ka ba?" mahinhin ang boses ko habang sinasabi ito. Mahinhin talaga akong magsalita at doon mo mapaghahalataan ang ugali ko. Ang maamo niyang mukha ay napalitan ng blangko.